Ang Aklat ni Mormon at ang Biblia ay Salita ng Diyos.
Ang Aklat ni Mormon at ang Biblia ay nagtuturo sa atin tungkol sa plano ng Diyos at nagpapatotoo kay Jesucristo.
Ang Aklat ni Mormon ay Salita ng Diyos.
Sa Bagong Tipan, itinuro ni Apostol Pablo, “Anumang [salita] ay dapat pagtibayin ng dalawa o tatlong saksi” (2 Corinto 13:1 ). Itinatangi ng mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang Biblia bilang isa sa mga saksing iyon at ang Aklat ni Mormon bilang isa pang saksi ni Jesucristo.
Tulad ng Biblia, ang Aklat ni Mormon ay isang talaang binigyang-inspirasyon ng Diyos na tinipon ng mga sinaunang propeta. Nakatala rito ang salita ng Diyos sa Kanyang mga anak sa mga lupain ng Amerika. Maaari kang makatanggap ng naglilinaw na inspirasyon, mga ideya, at patnubay sa pamamagitan ng sabay na pagbasa sa dalawang aklat ng banal na kasulatan.

Umiral ang Simbahan ni Cristo sa mga Lupain ng Amerika
Ang pinakamahalagang pangyayari sa Aklat ni Mormon ay ang pagbisita ni Jesus sa Kanyang mga alagad sa mga lupain ng Amerika matapos ang Kanyang pagkamatay at Pagkabuhay na Mag-uli. Tinupad ng pagbisitang ito ang Kanyang turo sa Jerusalem:
Mayroon akong ibang mga tupa na wala sa [kawan na] ito. Kailangan ko rin silang dalhin dito at kanilang papakinggan ang aking tinig.
Matapos ituro ni Jesus ang Kanyang doktrina at itatag ang Kanyang Simbahan sa mga lupain ng Amerika, namuhay ang mga tao roon nang mapayapa at matwid sa loob ng ilang henerasyon.
Kalaunan, nagkaroon ng digmaan at naging masama ang mga tao at nalipol ang mga Nephita. Isa sa huling natirang mga Nephita, si Mormon, ang nagtipon ng kanilang mga talaan na makikilala sa makabagong panahon bilang Aklat ni Mormon: Isa Pang Tipan ni Jesucristo.

Isang Sinaunang Talaan na Isinalin sa Ating Panahon
Hinirang ng Diyos si Joseph Smith bilang propeta para ipanumbalik ang Kanyang Simbahan sa ating panahon at inihanda ang daan para matagpuan ni Joseph ang mga sinaunang talaang tinipon ni Mormon at isalin ang mga ito sa pamamagitan ng banal na paghahayag. Mula noon, nabigyang-inspirasyon ng Aklat ni Mormon ang milyun-milyong tao sa buong mundo na magbago at magpakabuti at maging mas tapat na mga alagad ni Jesucristo. Mabibigyang-inspirasyon ka rin nito.Ang Biblia ay Salita ng Diyos
Ang Banal na Biblia ay isang sagradong aklat ng banal na kasulatan na ibinigay ng Diyos sa atin—na Kanyang mga anak—para sa ating kapakinabangan. Ang mga turo nito ay maaari mong mapagkunan ng lakas, inspirasyon, at patnubay.
Sa Lumang Tipan, maaari mong:
Sa Lumang Tipan, maaari mong:
- Alamin ang iba pa tungkol sa Diyos at sa layunin ng buhay sa pamamagitan ng pagbabasa tungkol sa Paglikha ng daigdig at sa pagdating ng isang Tagapagligtas na inihayag sa mga sinaunang propetang tulad ni Isaias.
- Hanapin ang mga makapangyarihang halimbawa ng pananampalataya, tulad ni Reyna Esther.
- Makadama ng kapanatagan mula sa magandang tula ng Mga Awit at Mga Kawikaan.
- Alamin ang iba pa tungkol sa iyong Tagapagligtas na si Jesucristo habang natututo ka tungkol sa Kanyang mortal na ministeryo. Mababasa mo ang Kanyang buhay, mga himala, at perpektong halimbawa.
- Hanapin ang landas, sa pamamagitan ng mga turo ni Jesus, tungo sa mas makabuluhan at mapayapang buhay at sa walang-hanggang kaligtasan.
