“5. Awtoridad at mga Ordenansa ng Priesthood,” Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo—Mga Service Missionary (2025)
Awtoridad at mga Ordenansa ng Priesthood,” Mga Pamantayan ng Missionary—Mga Service Missionary
5
Awtoridad at mga Ordenansa ng Priesthood
5.0
Pambungad
Ang priesthood ay ang awtoridad at kapangyarihan na ibinibigay ng Diyos sa Kanyang mga anak upang pagpalain at magdala ng kaligtasan sa lahat ng tao. Ang awtoridad na ito ay kailangan para makapagturo at mapangasiwaan ang mga ordenansa ng ebanghelyo. Ang mga priesthood leader na tumanggap at gumagamit ng mga susi ng priesthood ay may awtoridad ng priesthood at maaari nilang ibigay ang awtoridad na iyan sa iba.
“Sa Simbahan, ang lahat ng awtoridad ng priesthood ay ginagamit sa ilalim ng pamamahala ng mga maytaglay ng mga susi ng priesthood. … Ang lahat ng miyembro ay maaaring gumamit ng itinalagang awtoridad kapag sila ay na-set apart o naatasang tumulong na isakatuparan ang gawain ng Diyos” (Pangkalahatang Hanbuk, 3.4).
Kapag ang isang babae ay na-set apart bilang missionary, siya ay kumikilos sa ilalim ng awtoridad ng priesthood para isagawa ang isang tungkulin ng priesthood. Sinumang mayroong calling na natanggap mula sa taong maytaglay ng mga susi ng priesthood ay ginagamit ang itinalagang awtoridad ng priesthood sa pagtupad sa mga gawaing ibinigay sa kanya.
Kung ikaw ay isang mayhawak ng Melchizedek Priesthood, magkakaroon ka ng pagkakataong makibahagi sa mga ordenansa at basbas ng priesthood.
Kapag nagsasagawa ng mga ordenansa at basbas ng priesthood, sundin ang mga tuntunin sa kabanata 18 ng Pangkalahatang Hanbuk. Tingnan din ang Pangkalahatang Hanbuk, 3.4 at 3.5, para sa iba pang impormasyon tungkol sa awtoridad at kapangyarihan ng priesthood.