Mas Mapalapit sa Diyos. Makipagkita sa mga Missionary Online o nang Personal.
Palalimin ang iyong ugnayan sa Diyos at alamin ang Kanyang plano para sa iyo sa pakikipag-usap mo sa mga missionary mula sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Kami ay kasama mong magdarasal, magbabasa, at tatalakayin namin ang mga turo ni Jesucristo sa iyo.
Ano ang Aasahan sa Inyong Pag-uusap
Nasasabik kami na makilala ka at matulungan ka na madama ang kapayapaan at katiyakan sa buhay na nagmumula sa pamumuhay ng ebanghelyo ni Jesucristo. Ganito ang maaaring mangyari sa pagbisita sa iyo:
- Makikilala natin ang isa’t isa.
- Sama-sama tayong magdarasal.
- Matututuhan natin ang tungkol sa ebanghelyo ni Jesucristo.
- Aanyayahan ka naming sumama sa amin na magsimba.
Humiling ng Pagbisita
Mapanatag sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga missionary. Maaari tayong magbasa ng mga banal na kasulatan at matutulungan ka naming makadama ng kapayapaan sa pamamagitan ng panalangin. Ibahagi ang iyong contact information at kokontakin ka ng mga missionary sa inyong lugar para mag-iskedyul ng oras para makipag-usap sa kanila online o nang personal.
Gusto Mo Bang May Matutuhan Pa?
Sino ang mga missionary?
Sino ang mga missionary?
Ang mga missionary ay mga volunteer na isinantabi ang kanilang normal na buhay nang hanggang dalawang taon para tulungan ang iba na mas mapalapit kay Jesucristo. Bago magmisyon, sila ay mga estudyante, empleyado, atleta, mahilig magbasa ng mga aklat, musikero, at, hayan, may ideya ka na. Pagkatapos nilang maglingkod, uuwi na sila para tapusin ang pag-aaral sa kolehiyo, magtrabaho, makipagdeyt at mag-asawa, at mamuhay nang normal.
Nagmumula sila sa iba’t ibang panig ng mundo. Karaniwan sa mga missionary ang maglingkod sa isang bansa at magsalita ng iba pang wika bukod sa sarili nilang wika. Ang mga missionary ay naglilingkod bilang mga young adult o kaya naman bilang mga retirado na single o mag-asawa. Anuman ang kanilang edad, taos-puso nila itong ginagawa—iniiwan nila ang kanilang mga tahanan at pamilya para gawin ang itinuro ni Jesus sa Kanyang mga Apostol: “Humayo kayo sa buong sanlibutan, at inyong ipangaral ang ebanghelyo sa lahat ng nilikha” (Marcos 16:15).

May bayad ba ang pagbisita ng missionary?
May bayad ba ang pagbisita ng missionary?
Wala. Ang ebanghelyo ni Jesucristo ay para sa lahat ng tao. Inaanyayahan Niya ang lahat na lumapit sa Kanya “nang walang salapi at walang halaga [o bayad]” (Isaias 55:1). Sa katunayan ang mga missionary ay nagbabayad para makita kayo, sariling gastos nila ang pagpunta sa misyon. Ang mga lokal na lider ng Simbahan at mga guro sa klase ay wala ring bayad.
Ano ang ginagawa sa mga pulong sa Simbahan?
Ano ang ginagawa sa mga pulong sa Simbahan?
Ang mga oras ng mga pulong sa Simbahan ay iba-iba ayon sa kongregasyon. Gayunman, maaasahan mong may isang pangunahing pulong ng pagsamba para sa lahat na susundan ng mga klase para sa mga bata, kabataan, at matatanda.
Ang pulong para sa lahat ay tinatawag na “sacrament meeting.” Ang pulong na ito ay may mga awitin, panalangin, at sermon (o “mga mensahe”) na ibinibigay ng iba’t ibang miyembro ng kongregasyon bawat linggo. Pero ang pinakamahalagang bahagi ng pulong na ito ay ang pagtanggap namin ng sakramento (na tulad ng Komunyon) upang alalahanin ang Tagapagligtas.