Maikling Kasaysayan ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw
Ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay mga saksi na ang sagradong kasaysayan ay nagpapatuloy. Naniniwala kami na sa buong kasaysayan, biniyayaan ng Diyos ang mga tao ng inspirasyon kaya maraming mga banal na katotohanan sa maraming mga tradisyon ng relihiyon at pilosopiya. Iginagalang namin ang mga sagradong kuwento ng ibang mga grupo. Ang mga ugat ng aming pananampalataya ay mula sa panahon na naglabas ng Biblia. Tinatanggap namin si Jesucristo bilang ating Tagapagligtas at sentro ng kasaysayan ng sangkatauhan. Naniniwala din kami na ang Diyos ay tumatawag ng mga propeta, nag-aalok ng patnubay, nagsasagawa ng mga himala, at inaanyayahan ang mga tao na makiisa sa Kanyang gawain ngayon.
Ang aming modernong kasaysayan ay nag-umpisa sa simula ng 1800s, nang ang isang batang tagabukid at manggagawa na nagngangalang Joseph Smith ay humiling sa Diyos ng patnubay at tinawag bilang propeta. Tulad ng mga alagad ni Jesucristo noong unang panahon, ang tawag ni Joseph at ng iba pang mga mananampalataya sa kanilang sarili ay mga Banal. Taglay ng mga Banal sa mga Huling Araw ang identidad na ito bilang mga disipulo ni Jesucristo, na biniyayaan ng modernong paghahayag.
Ang aming modernong kasaysayan ay nag-umpisa sa simula ng 1800s, nang ang isang batang tagabukid at manggagawa na nagngangalang Joseph Smith ay humiling sa Diyos ng patnubay at tinawag bilang propeta. Tulad ng mga alagad ni Jesucristo noong unang panahon, ang tawag ni Joseph at ng iba pang mga mananampalataya sa kanilang sarili ay mga Banal. Taglay ng mga Banal sa mga Huling Araw ang identidad na ito bilang mga disipulo ni Jesucristo, na biniyayaan ng modernong paghahayag.
Mga Pinagmulan
Si Joseph Smith ay isinilang noong 1805. Noong bata pa siya, mga problema sa kapaligiran ang nagtulak sa kanyang pamilya at sa marami pang ibang nahihirapan na mga magsasaka na umalis sa kanilang mga tahanan at magpunta sa hilagang-silangan ng Estados Unidos. Ang mga Smith ay lumipat sa Palmyra, New York, isang lugar kung saan ang mga mangangaral ay madalas magdaos ng mga revival meeting at nagkumpetensiya para sa mga convert. Noong binatilyo siya, naisip na mabuti ni Joseph ang tungkol sa mundo sa kanyang paligid at ang mga espirituwal na katanungan, ngunit nalito siya dahil sa mga pagtatalo sa pagitan ng magkakaibang simbahan. Hindi siya sigurado kung ano ang gagawin hanggang sa makita niya sa Biblia ang isang simpleng gabay: “Kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios.” (Santiago 1:5)
Noong 1820, sa pagsunod sa payo na iyon, nagpunta si Joseph sa kakahuyan na malapit sa tahanan ng kanyang pamilya para manalangin at humingi ng kasagutan. Habang nagdarasal siya, nagpakita sa kanya ang Ama at si Jesucristo. Sinabi Niya sa kanya na huwag sumapi sa alinmang simbahan noong panahon na iyon, ngunit nangako na mayroon silang ipagagawa sa kanya na magbabalik sa kapangyarihan ngorihinal na simbahan ni Cristo .
Noong 1820, sa pagsunod sa payo na iyon, nagpunta si Joseph sa kakahuyan na malapit sa tahanan ng kanyang pamilya para manalangin at humingi ng kasagutan. Habang nagdarasal siya, nagpakita sa kanya ang Ama at si Jesucristo. Sinabi Niya sa kanya na huwag sumapi sa alinmang simbahan noong panahon na iyon, ngunit nangako na mayroon silang ipagagawa sa kanya na magbabalik sa kapangyarihan ng
Alamin pa ang tungkol sa mga pangyayari na humantong sa pangitain ni Joseph Smith tungkol sa Diyos at kay Jesucristo.
