Kumonekta
Eliot L.
15, Brasília, Brazil
Larawang kuha ni Barbara Leite
Ang isa sa pinakamahihirap kong pagsubok ay nang magkaroon ng breast cancer ang nanay ko. Naisip ko, “Mamamatay ba ang nanay ko? Bakit ito kinailangang mangyari?”
Kahit noong nagdurusa siya, gusto ng nanay ko na maging matatag para sa amin. Sinasabi niya, “Ako na ang magsasampay ng mga nilabhan!” Pero hindi niya magawa iyon. Kinailangan naming tumulong. Marami akong natutuhan tungkol sa paglilingkod mula sa karanasang iyon. Ngayon, lubos nang gumaling ang nanay ko, at nagpapasalamat ako sa Ama sa Langit araw-araw.
Natuto rin ako tungkol sa paglilingkod mula sa tatay ko. Sa isang paglalakbay ng pamilya sa São Paulo, nagbigay ang tatay ko ng isang supot ng mansanas sa isang binatilyong namamalimos ng makakain. Kalaunan nang araw na iyon, ibinigay ni Itay ang mga sandwich namin sa isa pang lalaki. Sabi niya, “Mas kailangan niya ang mga ito.”
Para sa akin, ang ibig sabihin ng pagiging disipulo ni Jesucristo ay katawanin Siya kahit saan, sa lahat ng oras—maging halimbawa sa iba at ipakita ang nalalaman ko tungkol sa Kanya.