Ang mga Pamilya ay Maaaring Magkasama-sama Magpakailanman
Ang mga bigkis ng pamilya na binubuo mo sa buhay na ito ay maaaring magtagal hanggang sa kabilang-buhay. Ang pagpapatibay ng iyong relasyon sa Diyos ay maaaring humantong sa mas matitibay na relasyon sa iyong pamilya.
Ang mga Pamilya ay Mahalaga sa Plano ng Diyos
Bilang inyong mapagmahal na Ama sa Langit, nais ng Diyos na matuto at umunlad kayo sa buhay. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga pamilya sa pag-unlad na iyon. Naniniwala kami:
- Mga pamilya ang bumubuo ng isang matatag na lipunan.
- Ang tahanan ay maaaring maging isang lugar kung saan tayo makadarama ng suporta, kaligtasan, at pagmamahal.
- Ang pakikipag-ugnayan sa Diyos ay tumutulong sa paglikha ng matatag na pamilya kung saan natutugunan ang mga espirituwal, emosyonal, at pisikal na pangangailangan.
Maaari Mong Makasama ang Iyong Pamilya Magpakailanman
Kung ang iyong pamilya ay isang malaking pinagmumulan ng pagmamahal at kagalakan sa iyong buhay, maaaring mahirap isipin ang anumang kahulugan ng langit na hindi kasama ang mga relasyong iyon. Bahagi ng mabuting balita ng ebanghelyo ni Jesucristo na ang mga pamilya ay maaaring magkasama-sama magpakailanman.
Sa Biblia, binigyan ni Jesus ng awtoridad ng priesthood ang Labindalawang Apostol, na nangangako na “Anuman ang inyong [ibuklod] sa lupa ay [siyang ibubuklod] sa langit” (Mateo 18:18 ). Ang awtoridad ding iyon mula sa Diyos ay pinagkakaisa—o pinagbubuklod—ang mga mag-asawa at mga magulang at mga anak sa kawalang-hanggan.
Sa Biblia, binigyan ni Jesus ng awtoridad ng priesthood ang Labindalawang Apostol, na nangangako na “Anuman ang inyong [ibuklod] sa lupa ay [siyang ibubuklod] sa langit” (
Isinasagawa ang mga seremonyang ito sa mga templo gamit ang awtoridad ding ito na may kasamang pangako na ang kasal ng mga taong tapat sa Diyos at sa isa’t isa ay maaaring magtagal hanggang sa buong kawalang-hanggan sa halip na magwakas sa kamatayan.
Isinasagawa namin ang mga seremonya ring ito ng pagbubuklod sa ngalan ng aming mga ninuno, na pinaniniwalaan naming maaaring piliing tanggapin o tanggihan ang gawaing isinagawa para sa kanila.
Maaaring kumplikado ang mga relasyon at sitwasyon ng pamilya, at hindi namin alam kung paano aayusin ng Diyos ang lahat sa kabilang-buhay. Ngunit nananalig kami sa perpektong karunungan at pagmamahal ng Diyos at na ang langit ay magiging isang lugar ng di-mailarawang kagalakan.
Isinasagawa namin ang mga seremonya ring ito ng pagbubuklod sa ngalan ng aming mga ninuno, na pinaniniwalaan naming maaaring piliing tanggapin o tanggihan ang gawaing isinagawa para sa kanila.
Maaaring kumplikado ang mga relasyon at sitwasyon ng pamilya, at hindi namin alam kung paano aayusin ng Diyos ang lahat sa kabilang-buhay. Ngunit nananalig kami sa perpektong karunungan at pagmamahal ng Diyos at na ang langit ay magiging isang lugar ng di-mailarawang kagalakan.
