Kilala at Mahal Ka ng Diyos

Mahal ng Diyos ang lahat ng Kanyang mga anak—ibig sabihin ay mahal ka ng Diyos. Maaari kang mas mapalapit sa iyong Ama sa Langit sa pamamagitan ng panalangin at matututong mapansin ang Kanyang mapagmahal na patnubay sa iyong buhay.

Ikaw ay Anak ng Diyos

Ang isa sa mga dakilang katotohanan sa Biblia ay na tayong lahat ay mga “supling ng Diyos” (Mga Gawa 17:29), na nilikha sa Kanyang larawan. Bilang anak ng Diyos, mayroon kang walang-hanggang potensiyal at kahalagahan.

Personal Kang Kilala ng Diyos

Itinuro ni Jesucristo na alam ng Diyos ang nangyayari sa atin. Alam Niya sa tuwing bumabagsak ang isang maya sa lupa, at tayo ay “higit na mahalaga [sa Kanya] kaysa maraming maya” (Mateo 10:29–31
Leaving Church Domain
You are about to leave our site. The new site has its own terms of use and privacy policy that differ from ChurchofJesusChrist.org
). Sa bawat paghihirap na nararanasan mo, hindi ka nag-iisa kailanman. Kilalang-kilala ka Niya at alam Niya kung ano ang kailangan mo para matulungan kang malampasan ang mga pagsubok sa iyong buhay at madama ang Kanyang pagmamahal.

Maaari Mong Kausapin ang Diyos sa Pamamagitan ng Panalangin

A family in Brazil doing various activities including: walking, talking, reading, studying, hugging, visiting with each other, playing games, taking selfie photos, playing with a baby, praying etc.

Nakikinig ang Diyos na Tulad ng Isang Mapagmahal na Ama

Bilang ating Ama sa Langit, nais ng Diyos na makarinig mula sa atin. Sabik Siyang bigyan ka ng patnubay, at maaari mo Siyang kausapin sa pamamagitan ng panalangin.

Nais ng Diyos na Makipag-usap

Ang panalangin ay higit pa sa isang ritwal o paraan para sabihin sa langit ang gusto natin—ito ay pakikipag-usap. Maaari mong kausapin ang Diyos tungkol sa mga bagay na pinasasalamatan mo, mga inaasam at pangarap mo, mga alalahanin mo, at mga bagay na kailangan mo.

Nakikinig at Sumasagot ang Diyos

Naririnig at sinasagot ng Diyos ang ating mga dalangin. Ang mga sagot sa panalangin ay palaging darating, kahit natatagalan ito o hindi ito ang mga sagot na inaasahan natin. Mapalalambot natin ang ating puso para tanggapin ang Kanyang kalooban para sa atin. Ang mga sagot sa panalangin ay may maraming uri, kabilang na ang mga ideya at damdamin, mga kilos ng isang tao na nasa paligid mo, o isang talata sa banal na kasulatan na umaantig sa puso mo.
Nagpapatotoo ang Espiritu mismo sa ating espiritu, na tayo’y mga anak ng Diyos.

Nahihirapan Ka Bang Madama ang Pagmamahal ng Diyos?

Kung mayroon kang mga pagdududa o pakiramdam na malayo ka sa Diyos, maaari mong matutuhan na mas makita ang Kanyang presensiya sa iyong buhay.
  • Mag-ukol ng oras bawat araw na alisin ang mga bagay na gumagambala sa iyo at makipag-ugnayan sa Diyos.
  • Regular na manalangin. Hilingin na maramdaman mo ang Kanyang pagmamahal!
  • Pag-aralan ang mga salita ng Diyos sa mga banal na kasulatan.
  • Magsulat ng journal para itala ang mga pagpapala at espirituwal na impresyon.
  • Kausapin ang mapagkakatiwalaang mga kaibigan at kapamilya tungkol sa kung paano nila nadarama ang pagmamahal ng Diyos.
  • Magsanay na mahalin ang iba na tulad ni Cristo sa pamamagitan ng paglilingkod at pagpapatawad.

Palakasin ang Iyong Pananampalataya sa Diyos

Matutulungan ka ng pananampalataya na makasumpong ng kapayapaan at lakas sa mahihirap na panahon. Matutulungan ka ng mga missionary na palaguin ang iyong pananampalataya sa Diyos at magkaroon ng mas malapit na ugnayan sa Kanya.

Leaving Church Domain
You are about to leave our site. The new site has its own terms of use and privacy policy that differ from ChurchofJesusChrist.org