Ipinakita ni Moroni, na propeta noong unang panahon, kay Joseph ang sinaunang tala na nakabaon sa isang kalapit na burol.
Tingnan ang manuskrito na isinalin ni Joseph mula sa sinaunang tala, na inilathala niya bilang Aklat ni Mormon.
Pagkaraan ng tatlong taon, nagsimula ang gawaing iyon. Isang anghel na nagngangalang Moroni ang nagpakita kay Joseph Smith at sinabi sa kanya na may isang sinaunang talaan na naglalaman ng sagradong kasaysayan ng sinaunang sibilisasyon ng Amerika. Ang talaang ito, ang Aklat ni Mormon , ay isa pang Tipan ni Jesucristo. Noong 1827, ipinagkatiwala ng anghel na isinugo kay Joseph ang nakaukit na mga laminang yari sa metal. Isinalin ito ni Joseph sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Sina Emma Hale Smith, Oliver Cowdery, Martin Harris, David Whitmer, at iba pa ang nagsulat ng mga salita habang nagsasalin si Joseph. Sila ay nagpatotoo na ang pagsasalin ay mahimalang pangyayari, na hindi tulad ng mga karaniwang proseso ng pagsusulat.
Habang ginagawa ang pagsasalin, ipinagdasal din nina Joseph at Oliver Cowdery ang tungkol sa likas na katangian ng simbahan ni Jesucristo noong unang panahon. Marami pang mga anghel ang dumalaw sa kanila para ipanumbalik ang nawalang awtoridad ng priesthood. Noong Abril 6, 1830, ginamit nila ang awtoridad na ito para iorganisa ang Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Isang bagong sangay ng Kristiyanismo ang nabuo.
Habang ginagawa ang pagsasalin, ipinagdasal din nina Joseph at Oliver Cowdery ang tungkol sa likas na katangian ng simbahan ni Jesucristo noong unang panahon. Marami pang mga anghel ang dumalaw sa kanila para ipanumbalik ang nawalang awtoridad ng priesthood. Noong Abril 6, 1830, ginamit nila ang awtoridad na ito para iorganisa ang Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Isang bagong sangay ng Kristiyanismo ang nabuo.
Pagtitipon at Paglalakbay
Mabilis na lumago ang Simbahan. Sa mga mananampalataya, mas marami ang nangyayari bukod sa simpleng pagtatatag ng isa pang simbahan: muling tinitipon [ng Diyos] ang ikinalat na Israel , tinutupad ang mga tipang ginawa matagal na panahon na ang nakalipas. Iniwan ng mga convert noong unang panahon ang kanilang mga tahanan para magtayo ng mga lungsod, mga templo, at sama-samang mamuhay. Karamihan sa mga Banal ay may papel na ginampanan ukol sa relihiyon, nangangalaga sa mga nasa paligid nila sa pisikal at espirituwal na paraan. Itinayo ng mga Banal ang kanilang unang templo sa Kirtland, Ohio. Para sa kanila, ito ay isang lugar para parangalan si Jesucristo at makatanggap ng espirituwal na lakas. Sinimulan din nilang itatag ang isang lungsod na tinatawag na Sion sa Missouri, na noon ay nasa dulong kanluran ng Estados Unidos. Tinanggap ng mga Banal ang pagbabago. Tinanggap nila ang mga bagong ideya. Malugod nilang tinanggap ang mga bagong miyembro. Noong mga unang bahagi ng 1840s, sa pagdating ng maraming convert mula sa Britain, ang lunsod ng mga Banal na Nauvoo, Illinois, ay naging isa sa mga pinakamalaki sa rehiyon.
Pinasimulan ni Joseph Smith ang maraming bagong mga aral na natanggap niya sa pamamagitan ng paghahayag mula sa Diyos. Itinuro niya na ang mga tao ay mayroong likas na kabanalan at potensiyal. Itinuro niya na ang mga tagasunod ni Jesus ay maaaring maghanda para sa Kanyang pagbabalik sa pamamagitan ng pagbuo ng makatarungan at matuwid na lipunan sa Daigdig. Nagbigay siya ng praktikal na direksiyon, gaya ng patnubay na iwasan ang tabako at alak o alkohol. Itinuro niya na ang langit ay tungkol sa mga ugnayan. Ipinaliwanag niya kung paanong magtatagal ang mga ugnayan ng pamilya hanggang sa kabilang-buhay.
