Si Jesucristo ang Iyong Tagapagligtas
Si Jesucristo ay ang Anak ng Diyos—ang iyong Tagapagligtas at Manunubos, na isinugo para iligtas tayong lahat. Dahil sa Kanya, maaari kang makasumpong ng kagalakan sa pagkaalam na maaari mong makapiling ang Diyos at ang iyong mga mahal sa buhay sa kawalang-hanggan.
Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan.
Naniniwala tayo sa kabanalan ni Jesucristo bilang literal na Anak ng Diyos at isang bukod na miyembro ng Panguluhang Diyos na kasama ng Diyos Ama at ng Banal na Espiritu. Pumarito si Jesus sa lupa para maranasan ang mga pagsubok ng mortal na buhay, magturo at magpatotoo tungkol sa Diyos, magsagawa ng malalaking himala, at kumpletuhin ang Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo, na magtutulot sa atin na malinis mula sa kasalanan at mabuhay na mag-uli.
Ginawa Niya ang lahat ng ito para sa atin—para sa iyo.
Ginawa Niya ang lahat ng ito para sa atin—para sa iyo.
Ang halimbawa ni Jesus ay isang dalisay na pagmamahal. Ipinakita Niya sa atin kung paano mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng pagsisikap na gawin ang Kanyang kalooban nang higit sa lahat. Mahabagin Niyang pinagaling ang mga maysakit at may kapansanan, pinakain ang mga nagugutom, binuhay ang mga patay, pinangalagaan ang mga maralita, malugod na tinanggap ang mga itinakwil ng lipunan, at naglingkod sa lahat ng tapat na naghanap sa Kanya.
Maaari kang manalig na ipinaaabot sa iyo ng Tagapagligtas ang pagmamahal at habag ding iyon.
Bilang mga Kristiyano, pinagsisikapan nating tularan si Jesus at mabanaag sa atin ang Kanyang pagmamahal.
Maaari kang manalig na ipinaaabot sa iyo ng Tagapagligtas ang pagmamahal at habag ding iyon.
Bilang mga Kristiyano, pinagsisikapan nating tularan si Jesus at mabanaag sa atin ang Kanyang pagmamahal.
Si Jesucristo ay isang dalubhasang guro. Sa edad na 12, naupo Siya sa piling ng pinagpipitaganang mga guro ng relihiyon sa templo sa Jerusalem, at “lahat ng nakikinig sa kanya ay namangha sa kanyang katalinuhan at sa kanyang mga sagot” (Lucas 2:47 ).
Kalaunan, libu-libong tao ang nagtipon para marinig ang Kanyang mga sermon—mga sermon na nagbibigay-inspirasyon pa rin sa mga tao sa buong mundo na mamuhay nang mas mabuti ngayon. Ipinapakita sa Biblia na nag-ukol din ng panahon si Jesus na turuang isa-isa ang mga tao ng mga aral na kailangang personal nilang marinig.Ang Aklat ni Mormon ay nagdaragdag sa ating kaalaman tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang mga turo.
Makasusumpong ka ng higit na kapayapaan at kaligayahan sa pamamagitan ng pamumuhay mo mismo ng mga turo ni Jesus. Ang iyong lokal na kongregasyon ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay isang magandang lugar para malaman ang iba pa tungkol sa Kanyang mga turo at kung paano ito naaangkop sa iyo.
Kalaunan, libu-libong tao ang nagtipon para marinig ang Kanyang mga sermon—mga sermon na nagbibigay-inspirasyon pa rin sa mga tao sa buong mundo na mamuhay nang mas mabuti ngayon. Ipinapakita sa Biblia na nag-ukol din ng panahon si Jesus na turuang isa-isa ang mga tao ng mga aral na kailangang personal nilang marinig.
Makasusumpong ka ng higit na kapayapaan at kaligayahan sa pamamagitan ng pamumuhay mo mismo ng mga turo ni Jesus. Ang iyong lokal na kongregasyon ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ay isang magandang lugar para malaman ang iba pa tungkol sa Kanyang mga turo at kung paano ito naaangkop sa iyo.
Ang Kanyang Sakripisyo ay Nangangahulugan na Maaari Kang Mamuhay sa Piling ng Diyos
Bagama’t namuhay nang sakdal si Jesus, naging banta sa marami ang Kanyang impluwensya o nagalit sila nang punahin Niya ang kanilang pagpapaimbabaw. Nagsabwatan silang patayin si Jesus.
Noong gabi bago Siya ipinako sa krus, nagtungo si Jesus sa Halamanan ng Getsemani para manalangin. Naranasan Niya roon ang mga pasakit ng bawat isa sa mga anak ng Diyos, pati na ang iyong pasakit. Pagkatapos ay ipinagkanulo Siya, dinakip, binugbog, kinutya, at ipinako sa krus para mamatay. Lahat ng naranasan ni Jesucristo sa buong buhay Niya at ang Kanyang nagbabayad-salang sakripisyo ay naging dahilan para maging posible na maunawaan Niya nang lubusan ang bawat isa sa atin sa bawat sitwasyon.

Dahil kay Jesus, Mabubuhay Tayong Muli Balang Araw
Maaari nating madaig hindi lamang ang espirituwal na kamatayang dulot ng kasalanan kundi pati na ang pisikal na kamatayan sa pamamagitan ni Jesus. Dahil Siya ay nagbangon mula sa mga patay sa ikatlong araw matapos Siyang Ipako sa Krus, mabubuhay ka ring mag-uli balang-araw at mamumuhay sa piling ng Diyos at ng iyong mga mahal sa buhay sa isang perpektong katawan, malaya sa karamdaman at sakit.
“Lumapit kayo sa akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo’y bibigyan ko ng kapahingahan.
“Pasanin ninyo ang aking pamatok, at matuto kayo sa akin; sapagkat ako’y maamo at may mapagpakumbabang puso at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa.”