- Pag-aralan, higit sa lahat, ang sakripisyo ni Jesus para sa iyo at ang Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli. Dahil sa Kanya, maaari kang lumago para maabot ang iyong banal na potensyal bilang anak ng Diyos at maghandang mamuhay sa piling ng Diyos at ng inyong mga mahal sa buhay magpakailanman.
Ang Aklat ni Mormon at ang Biblia ay nagpapatotoo kay Jesucristo.
Ang Aklat ni Mormon at ang Biblia ay nagpapatotoo kay Jesucristo at nagtuturo tungkol sa plano ng Diyos para sa ating kaligayahan. Hindi pinapalitan ng mga ito ang isa’t isa, kundi sa halip ay pinupunan nila ang mga turo ng isa’t isa, tulad sa paraan ng pagbibigay ng magkakaibang pananaw ng mga aklat nina Mateo, Marcos, Lucas, at Juan sa Bagong Tipan para magbuo ng mas kumpletong larawan ng iisang doktrina o kuwento.
Sa sabay na pag-aaral ng Aklat ni Mormon at ng Biblia, mas mauunawaan mo ang Diyos at ang iyong kaugnayan sa Kanya. Para makapagsimula, makikita mo ang sinasabi ng dalawang aklat tungkol sa mga paksang ito:

Jesucristo
Jesucristo
“Siya’y hinamak at itinakwil ng mga tao; isang taong nagdurusa, at sanay sa kalungkutan; at gaya ng isa na pinagkublihan ng mukha ng mga tao, siya’y hinamak, at hindi natin siya pinahalagahan.
“Tunay na kanyang pinasan ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kalungkutan; gayunma’y ating itinuring siya na hinampas, sinaktan ng Diyos at pinahirapan.
“Nguni’t siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway, siya’y binugbog dahil sa ating mga kasamaan, ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan, at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo” (Isaias 53:3–5 [Biblia]).
“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso; at ito ay upang matupad ang salita na nagsabing dadalhin niya sa kanyang sarili ang mga pasakit at ang mga sakit ng kanyang mga tao.
“At dadalhin niya sa kanyang sarili ang kamatayan, upang makalag niya ang mga gapos ng kamatayan na gumagapos sa kanyang mga tao; at dadalhin niya ang kanilang mga kahinaan, upang ang kanyang sisidlan ay mapuspos ng awa, ayon sa laman, upang malaman niya nang ayon sa laman kung paano tutulungan ang kanyang mga tao alinsunod sa kanilang mga kahinaan” (Alma 7:11–12 [Aklat ni Mormon]).
“Tunay na kanyang pinasan ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kalungkutan; gayunma’y ating itinuring siya na hinampas, sinaktan ng Diyos at pinahirapan.
“Nguni’t siya’y nasugatan dahil sa ating mga pagsuway, siya’y binugbog dahil sa ating mga kasamaan, ipinataw sa kanya ang parusa para sa ating kapayapaan, at sa pamamagitan ng kanyang mga latay ay gumaling tayo” (
“At siya ay hahayo, magdaranas ng mga pasakit at hirap at lahat ng uri ng tukso; at ito ay upang matupad ang salita na nagsabing dadalhin niya sa kanyang sarili ang mga pasakit at ang mga sakit ng kanyang mga tao.
“At dadalhin niya sa kanyang sarili ang kamatayan, upang makalag niya ang mga gapos ng kamatayan na gumagapos sa kanyang mga tao; at dadalhin niya ang kanilang mga kahinaan, upang ang kanyang sisidlan ay mapuspos ng awa, ayon sa laman, upang malaman niya nang ayon sa laman kung paano tutulungan ang kanyang mga tao alinsunod sa kanilang mga kahinaan” (
Ang Layunin ng Buhay
Ang Layunin ng Buhay
“Ngunit hanapin muna ninyo ang kanyang kaharian at ang kanyang katuwiran, at ang lahat ng mga bagay na ito ay pawang idaragdag sa inyo” (Mateo 6:33 [Biblia]).
“Sapagkat masdan, ang buhay na ito ang panahon para sa mga tao na maghanda sa pagharap sa Diyos; oo, masdan, ang araw ng buhay na ito ang araw para sa mga tao na gampanan ang kanilang mga gawain.
