2025
Sa Paningin ng Diyos
Para sa Lakas ng mga Kabataan Abril 2025


Mga Tinig ng mga Kabataan

Sa Paningin ng Diyos

dalawang dalagita

Larawang-guhit ni Katelyn Budge

Nagkaroon ng pagkakataon na ayaw kong makasama ang isang babae sa klase ko sa Young Women. Parang hindi angkop ang ilan sa pag-uugali niya para sa akin. Itinanong ko sa sarili ko, “Bakit siya ganyan?”

Pagkatapos sa isang kumperensya, may nagbigay ng mensahe kung paano natin hindi dapat tingnan ang mga tao kung ano sila kundi kung ano ang maaari nilang kahinatnan. Masyado akong tinamaan doon. Nagpasiya akong subukang makita ang magagandang bagay tungkol sa dalagitang ito. Nakikilahok siya sa klase. Handa siyang magsimba kahit sila lang ng kapatid niyang babae ang aktibong mga miyembro sa kanilang pamilya. Handa siyang sumama sa mga aktibidad, kahit ayaw ng kapatid niya.

Nang magsimula akong maghanap ng magagandang bagay tungkol sa dalagitang ito, parang hindi ko na siya nakikita ayon sa aking likas na mga mata. Parang nakikita ko siya sa paningin ng Diyos, sa paraan ng pagtingin Niya sa kanya.

Bilang mga disipulo ni Cristo, tungkulin nating mahalin ang isa’t isa. Alam ko na hindi ito palaging madali. Pero kapag tinitingnan natin ang mga tao tulad ng pagtingin ng Ama sa Langit at ni Jesucristo sa kanila, maaalala natin na sila ay mga anak ng isang Hari, katulad lang natin. May sarili silang mga hamon. Unang pagkakataon lang din nilang mabuhay sa mundo.

Ang pagmamahal sa iba ay posible dahil maaaring mapasaatin ang tulong ng Ama sa Langit at ni Jesucristo. Madarama natin ang Kanilang lakas at maaalalang tingnan ang iba ayon sa pagtingin Nila sa kanila, hindi sa sarili nating mga mata.

Asiris L., edad 16, Lima, Peru

Mahilig tumugtog ng biyolin, piyano, at Sudoku.