Itinuro ni Jesucristo sa Atin na Mahalin ang Isa’t Isa
Ipinakita ni Jesucristo ang pinakadakilang halimbawa ng pagmamahal. Ang ibig sabihin ng sundin Siya ay mahalin ang Diyos at paglingkuran ang mga nasa paligid mo.
“Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo.
“Ito ang dakila at unang utos.
“At ang pangalawa ay katulad nito, Ibigin mo ang iyong kapwa na gaya ng iyong sarili.”
Nilinaw ng Tagapagligtas na ang pagmamahal sa iyong kapwa ay higit pa sa pagiging mabait sa mga taong nakatira malapit sa iyo. Bahagi ng responsibilidad ng Kanyang mga tagasunod ang magpakita ng pag-ibig sa kapwa-tao—ang dalisay na pag-ibig ni Cristo—sa lahat, pati na sa mga taong maaaring itinuturing mong kaaway mo.
Paano Nagpapakita ng Pagmamahal ang Aming Simbahan
Naniniwala kami na ang pagtutulungan upang ipakita ang pag-ibig sa kapwa-tao na tulad ng kay Cristo ay isa sa mga bagay na lubos na nagpapagaling, nagpapasaya, at nagdudulot ng pagkakaisa na magagawa ng isang kongregasyon. Narito ang ilang paraan ng aming paglilingkod, at gusto naming makasama ka!
Sa mga donasyong ito, makapagbibigay ang mga lokal na lider ng tulong pinansiyal para sa pagkain, tirahan, at transportasyon. Tinutulungan din ng mga lider ng Simbahan ang mga indibiduwal na tumatanggap ng tulong na gumawa ng plano na pagandahin ang kanilang sitwasyon, kadalasa’y sa paggamit ng karagdagang mga resource tulad ng employment services, pagpapayo sa pamamagitan ng Family Services,mga kurso sa pag-asa sa sarili o self-reliance , at iba pa.
Ang tulong na ito ay nagiging daan upang madama ng mga nangangailangan ang pagmamahal ng Tagapagligtas, gayundin ang pagmamahal ng kanilang komunidad—lalo na sa panahon ng mga pagsubok.
Ang Simbahan ay nakikipagtulungan sa mapagkakatiwalaang mga organisasyon upang tugunan ang natatanging mga pangangailangan mula sa bawat sitwasyon, pinakikilos ang mga lokal na kongregasyon upang gawin ang mga bagay-bagay tulad ng pagtitipon at pag-aayos ng mga donasyon, paglilinis ng mga debri o kalat, at pagbibigay ng pagkain, damit, tirahan, at emosyonal na suporta kapag kailangan.
Welfare Services
Sa buong Simbahan, hinihikayat ang mga miyembro na mag-ayuno buwan-buwan, nang hindi kumakain at umiinom nang mga 24 na oras (kung kaya ng kanilang katawan). Pagkatapos ay ibinibigay ng mga miyembro ng Simbahan ang perang gagamitin dapat para sa mga pagkaing iyon para tulungan ang mga nangangailangan.Sa mga donasyong ito, makapagbibigay ang mga lokal na lider ng tulong pinansiyal para sa pagkain, tirahan, at transportasyon. Tinutulungan din ng mga lider ng Simbahan ang mga indibiduwal na tumatanggap ng tulong na gumawa ng plano na pagandahin ang kanilang sitwasyon, kadalasa’y sa paggamit ng karagdagang mga resource tulad ng employment services, pagpapayo sa pamamagitan ng Family Services,
Ang tulong na ito ay nagiging daan upang madama ng mga nangangailangan ang pagmamahal ng Tagapagligtas, gayundin ang pagmamahal ng kanilang komunidad—lalo na sa panahon ng mga pagsubok.
Tulong sa Panahon ng Kalamidad
Kapag nangyari ang mga sakuna, digmaan, at iba pang mga kalamidad, ang Simbahan at mga miyembro nito ay kumikilos upang magbigay ng pagkain, gamot, damit, at iba pang mahahalagang bagay.Ang Simbahan ay nakikipagtulungan sa mapagkakatiwalaang mga organisasyon upang tugunan ang natatanging mga pangangailangan mula sa bawat sitwasyon, pinakikilos ang mga lokal na kongregasyon upang gawin ang mga bagay-bagay tulad ng pagtitipon at pag-aayos ng mga donasyon, paglilinis ng mga debri o kalat, at pagbibigay ng pagkain, damit, tirahan, at emosyonal na suporta kapag kailangan.
Humanitarian Aid
Sinisikap ng Simbahan na pangalagaan ang mga nangangailangan sa buong mundo sa pamamagitan ngAng gawaing ito ay magkakaiba batay sa partikular na mga pangangailangan ng iba’t ibang lugar. Nakatuon ang Simbahan lalo na sa pagpapadaling maka-access sa malinis na tubig at sanitasyon, pangangalaga sa ina at bagong silang na sanggol, pangangalaga sa kalusugan, edukasyon, seguridad sa pagkain, at tulong para sa mga refugee.
Ang pakikipagtulungan sa mapagkakatiwalaang mga organisasyon upang ipatupad ang mga inisyatibong ito ay tumutulong sa Simbahan na lubusin ang mga pagsisikap na maglingkod.
Ministering
Sa aming mga kongregasyon, ang mga miyembro ng Simbahan ay pinagpapartner-partner at inaatasan na “mag-minister” sa ilang tao. Ang ministering ay tungkol sa pagbuo ng pagkakaibigang tulad ng kay Cristo. Isipin mo ito na parang isang buddy system—ang mga naglilingkod sa iyo ay built-in support system na maaari mong makaugnayan sa mabubuting panahon at hingan ng tulong sa oras ng pangangailangan.Ipinakita sa Akin ng Komunidad ng Aking Simbahan na Hindi Ako Nag-iisa
Paano Ka Maaaring Magpakita ng Pagmamahal
Ano sa tingin mo ang ibig sabihin ng mahalin ang iyong kapwa? Narito ang ilang ideya kung paano mahalin ang iyong kapwa:
JustServe.org .
- Manalangin para sa mga pagkakataon na magpakita ng kabaitan sa buong araw mo.
- Sikaping patawarin ang mga taong sa pakiramdam mo ay nagkasala sa iyo.
- Manindigan laban sa pambu-bully, diskriminasyon dahil sa lahi, at iba pang uri ng diskriminasyon
- Magpalaganap ng mga positibong mensahe at maging mabait sa iba sa social media.
- Kumustahin ang lagay ng mga kaibigang nakararanas ng pagsubok.
- Magbigay ng tapat na papuri.
- Suportahan ang mga gawain at organisasyon na pangalagaan ang mga nangangailangan.
Halina’t Maglingkod na Kasama Namin!
Kung naghahanap ka ng isang komunidad ng mapagmahal na mga tao na nais gawing mas magandang lugar ang mundo, gustung-gusto naming sumama ka sa amin! Maaari kang magkaroon ng karagdagang kaalaman tungkol sa aming Simbahan mula sa mga miyembro na nagboboluntaryo bilang mga missionary sa inyong lugar.