“… Kaya nga, ako ay sumasamo sa inyo na huwag ninyong ipagpaliban ang araw ng inyong pagsisisi hanggang sa wakas; sapagkat pagkatapos ng araw na ito ng buhay, na ibinigay sa atin upang maghanda para sa kawalang-hanggan, dinggin, kung hindi natin pagbubutihin ang ating panahon habang nasa buhay na ito, sa gayon ay darating ang gabi ng kadiliman kung kailan wala nang gawaing magagawa” (Alma 34:32–33 [Aklat ni Mormon]).
“Sapagkat masdan, ang buhay na ito ang panahon para sa mga tao na maghanda sa pagharap sa Diyos; oo, masdan, ang araw ng buhay na ito ang araw para sa mga tao na gampanan ang kanilang mga gawain.
“… Kaya nga, ako ay sumasamo sa inyo na huwag ninyong ipagpaliban ang araw ng inyong pagsisisi hanggang sa wakas; sapagkat pagkatapos ng araw na ito ng buhay, na ibinigay sa atin upang maghanda para sa kawalang-hanggan, dinggin, kung hindi natin pagbubutihin ang ating panahon habang nasa buhay na ito, sa gayon ay darating ang gabi ng kadiliman kung kailan wala nang gawaing magagawa” (
Buhay Pagkatapos ng Kamatayan
Buhay Pagkatapos ng Kamatayan
“Sinabi sa kanya ni Jesus, “Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang sumasampalataya sa akin, bagama’t siya’y mamatay, ay mabubuhay.
“At ang bawat nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailanman” (Juan 11:25–26 Biblia).
“At sa gayon, ito ay mangyayari na ang mga espiritu ng yaong matwid ay tatanggapin sa isang kalagayan ng kaligayahan, na tinatawag na paraiso, isang kalagayan ng pamamahinga, isang kalagayan ng kapayapaan, kung saan sila ay mamamahinga mula sa kanilang mga suliranin at sa lahat ng alalahanin at kalungkutan.
“Ang kaluluwa ay magbabalik sa katawan, at ang katawan sa kaluluwa; oo, at bawat biyas at kasu-kasuan ay magbabalik sa kanyang katawan; oo, maging isang buhok sa ulo ay hindi malalagas; kundi magbabalik ang lahat ng bagay sa kanilang wasto at sakdal na anyo.
“At sa gayon ang mga matwid ay magniningning sa kaharian ng Diyos” (Alma 40:12, 23, 25 [Aklat ni Mormon]).
“At ang bawat nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailanman” (
“At sa gayon, ito ay mangyayari na ang mga espiritu ng yaong matwid ay tatanggapin sa isang kalagayan ng kaligayahan, na tinatawag na paraiso, isang kalagayan ng pamamahinga, isang kalagayan ng kapayapaan, kung saan sila ay mamamahinga mula sa kanilang mga suliranin at sa lahat ng alalahanin at kalungkutan.
“Ang kaluluwa ay magbabalik sa katawan, at ang katawan sa kaluluwa; oo, at bawat biyas at kasu-kasuan ay magbabalik sa kanyang katawan; oo, maging isang buhok sa ulo ay hindi malalagas; kundi magbabalik ang lahat ng bagay sa kanilang wasto at sakdal na anyo.
“At sa gayon ang mga matwid ay magniningning sa kaharian ng Diyos” (
Pagmamahal
Pagmamahal
“At sasagot ang Hari at sasabihin sa kanila, ‘Katotohanang sinasabi ko sa inyo, yamang ginawa ninyo ito sa isa sa pinakamaliit sa mga kapatid kong ito, ay sa akin ninyo ginawa’” (Mateo 25:40 [Biblia]).
“At dinggin, sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang inyong matamo ang karunungan; upang inyong malaman na kung kayo ay nasa paglilingkod sa inyong kapwa tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos” (Mosias 2:17 [Aklat ni Mormon]).
“At dinggin, sinasabi ko sa inyo ang mga bagay na ito upang inyong matamo ang karunungan; upang inyong malaman na kung kayo ay nasa paglilingkod sa inyong kapwa tao, kayo ay nasa paglilingkod lamang ng inyong Diyos” (