Ang Simbahan ni Jesucristo ay Ipinanumbalik

Maaaring matamasa ng lahat ang mga pagpapala ng Simbahan ni Jesucristo sa mundo ngayon.

Ang Sinaunang Simbahan

One oil painting on wooden panel.  Depicts Jesus instructing the Twelve in a rocky landscape beneath a tree.  The light suggests early evening.  Rmenamts of a small campfire are evident.  Jesus extends his right arm while the standing and sitting apostles look at him with a variety of expressions and assumed poses.  The subject and title are taken form Matthew Chapter 10.
Ipinanumbalik ni Jesucristo ang Kanyang Simbahan
  • Isang mahalagang bahagi ng ministeryo ni Jesucristo sa lupa ang pag-oorganisa ng Kanyang Simbahan.
  • Tinawag Niya ang Labindalawang Apostol upang magturo at ipalaganap ang ebanghelyo.
  • Binigyan Niya ang mga Apostol ng awtoridad na kumilos sa pangalan ng Diyos, na kilala bilang priesthood (tingnan saMateo 10:1 –10).
Ang Simbahan ni Jesucristo ay Nawala
  • Matapos ipako sa krus si Jesus, naharap ang Kanyang mga Apostol sa pagsalungat at pang-uusig, na ang ilan ay humantong sa kanilang kamatayan.
  • Ginamit ng ilang tao ang relihiyon sa maling paraan para subukang dagdagan ang sarili nilang kapangyarihan o humiwalay at bumuo ng mga bagong sekta na mali ang pagkaintindi sa mga turo ng Tagapagligtas.
  • Sa paglipas ng panahon, binawi ang priesthood mula sa lupa at maraming mahahalagang katotohanan ang nawala.
Mga Pagtatangka sa Repormasyon
  • Noong mga 1500, kinilala ng mga taong tulad nina Martin Luther at John Calvin na hindi kumpleto ang Kristiyanismo at sinubukang baguhin ang mga simbahan noon.
  • Maraming bagong relihiyon ang inorganisa para taos-pusong sundin si Jesucristo at ang Kanyang orihinal na mga turo.
  • Nakakalungkot na ang mga relihiyong ito ay wala pa ring awtoridad ng priesthood mula sa Diyos para magsagawa ng mga ordenansang tulad ng binyag o ng sakramento ng Hapunan ng Panginoon.

Tinawag si Joseph Smith Bilang Propeta

Sa kabila ng mga pagsisikap na ginawa noong Repormasyong Protestante, isang ganap na pagpapanumbalik, na pinamamahalaan ng isang propetang pinili ng Diyos, ang kailangan.

Dumating ang panahon para sa pagpapanumbalik na iyon noong 1820 nang magsimulang madama ng 14-na-taong-gulang na batang lalaking nagngangalang Joseph Smith, sa kanyang mga salita, ang “malaking pagkabahala” tungkol sa kapakanan ng kanyang kaluluwa at kung aling simbahan ang dapat niyang sapian (Joseph Smith—Kasaysayan 1:8).

Isang araw, habang inaaral niya ang Biblia, nabasa ni Joseph: “Kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito’y ibibigay sa kaniya” (Santiago 1:5).

Nagkaroon ng matinding epekto kay Joseph ang talata, na naghikayat sa kanya na maghanap ng tahimik na kakahuyan kung saan buong-puso niyang hiniling ang patnubay ng Diyos sa panalangin. Isinulat niya ang salaysay na ito tungkol sa sumunod na nangyari:
Ako ay nakakita ng isang haligi ng liwanag na tamang-tama sa tapat ng aking ulo, higit pa sa liwanag ng araw, na dahan-dahang bumaba hanggang sa ito ay pumalibot sa akin. … Nang tumuon sa akin ang liwanag, nakakita ako ng dalawang Katauhan, na ang liwanag at kaluwalhatian ay hindi kayang maisalarawan, nakatayo sa hangin sa itaas ko. Ang isa sa kanila ay nagsalita sa akin, tinatawag ako sa aking pangalan, at nagsabi, itinuturo ang isa—Ito ang Aking Pinakamamahal na Anak. Pakinggan Siya! (Joseph Smith—Kasaysayan 1:16–17).
Nagpakita ang Diyos Ama at si Jesucristo kay Joseph at sinabi sa kanya na pinatawad na ang kanyang mga kasalanan at na hindi siya dapat sumapi sa alinman sa umiiral na mga simbahan noon. Sa halip, si Joseph ang nahirang bilang propeta ng Diyos na magpapanumbalik sa totoong Simbahan ni Jesucristo sa lupa.

Ang Ipinanumbalik na Simbahan

Sa pamamagitan ni Joseph Smith, ipinanumbalik ni Jesucristo ang Simbahang itinatag Niya noong unang panahon, na ibig sabihin:

Muling itinatag ang Simbahan na mayroong isang propeta at Labindalawang Apostol.
  • Ang mga disipulo ni Cristo ay maaaring binyagan sa Kanyang Simbahan nang may wastong awtoridad ng priesthood mula sa Diyos at bigyan ng kaloob na Espiritu Santo.
  • Ang mahahalagang seremonyang pangrelihiyon na kilala bilang mga ordenansa ng priesthood ay ipinanumbalik sa lupa, pati na ang kapangyarihang magbuklod ng mga pamilya para sa buhay na ito at sa buong kawalang-hanggan.
Marahil ang kapansin-pansin pa, isang sugo mula sa langit ang naghayag kay Joseph ng pag-iral ng Aklat ni Mormon, na isa pang tipan ni Jesucristo. Ang aklat na ito ng banal na kasulatan ay isinulat ng mga propeta sa sinaunang Amerika, at isinalin ni Joseph ang aklat sa pamamagitan ng banal na inspirasyon.

Sa pamamagitan ng Aklat ni Mormon at ng makabagong paghahayag mula sa Diyos, inihayag ang mahahalagang katotohanan tungkol sa plano ng Diyos para sa atin at sa ating layunin sa lupa. Kabilang sa mga paghahayag na ito ang:
  • Mas malalim na pag-unawa sa papel ni Cristo.
  • Ang kaalaman na nanirahan tayong kasama ang Diyos bago tayo pumarito sa lupa.
  • Ang kaalaman na narito tayo upang maging lalong katulad ng ating Ama sa Langit at makabalik upang makapiling Siyang muli.
  • Ang katiyakan na maaari tayong mamuhay nang magkakasama bilang mga pamilya magpakailanman.
A church congregation singing hymns
Ngayon, Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay patuloy na pinamumunuan ng isang buhay na propeta at mga Apostol. Kabilang sa kanilang mga turo para sa “mga huling araw” na ito ang pagpapaibayo ng ating pagtutuon sa Tagapagligtas, pangangalaga sa mga maralita, pagwawakas ng personal na pagtatalo sa ating buhay, at pagpapatatag sa mga pamilya. Salamat sa kanilang patnubay at karunungan bilang propeta, mararanasan ng milyun-milyong mga tao sa buong mundo ang mga pagpapala ng ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo.

Alamin ang Iba pa tungkol sa Simbahan ni Jesucristo

Tulad ni Joseph Smith, bawat isa sa atin ay makatatanggap ng mga sagot sa ating mga panalangin. Kausapin ang mga missionary para malaman ang tungkol sa Diyos na nagmamahal sa iyo at nais tumulong sa iyo na mahanap ang katotohanan.