Gaya ng mga mananampalataya noon sa ibang mga relihiyon, ang mga Banal ay nakaranas ng pang-uusig. Kinaladkad ng mga mandurumog ang mga Banal palabas ng kanilang mga tahanan, binugbog sila, sinalakay ang mga tindahan ng mga Banal, at kinamkam ang kanilang mga lupain. Noong 1838, ang gobernador ng Missouri aynagpalabas ng utos na lipulin sila o itaboy silang lahat. Tumakas ang mga Banal at muling nagtayo ng pamayanan sa Illinois. Noong 1844, pinaslang ng isang grupo ng masasamang tao doon si Joseph Smith at ang kanyang kapatid na si Hyrum.
Pinasimulan ni Joseph Smith ang maraming bagong mga aral na natanggap niya sa pamamagitan ng paghahayag mula sa Diyos. Itinuro niya na ang mga tao ay mayroong likas na kabanalan at potensiyal. Itinuro niya na ang mga tagasunod ni Jesus ay maaaring maghanda para sa Kanyang pagbabalik sa pamamagitan ng pagbuo ng makatarungan at matuwid na lipunan sa Daigdig. Nagbigay siya ng praktikal na direksiyon, gaya ng patnubay na iwasan ang tabako at alak o alkohol. Itinuro niya na ang langit ay tungkol sa mga ugnayan. Ipinaliwanag niya kung paanong magtatagal ang mga ugnayan ng pamilya hanggang sa kabilang-buhay.
Gaya ng mga mananampalataya noon sa ibang mga relihiyon, ang mga Banal ay nakaranas ng pang-uusig. Kinaladkad ng mga mandurumog ang mga Banal palabas ng kanilang mga tahanan, binugbog sila, sinalakay ang mga tindahan ng mga Banal, at kinamkam ang kanilang mga lupain. Noong 1838, ang gobernador ng Missouri ay
Noong 1830, ang mga Banal ay nagsimulang magtipon sa hilagang bahagi ng Ohio. Doon ay nakatanggap sila ng tagubilin mula sa Panginoon at itinayo ang unang templo.
Noong 1831, nagsimulang magpunta ang mga Banal sa Independence para itatag ang lunsod ng Sion. Noong 1838, umalis sila sa estado dahil sa marahas na pang-uusig.
Noong 1839, sinimulang itatag ng mga Banal ang lunsod ng Nauvoo. Umunlad ang lunsod, at naging pinakamalaki sa rehiyon nang minsan pa ay nagtayo ang mga Banal ng templo.
Dahil sa pang-uusig ang mga Banal ay nagkaroon ng matibay na pangako at katapatan sa kalayaan ukol sa relihiyon. Isang batas sa lunsod ng Nauvoo ang gumarantiya sa kalayaan ng lahat at tinanggap ang mga grupong gaya ng mga Muslim at Katoliko na nakaranas ng hindi patas na pakikitungo noong 1840s sa Amerika. Ang pang-uusig ay nakadagdag sa kultura ng katatagan ng mga Banal. Pagkatapos ng bawat kabiguan sa buhay, nagtulungan sila para makapagsimulang muli. Nasubukan ang kulturang ito noong 1846, nang inorganisa ni Brigham Young na kahalili ni Joseph Smith, ang pandarayuhan ng maraming tao para matakasan ang patuloy na karahasan. Tinawid ng mga Banal ang kontinente at nanirahan sa tigang na rehiyon sa kanluran ng Rocky Mountains. Habang daan, nagtayo sila ng mga waystation (mga lugar na pahingahan sa malayuang paglalakbay) para makasunod ang iba. Si Brigham Young ay tapat sa pagtulong sa mahihirap na makapandayuhan. Para sa kanya ay espirituwal na tungkulin ang pagsama o pagsali sa mga mahihirap. Gaya ng paglalakbay noon sa panahon ng Biblia, itong paglalakbay ng mga pioneer ay naging isang karanasan na mananatili sa alaala ng mga Banal sa mga Huling Araw.
