Paglilingkod sa Pamamagitan ng Cell Phone
Laking pasasalamat ko sa kaibigan ko sa pagpapadala ng text message na iyon, at natutuwa ako na sinunod ko ang pahiwatig na magpadala ako ng text message.
Larawang-guhit ni Michael Mullan
May isang taon na nagpunta kami ng nanay ko at ng kapatid kong babae sa bahay ng tito ko para magbakasyon. Isang araw bago kami naglakbay, nag-delete ako ng lahat ng social media app ko dahil nakakaapekto talaga ang mga iyon sa aking espirituwalidad. Alam ko na ang pag-iwas sa social media ang pinakamagandang gawin, pero nakadama ako ng kaunting lungkot at pag-iisa. Ilang araw matapos akong umalis ng bahay, walang naghanap sa akin, at parang wala talagang nag-alala sa akin.
Pagsapit ng Bagong Taon, lungkot na lungkot pa rin ako. Pero nakatanggap ako ng di-inaasahang text message mula sa isang kaibigan, na bumati sa akin ng maligayang Bagong Taon. Hindi kami gaanong malapit sa isa’t isa, pero napakahalaga sa akin ng mensahe niya—nangahulugan iyon na may nagmamalasakit.
Pagkatapos ay nakatanggap ako ng pahiwatig—bakit hindi ako magpadala ng mga text message sa lahat ng mga kaibigan ko? Agad akong kumilos at binati ko ng maligayang Bagong Taon ang bawat tao at sinabi sa kanila kung gaano kalaki ang pasasalamat ko para sa kanila. Kailangan din siguro ng ilan sa kanila ng isang taong babati sa kanila. Bigla na lang, mas naging madali para sa akin na mapansin ang musikang tumutugtog at ang kaligayahan sa mukha ng mga pinsan ko. Nadama ko ang Espiritu, at tumagal nang buong araw ang masayang pakiramdam ko.
Laking pasasalamat ko sa kaibigan ko sa pagpapadala ng text message na iyon, at natutuwa ako na sinunod ko ang pahiwatig na magpadala ako ng text message. Sa sitwasyong ito, nakatulong ito sa akin na makipag-ugnayan sa iba nang madama ko na kailangan ko ring may makipag-ugnayan sa akin. Alam ko na totoo ang mga salitang ito ni Pangulong M. Russell Ballard (1928–2023): “Magkakaroon tayo ng kapayapaan, kagalakan, at kaligayahan sa buhay sa paglilingkod sa Panginoon at sa ating kapwa.”
Si Mosiah ay mula sa Lagos, Nigeria. Mula nang isulat niya ang kuwentong ito, nagsimula siyang maglingkod sa Côte D’Ivoire Abidjan East Mission.