Ang mapagmahal na mga relasyon ng pamilya ay malamang na makamit kapag isinalig sa mga alituntuning itinuro ni Jesucristo, gaya ng:
Dahil naniniwala kami na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga pamilya sa buhay na ito at sa kabilang-buhay, nagsisikap Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw na suportahan ang mabubuting relasyon ng pamilya. Narito ang ilang paraan na maaari kang makahanap ng suporta para sa iyong pamilya:
- Pag-ibig sa Kapwa-tao
- Kapatawaran, Pagpapatawad
- Katapatan
- Pasasalamat
- Panalangin
- Sama-samang Pagsamba
Dahil naniniwala kami na napakahalaga ng papel na ginagampanan ng mga pamilya sa buhay na ito at sa kabilang-buhay, nagsisikap Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw na suportahan ang mabubuting relasyon ng pamilya. Narito ang ilang paraan na maaari kang makahanap ng suporta para sa iyong pamilya:
Resources ng Simbahan para sa mga Pamilya
Mga programa sa pag-aaral na nakasentro sa tahanan
Mga programa sa pag-aaral na nakasentro sa tahanan
Ang Simbahan ay nagbibigay ng resources para magamit ng mga indibiduwal at pamilya habang pinag-aaralan nila ang ebanghelyo ni Jesucristo. Ang resources na ito sa pag-aaral ay nagbibigay sa iyo ng mga pagkakataong ipamuhay ang natututuhan mo at mapalakas ang iyong pananampalataya. Ang mga alituntunin ay pinatitibay linggu-linggo sa simbahan.
I-access ang mga plano sa pag-aaral, na tinatawag na Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin.
Mga Programang Pangkabataan
Mga Programang Pangkabataan
Sinusuportahan ng mga programang pangkabataan ng Simbahan ang mga magulang sa pagtuturo ng mga katangiang tulad ni Cristo sa kanilang mga anak at binibigyan ng mga koneksyon sa iba pang mga tinedyer na kapareho nila ang mga pinahahalagahan. Kabilang sa ilan sa mga oportunidad para sa mga kabataan ang:
- Mga klase sa relihiyon
- Lingguhang aktibidad ng mga kabataan
- Mga proyekto sa paglilingkod
- Mga sayawan
- Mga summer camp
- Mga Kumperensya
Home Evening
Home Evening
Ang home evening ay isang tradisyon kung saan hinihikayat ang mga pamilya na maglaan ng isang gabi sa isang linggo para magkasama-sama. Maaaring mangahulugan ito ng pag-aaral ng ebanghelyo, paglalaro, pagkain nang sama-sama, at partisipasyon sa iba pang mga aktibidad na bumubuo ng pagkakaisa. Anuman ang pinakamainam para sa iyong pamilya ay napakaganda! Ang mahalaga ay gawing prayoridad ang oras para patatagin ang pamilya. Maaari din itong maging panahon para magtipon kasama ang mga kaibigan, kapitbahay, at miyembro ng inyong kongregasyon.
Ministering
Ministering
Ang mga miyembro ng Simbahan ay inaatasang maglingkod sa ilang tao sa kanilang mga kongregasyon. Kapag naglilingkod kami sa iba, sinisikap naming paglingkuran sila na tulad ng gagawin ng Tagapagligtas. Tinitiyak nito na lahat ng miyembro ng kongregasyon ay may isang taong nakaantabay sa kanila at isang taong malalapitan nila kung may kailangan sila. Halimbawa, maaaring magbigay ng transportasyon ang ministering brother o sister sa simbahan, mag-ayos ng pagkaing dadalhin sa isang pamilya kapag may bagong silang na sanggol, o magiging magiliw o palakaibigan habang nakaupo sa simbahan.
Self-Reliance
Self-Reliance
Kung nahihirapan ang mga pamilya na tustusan ang kanilang mga pangangailangan, maaaring makatulong ang welfare program ng Simbahan sa resources na tulad ng mga grocery. Ang employment services ng Simbahan ay maaaring makatulong sa mga tao sa paghahanap ng bagong trabaho o pagpapahusay ng mga kasanayan sa paghahanap ng trabaho. Nag-aalok kami ng mga klaseng itinataguyod ng Simbahan, na bukas sa lahat, tungkol sa personal na pananalapi, katatagan ng damdamin, at pagsisimula ng negosyo.
Pagbuo ng Komunidad para sa mga Single Adult
Pagbuo ng Komunidad para sa mga Single Adult
Bawat tao ay bahagi ng malaking pamilya ng ating mga magulang sa langit. Hindi lahat ng nagsisimba ay may kasamang pamilya sa bahay, pero lahat ay maaaring makakita ng espirituwal na suporta at komunidad sa simbahan. Maaaring piliin ng mga single adult na sumamba sa kongregasyon na kinabibilangan ng mga pamilya at mga bata—o, sa ilang lugar sa mundo, maaari silang dumalo sa isang kongregasyon na para sa mga single adult na kaedad nila. Ang pagdalo sa mga klase ng relihiyon at mga aktibidad sa lipunang para sa mga single adult ay makapagbibigay ng mga natatanging pagkakataon para sa pagkakaibigan at espirituwal na pag-unlad.