Ang mga missionary noon na mga Banal sa mga Huling Araw ay bumisita sa bawat kontinente na mayroong naninirahan. Nakita ng mga convert noon ang kanilang sarili bilang mga tao ng tipan. Tinulungan ng mga organisasyon ng Simbahan ang maraming tao na mandayuhan sa Utah. Doon ay nag-organisa ang mga lider ng Simbahan ng pagsamba at pinangalagaan ang buhay sa komunidad. Nakita ng mga Banal ang espirituwal na kahalagahan sa mga pagsisikap na gaya ng pagtutulungan sa irigasyon at ekonomiya. Nagsulat sila ng mga bagong himno at nagpasimula ng mga bagong tradisyon. Sama-sama, sila ay bumuo ng bagong kultura ng samahan ukol sa relihiyon.
Bawat isa ay maaaring magbigay ng kontribusyon. Ang mga organisasyon ng Simbahan na gaya ng Relief Society para sa kababaihan, Mutual Improvement Association para sa kabataan, Primary para sa mga bata, at mga Sunday school para sa lahat ay nakatulong para magkaisa at gawing dalisay ang mga Banal. Sa mga templo, ang mga Banal noon aynagsagawa ng mga ordenansang ukol sa relihiyon na magiging daan para magkaisa ang mga pamilya sa kawalang-hanggan. May ilang mga tradisyon ng pamilya na ginagawa noong panahong iyon. Mula 1840s hanggang sa 1880s, hinikayat ng mga lider ang pag-aasawa nang marami o poligamya, na salungat sa mga pamantayan ng mga American at European. Dalawang henerasyon ng mga pag-aasawa nang marami at buhay-pamilya ang nagpatatag sa diwa ng kakaibang identidad ng mga Banal. Sa panahong iyon, ang mga pamilyang may maraming asawa ay lumikha rin ng malakas na samahan ng mga ugnayan na nagkonekta sa mga komunidad ng pioneer.
Ang mga missionary noon na mga Banal sa mga Huling Araw ay bumisita sa bawat kontinente na mayroong naninirahan. Nakita ng mga convert noon ang kanilang sarili bilang mga tao ng tipan. Tinulungan ng mga organisasyon ng Simbahan ang maraming tao na mandayuhan sa Utah. Doon ay nag-organisa ang mga lider ng Simbahan ng pagsamba at pinangalagaan ang buhay sa komunidad. Nakita ng mga Banal ang espirituwal na kahalagahan sa mga pagsisikap na gaya ng pagtutulungan sa irigasyon at ekonomiya. Nagsulat sila ng mga bagong himno at nagpasimula ng mga bagong tradisyon. Sama-sama, sila ay bumuo ng bagong kultura ng samahan ukol sa relihiyon.
Bawat isa ay maaaring magbigay ng kontribusyon. Ang mga organisasyon ng Simbahan na gaya ng Relief Society para sa kababaihan, Mutual Improvement Association para sa kabataan, Primary para sa mga bata, at mga Sunday school para sa lahat ay nakatulong para magkaisa at gawing dalisay ang mga Banal. Sa mga templo, ang mga Banal noon ay
Patuloy na Paghahayag
Naniniwala ang mga Banal sa mga Huling Araw na ang paghahayag ay patuloy. Ang Diyos ay walang hanggan, pero nagbabago ang panahon. Ang ating paghahanda sa pagtanggap ng mga ideya ay nagbabago. Ang Diyos ay kumikilos sa Kanyang mga anak nang paunti-unti. Sa ilalim ng patnubay ng propeta, tinanggap ng mga Banal ang malalaking pagbabago sa pagtatapos ng 1800s at sa 1900s.
