2024
Panginoon, Manatili sa Piling Ko
Disyembre 2024


Si Jesucristo ang Inyong Lakas

Panginoon, Manatili sa Piling Ko

Natutuhan ni Floyd kung paano tayo mapapagaling at mapapalakas ng kaloob na kapatawaran.

Si Jesucristo na hawak ang kamay ng isang tao

A Father’s Care [Kalinga ng Isang Ama], nina Kelsy at Jesse Lightweave

Si Floyd, isang binatilyong nakatira sa Uganda, ay mahilig magsayaw ng break dance, paghusayin ang kanyang mga talento, at maglingkod sa Diyos. Sa edad na 13, natukso si Floyd na labagin ang Word of Wisdom. Normal lang ang pag-inom ng kape at tsaa sa nayon nila, at paminsan-minsa’y nakikisali si Floyd sa mga kaibigan niya.

Matapos kausapin ang kanyang mga magulang at basahin ang itinuturo ng mga banal na kasulatan tungkol sa kalusugan, nagpasiya siyang sundin ang Word of Wisdom. Hangad na magbago, nanalangin si Floyd na patawarin siya ng Ama sa Langit. Ang pagdaig sa masamang gawi ay nangangailangan ng “panahon at pagsisikap,” sabi niya.

Nakadama ng pag-asa si Floyd sa mga titik ng paborito niyang himnong, “Manatili sa Piling Ko!” (Mga Himno, blg. 97). “Ito ang himnong nagpapalakas sa ating kaluluwa,” sabi niya.

Tulad ni Floyd, makasusumpong tayo ng lakas kay Jesucristo. Kapag si Cristo ay “nananatili” sa piling natin, sinasamahan Niya tayo, inaaliw tayo, at binibigyan tayo ng pag-asa! Ang isang paraan na maaari nating anyayahan si Cristo na manatili sa piling natin ay ang magsisi sa ating mga kasalanan at humingi ng tawad sa Diyos.

Nalaman natin na “kasindalas” na tayo ay magsisi at humingi ng kapatawaran, nang may tunay na layunin, tayo ay pinatatawad (Moroni 6:8). Kung tayo ay nagkamali, maaari tayong magsisi at muling subukang magbago! Walang susuko!

binatilyo

Naranasan ni Floyd ang mga pagpapala ng pagsisisi at kapatawaran sa kanyang buhay. Nakasusumpong siya ng lakas sa pamamagitan ni Jesucristo. “Alam ko na nariyan Siya para sa atin sa ating mga hamon at pagsubok,” sabi niya.

Ang kaloob na kapatawaran ay maaaring magpagaling at magpalakas sa atin. Pinapalitan ni Cristo ng kapayapaan at kagalakan ang ating pagkakasala at pasakit! Sa susunod na humingi ka ng tawad sa Panginoon, tandaan na lubos ka Niyang mauunawaan, at lagi Siyang nariyan para sa iyo.