Mas Mapalapit kay Jesucristo sa pamamagitan ng Pag-aaral ng Aklat ni Mormon
Tulad ng Biblia, ang Aklat ni Mormon ay isang sinaunang talaan na nagtuturo tungkol kay Jesucristo. Sinasagot nito ang mahahalagang tanong nating lahat: Mayroon bang kabilang-buhay, ano ang layunin ng buhay, at paano ako makakahanap ng kaligayahan at kapayapaan ngayon? Nalalaman ng mga tao sa buong mundo, at sa lahat ng katayuan sa buhay, na matutulungan tayo ng Aklat ni Mormon na maging mas mabubuting tao at mas mapalapit sa Diyos.
Mga Karaniwang Itinatanong Tungkol sa Aklat ni Mormon
Ano ang Aklat ni Mormon?
Ano ang Aklat ni Mormon?
Ang Aklat ni Mormon ay isang aklat ng inspiradong banal na kasulatan na nariyan upang bigyan tayo ng gabay sa ating mga buhay at ilapit tayo kay Jesus. Saan nanggaling ang pangalan nito? Daan-daang taon na nakalipas sa mga sinaunang lupain ng Amerika, tinipon ng propetang nagngangalang Mormon ang talaan ng kanyang mga tao. Hinarap din nila ang maraming hamon na katulad ng mga hinaharap natin. Gaya lang din natin, nakatagpo sila ng lakas noong bumaling sila kay Jesucristo.
Ang Aklat ni Mormon ay nilayon na basahin kasabay ng Biblia bilang isa pang tipan ni Jesucristo at ng Kanyang banal na misyon bilang Tagapagligtas at Manunubos ng sanlibutan. Ang Biblia at ang Aklat ni Mormon ay magkasamang naglalaan ng higit na pang-unawa tungkol sa dakilang pagmamahal ng Diyos para sa ating lahat at makatutulong sa atin na mas mapalapit sa Kanya.

Bakit mahalaga ang Aklat ni Mormon?
Bakit mahalaga ang Aklat ni Mormon?
Ang mga alituntuning nakatala sa Aklat ni Mormon—pananampalataya kay Jesucristo, pagsisisi, binyag, kagalakan, kaligtasan—ay nagpabago ng buhay ng mga sinaunang tao. Sa ating panahon, naiimpluwensyahan ng Aklat ni Mormon ang buhay ng milyun-milyong tao sa iba’t ibang panig ng mundo sa pamamagitan ng pag-akay sa kanila palapit kay Jesucristo.
Paano makakatulong sa aking buhay ang Aklat ni Mormon?
Paano makakatulong sa aking buhay ang Aklat ni Mormon?
Ang mga banal na kasulatan ay higit pa sa mga lumang salita at kuwento. Ang mga mensahe nito ay naaangkop at napapanahon para sa mga problema na kinakaharap natin. Kapag habang binabasa mo ang Aklat ni Mormon ay madalas mong itinatanong ang iyong sarili ng, “Ano ba talaga ang sinasabi nito?” matutuklasan mo na maraming mensahe ang naaangkop para sa iyo ngayon. Ang aklat ay isinulat upang magbigay inspirasyon sa mga mambabasa na gumawa ng mga desisyon na nagpapabuti sa kanilang buhay at nagpapalapit sa kanila sa Diyos. Umaasa ang mga may-akda na ang kanilang mga salita ay aakay sa mga tao kay Jesucristo at magpapabago ng mga pag-uugali; papawiin ang kalungkutan, kawalang-katiyakan, at takot sa buhay; mag-aalok ng layunin at direksiyon sa pananaw ng mga tao sa buhay; at bibigyan ang mga tao ng katibayan na ang Diyos ay “isang Diyos [pa rin] ng mga himala” (Mormon 9:11).
Ang kahalagahan ng Aklat ni Mormon sa mundo ay masusukat sa dami ng kopya na ipinamahagi o sa pagdami ng mga taong piniling sumunod kay Jesucristo pagkatapos basahin ang aklat. Ang pinakamahalagang epekto nito, gayunpaman, ay personal. Ang Aklat ni Mormon ay sumasagot sa mga tanong, nagbibigay ng pag-asa, at nagpapatatag ng espirituwal na lakas ng mga tao, nang paisa-isa.
Ang Aklat ni Mormon ay maaaring baguhin ang buhay ng mga tao sila man ay makasalanan o matapat, nawawalan ng pag-asa o masaya. Maraming tao ang nakakatagpo ng kahulugan sa Aklat ni Mormon, sila man ay may pinag-aralan o walang pinag-aralan, nag-iisa o napapaligiran ng mga kaibigan at pamilya, mayaman o mahirap. Ang isang karaniwang katangian ng mga taong nabago ng aklat na ito ay ang simpleng pagnanais na malaman at maunawaan ang katotohanan nito.

Mga Paraan ng Pagbabasa ng Aklat ni Mormon
Tumanggap ng Aklat ni Mormon mula sa mga Missionary
Ihahatid sa iyo nang libre ng aming mga missionary ang Aklat ni Mormon. Bukod pa rito, maaari din silang personal na magbahagi ng buod ng aklat at maaari din nilang sagutin ang anumang tanong mo tungkol dito. Sabihin lang sa amin kung saan ito ipadadala at tiyak na ipadadala namin ito sa iyo.Humiling ng Pagbisita
Mapanatag sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga missionary. Maaari tayong magbasa ng mga banal na kasulatan at matutulungan ka naming makadama ng kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin. Ibahagi ang iyong contact information at kokontakin ka ng mga missionary sa inyong lugar para mag-iskedyul ng oras para makipag-usap sa kanila online o nang personal.
Digital Options
The Book of Mormon is available digitally through mobile applications or on the web.