Ipinabatid ni Elder Clark G. Gilbert, Commissioner of the Church Education System, at ni Brother Chad H Webb, Seminaries and Institutes Administrator, ang mga aralin sa Paghahanda sa Buhay at tinalakay kung paano ito nagbibigay ng inspirasyon sa mga guro at estudyanteng nakibahagi na sa 2024 pilot.
Magklik dito para makita ang video para sa guro. Download: 360p, 720p
Ang video na ito ay nagbibigay ng mahahalagang kaalaman kung paanong ang mga aralin sa Paghahanda sa Buhay ay makapagbibigay ng inspirasyon at kalakasan sa mga estudyante ng seminary sa pagharap sa mga hamon sa buhay nang may tiwala. Habang nanonood ka, pag-isipan kung paano matutulungan ng mga aralin na ito ang mga estudyante na ipamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo sa mga sitwasyon sa totoong buhay.
Magklik dito para makita ang video para sa estudyante. Download: 360p, 720p
Sa unang araw ng pagtuturo sa taong 2025, mangyaring maglaan ng 10 minuto para ibahagi ang video na ito sa mga estudyante, ipinababatid sa kanila ang mga bagong aralin sa Paghahanda sa Buhay at nagbibigay ng positibong pananaw para sa kanilang karanasan sa seminary.
Salamat sa pagtulong sa mga estudyante na magkaroon ng pananampalataya at mahanap ang mga sagot sa pinakamahihirap nilang tanong sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga bagong aralin na ito.
Ang artikulong ito ay mababasa sa mga sumusunod na wika:
Bahasa Indonesia, Cebuano, Česky, Dansk, Deutsch,
Eesti, English, Español, Faka-tonga, Français, Gagana Samoa,
Hrvatski, Italiano, Latviešu, Lietuvių, Magyar, Malagasy,
Nederlands, Norsk, Polski, Português, Română, Shqip, Suomi,
Svenska, Tagalog, Tiếng Việt, Български, Монгол, Русский,
Українська, Հայերեն, ภาษาไทย, ភាសាខ្មែរ, 한국어, 中文, 日本語
Ang dalawang video ay mapapanood na rin sa Gospel Library sa kaugnay na nilalaman para sa kabanata para sa Training para sa Mga Lesson sa Paghahanda sa Buhay ng manwal na Seminary Curriculum Training 2025.


