Paano Ka Makasusumpong ng Katuparan Kapag Hungkag ang Iyong Kalooban?
May depresyon ako noon at nagkakaproblema sa pamilya ko. Isa iyon sa pinakamahihirap na panahon sa buhay ko. Watak-watak ang pamilya ko, at hindi kami magkasundo. Naisip ko ang tulad ng, “Bakit pa ako patuloy na nabubuhay? Bakit ako narito?” Hungkag na hungkag ang kalooban ko.
Pagkatapos ay nalaman ko ang tungkol sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ang kaibigan kong nagyaya sa akin na magsimba ay laging nagsisikap na ipamuhay ang ebanghelyo at ibahagi iyon sa iba. Sinunod niya ang Banal na Espiritu sa pagyaya sa akin na magsimba. Napakaganda ng oras na ginugol ko sa simbahan. Sa pagdalo sa seminary na kasama ang mga kaklase ko ay napuspos ako ng labis na pagmamahal. Pagkaraan ng walong buwan ng pag-alam tungkol sa Simbahan at pag-aaral tungkol kay Jesucristo, nabinyagan ako.
Pakiramdam ko ay iniligtas ako ni Jesucristo mula sa maraming mahirap na bagay na pinagdaraanan ko sa panahong iyon. Alam ko na Siya ang nagsalba sa akin.
Alessia H., edad 16, El Oro, Ecuador
Mahilig mangabayo, gumugol ng oras sa pamilya, at gawin ang mapanganib na sports.