“6. Pagkatapos ng Iyong Misyon,” Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo—Mga Service Missionary (2025)
“Pagkatapos ng Iyong Misyon,” Mga Pamantayan ng Missionary—Mga Service Missionary
6
Pagkatapos ng Iyong Misyon
6.0
Pambungad
Ihanda na ngayon ang iyong sarili na ipagpatuloy ang iyong buhay bilang isang disipulo ni Jesucristo at bilang isang tapat na miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw pagkatapos mong ma-release. Bagama’t natapos na ang iyong misyon, patuloy ka pa ring magsisikap na matupad ang iyong misyon sa buhay na makabalik sa piling ng Ama sa Langit.
6.1
“My Plan”
Habang nalalapit na ang pagtatapos ng iyong misyon at sa tulong ng iyong mga service missionary adviser, kumpletuhin ang iyong “My Plan.” Ibahagi ito sa iyong mga service missionary adviser. Pagkatapos ng iyong misyon, bibigyan ka ng isang mentor na tutulong at susuporta sa iyo sa pagsunod mo sa iyong “My Plan.”
6.2
Pagtatapos ng Iyong Misyon
Dahil missionary ka pa rin hangga’t hindi ka inire-release ng iyong stake president, inaasahang susundin mo ang lahat ng mga pamantayan ng missionary hanggang sa i-release ka.
6.3
Paglilingkod at Pag-unlad Pagkatapos ng Iyong Misyon
Pagkatapos ng iyong misyon, patuloy na ipamuhay ang ebanghelyo at panatilihin ang mabubuting gawi na tutulong sa iyo na manatiling malapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo. Gamitin ang mga talento at kakayahang natutuhan mo para palakasin ang iba at itatag ang kaharian ng Diyos. Tiyakin na:
-
Ibahagi sa iba ang iyong karanasan sa misyon.
-
Sundin ang iyong “My Plan” at magpatuloy na magtakda ng mga mithiin sa buong buhay mo.
-
Magdasal at mag-aral ng mga banal na kasulatan araw-araw.
-
Dumalo at makibahagi sa inyong home ward o young single adult ward; humingi ng calling sa iyong bishop.
-
Maghanap ng mga oportunidad na maglingkod sa templo kung may malapit na templo.
-
Patuloy na maghanap ng mga pagkakataong makapaglingkod sa ibang tao.
-
Dumalo sa institute o iba pang klase sa relihiyon.
-
Maghangad ng edukasyon, training, at mga oportunidad na makapagtrabaho.
Mamuhay sa paraan na mararanasan mo ang uri ng kagalakan na inilarawan sa Aklat ni Mormon nang muling magkita kalaunan ang Nakababatang Alma at mga kapwa niya missionary:
“Habang si Alma ay naglalakbay mula sa lupain ng Gedeon patimog, palayo sa lupain ng Manti, masdan, sa panggigilalas niya, nakasalubong niya ang mga anak na lalaki ni Mosias na naglalakbay patungo sa lupain ng Zarahemla. …
“… Kaya nga, si Alma ay labis na nagalak na makita ang kanyang mga kapatid; at ang nakaragdag pa sa kanyang kagalakan, sila ay kanya pa ring mga kapatid sa Panginoon; oo, at sila ay naging malakas sa kaalaman ng katotohanan; sapagkat sila’y mga lalaking may malinaw na pang-unawa at sinaliksik nila nang masigasig ang mga banal na kasulatan upang malaman nila ang salita ng Diyos.
“Subalit hindi lamang ito; itinuon nila ang kanilang sarili sa maraming panalangin, at pag-aayuno; kaya nga taglay nila ang diwa ng propesiya, at ang diwa ng paghahayag, at kapag sila ay nagturo, sila ay nagtuturo nang may kapangyarihan at karapatan ng Diyos” (Alma 17:1–3).