Noong 1890, si Wilford Woodruff ay nakatanggap ng paghahayag na humantong sa pagwawakas ng pagsasagawa ng pag-aasawa nang higit sa isa sa Simbahan. Ipinakita rin niya kung paano makatutulong ang mga Banal na i-link o iugnay ang pamilya ng sangkatauhan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagbubuklod sa templo para sa nakaraang mga henerasyon. Nagtatag ang Simbahan ng isang genealogical society na naging bantog sa buong mundo sa larangan nito. Ang ibang mga propeta ay nagsikap na palakasin ang katapatan ng mga Banal sa batas ng ikapu na nasa Biblia at sa payo ng
Sa unang bahagi ng 1900s, tinanggap ng mga Banal sa mga Huling Araw ang mga bagong paraan ng pagsamba, pakikisalamuha, at pag-organisa. Ang mga kongregasyon na tinatawag na mga ward at branch ang naging sentro ng buhay o aktibidad sa Simbahan. Sa pagbabagong ito, ang mga Banal sa mga Huling Araw ay maaaring lumago sa mga lugar kung saan kakaunti lang sila. Marami pang mga convert ang namalagi sa kanilang inang bayan. Mas marami pang mga miyembro ng Simbahan ang
Sa halip na umasa sa mga pari na may bayad, ang mga miyembro ay tumanggap ng mga assignment na tinatawag na
Sa pag-unlad mula sa isang pananampalataya na nakasentro sa Utah at naging pandaigdigang pananampalataya ay kailangan ng patuloy na pagbabago. Sa mga dekada matapos ang WWII, lumaganap ang gawaing misyonero. Sinikap din ng Simbahan na mas makatugon sa iba’t ibang pangangailangan sa buong daigdig. Ang mga lider ng Simbahan noong 1850s ay nakagawian na bigyan ng restriksiyon ang mga Itim na Banal sa mga Huling Araw sa ordinasyon sa priesthood at sa karamihan sa pagsamba sa templo. Nagalak ang mga Banal noong 1978 nang
Pagtatatag ng Pamana ng Pananampalataya
Sa simula ng ika-21 siglo, matatag na ang mga Banal sa mga Huling Araw bilang isang pandaigdigang pananampalataya. Makalipas ang 1997, karamihan sa mga miyembro ay nakatira sa labas ng Estados Unidos. Noong 2004, ang Mexico ay naging pangalawang bansa na may isang milyong mga Banal. Noong 2007, ang Brazil ay naging pangatlo. Ang mabilis na pagdami sa Democratic Republic of Congo at iba pang mga bansa sa Africa, sa Pilipinas, at sa Australia ay lalo pang nagpalawak sa Simbahan na lampas sa mga unang sentro nito sa lupain ng Amerika at sa Pacific. Ang pag-unlad ay nagkaroon ng mga espirituwal na bunga. Sa tulong ng serbisyo ng mga misyonero, pandarayuhan, at media ang mga Banal ay nagkaroon ng koneksiyon sa isa’t isa, lumago sila sa pagmamahal at pananampalataya. Lalo nila talagang nakita ang bawat isa bilang mga anak ng Diyos.
Saanman sila nakatira, ang mga Banal sa mga Huling Araw ay nagsisikap na maging mabubuting miyembro ng kanilang mga komunidad. Sinisikap nilang mamuhay nang marangal at maglingkod sa isa’t isa. Ang paggunita sa ating kasaysayan ay nakakatulong sa mga Banal sa mga Huling Araw na malutas ang mga kumplikadong problema. Iniisip ang sarili nating paglalakbay, gumagawa tayo para alalayan ang mga refugee at nandarayuhan. Ang mga Banal sa mga Huling Araw ay madalas mayroong napakalaking epekto sa mga pagtugon matapos ang mga pinsalang dulot ng kalikasan. Taglay ang espirituwal na kapangyarihan at perspektibo mula sa pagsamba sa templo, pinalalakas at pinangangalagaan ng mga Banal sa mga Huling Araw ang mga pamilya at ugnayan ng tiwala at malasakit sa isa’t isa. Gumagawa tayo para harapin ang dumaraming mga hamon ng kalungkutan at pag-iisa.
Sinusubukan ng panahon ang lahat ng mga pananampalataya. Bagaman maikling bahagi lang ng kasaysayan ng tao ang dalawang siglo simula nang maorganisa ang Simbahan, ang mga ito ay puno ng pagbabago. Habang palapit na ang ikatlong siglo ng Simbahan, naiisip natin ang mga hamon sa isang mundo na kung saan ay marami ang nahihirapang makita ang kamay ng Diyos sa kanilang buhay. Sa Bagong Tipan, nagtanong si Jesus, “Pagparito ng Anak ng Tao, makakatagpo kaya siya ng pananampalataya sa lupa?” (Lucas 18:8). Bilang isang grupo ng mga tao, nananatili tayong determinado na tanggapin si Jesus pabalik sa Mundo, tuwing Siya ay dumarating, nang may bukas na mga bisig. Alay natin ang ating kasaysayan bilang buhay na saksi ni Jesucristo sa mga huling araw na ito.