Mga Dapat Asahan sa Simbahan
Ang aming Simbahan ay isang lugar kung saan maaari kang sumama sa iba pang mga mananampalataya upang magnilay, sumamba, matuto, at maging mas mabuting tao.
Malugod na Tinatanggap ang mga Bisita
Nakalagay sa aming mga gusali ang mga salitang “Visitors Welcome [Malugod na Tinatanggap ang mga Bisita]”—at talagang totoo ito! Ikaw man ay interesadong maging miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, bumibisita sa isang kaibigan, o nag-uusisa lang, masaya kaming makita ka.Mga Dapat Asahan sa mga Pulong sa Araw ng Linggo
Ang Simbahan ay isang lugar para makihalubilo at matuto, ngunit higit sa lahat ito ay isang lugar para sambahin ang Diyos at si Jesucristo. Lahat ng 30,000 kongregasyon namin sa buong mundo ay may magkakaparehong mga pagpupulong tuwing Linggo na tumatagal ng dalawang oras:Sacrament Meeting
Sa tinatawag naming “sacrament meeting,” sama-samang nagtitipon ang lahat ng miyembro ng kongregasyon. Ang pagpupulong na ito ay mayroong pambungad at pangwakas na panalangin, ilang himno, at mga sermon na ibinigay ng mga miyembro ng Simbahan.Ang pinakamahalagang bahagi ng sacrament meeting ay ang pakikibahagi ng sakramento, na katulad ng Komunyon sa iba pang mga relihiyong Kristiyano. Sa oras ng sakramento, inaalala namin si Jesucristo kapag kinakain namin ang maliit na piraso ng tinapay at umiinom ng tubig sa maliit na baso na sumisimbolo sa katawan at dugo na inialay Niya para sa atin. Sa tahimik na panahong ito, nagsisikap kaming mag-isip ng mga paraan na mas matapat namin Siyang masusunod sa darating na linggo.
Bilang bisita, hindi ka aasahang makilahok sa anumang bagay na hindi ka komportable. Huwag mahiyang maupo sa kongregasyon at magmasid lamang.
Mga Klase
Bukod pa sa sacrament meeting, inaanyayahan ang mga tao na manatili sa ikalawang oras para mag-aral sa mas maliliit na grupo.Ang mga bata ay dumadalo sa Primary, kung saan natututuhan nila ang mga kwento sa banal na kasulatan, mga awitin, at mga aralin tungkol kay Jesus at sa Kanyang ebanghelyo na angkop sa kanilang edad. Ang mga tinedyer ay dumadalo sa katulad na mga klase na kasama nila ang kanilang mga ka-edad.
Sa ibang araw ng Linggo, ang mga adult ay magkakasamang dumadalo sa Sunday School, kung saan pinag-aaralan nila ang mga aklat ng banal na kasulatan na pinili para pag-aralan ng buong Simbahan sa buong taon. Sa ibang mga linggo, mayroong hiwalay na klase para sa kalalakihan (tinatawag na elders quorum) at kababaihan (tinatawag na Relief Society).
Kung hindi ka sigurado kung saan ka dadalo, magtanong lang, at may tutulong sa iyo na mahanap ang tamang klase.
Iba Pang mga Aktibidad ng Simbahan
Kung dumalo ka sa isang serbisyo sa pagsamba sa araw ng Linggo kasama namin o may kaibigan ka na miyembro ng aming Simbahan, maaaring anyayahan ka sa isa sa iba pang mga aktibidad na magaganap sa inyong lokal na kongregasyon. Kabilang sa ilang halimbawa ang:- Mga aktibidad sa pakikihalubilo, tulad ng isang Christmas party.
- Lingguhang aktibidad ng mga kabataan.
- Mga institute of religion para sa mga young adult para pag-aralan ang mga banal na kasulatan at makipagkaibigan.
- Mga community service project.
- Mga klase sa self-reliance.
- Mga konsiyerto o iba pang mga pagtatanghal.
Mga Karaniwang Tanong
Ano ang dapat kong isuot sa simbahan?
Ano ang dapat kong isuot sa simbahan?
Malugod ka naming tatanggapin anuman ang iyong estilo sa pananamit. Kung nag-aalala ka na baka ikaw ay makaagaw ng pansin, sinisikap naming magsuot ng mas magandang damit kaysa sa isinusuot namin sa mga karaniwang araw, para maipakita namin ang aming pagpipitagan sa Diyos. Ang pinakakaraniwang damit na makikita mo sa simbahan ay ang polo at kurbata para sa kalalakihan at palda o bestida para sa kababaihan.
Malalaman ba ng lahat na bisita ako?
Malalaman ba ng lahat na bisita ako?
May mga bisita kami sa halos lahat ng kongregasyon, kaya sanay na kaming makakita ng mga bagong mukha. Sa isang malaking kongregasyon, maaaring hindi mapansin ng mga tao na ikaw ay bisita. Sa ibang lugar naman, maaaring mapansin ka ng mga tao at mangamusta sa iyo. Ano pa man, huwag mag-atubiling ipakilala ang iyong sarili at magtanong ng anumang bagay na nais mong malaman.
Kailangan ko bang makibahagi?
Kailangan ko bang makibahagi?
Hindi. Kapag ang tinapay at tubig ng sakramento ay ibinibigay sa kongregasyon, maaari mo lang ipasa ang trey sa susunod na tao at pagkatapos ay umupo lang at makinig at obserbahan ang iba pang bahagi ng pagpupulong. Makikita mo ang mga taong nagboboluntaryo na makilahok sa iba pang mga paraan, tulad ng pagsagot sa tanong ng isang guro sa oras ng Sunday School, ngunit hindi mo kailangang itaas ang iyong kamay kung hindi mo gusto.
Hihilingan ba akong magbigay ng pera?
Hihilingan ba akong magbigay ng pera?
Hindi. Naniniwala kami sa batas ng ikapu na matatagpuan sa Biblia. Ngunit ang mga miyembro namin na pinipiling magbayad ng ikapu ay ginagawa ito nang pribado, at hindi bilang bahagi ng mga pulong. Hindi ka hihilingang magbigay ng donasyon sa mga pagpupulong.
Puwede ko bang dalhin ang aking mga anak?
Puwede ko bang dalhin ang aking mga anak?
Pwede! Ang simbahang ito ay nakatuon sa pamilya. Ang mga anak ay nakaupo kasama ng kanilang mga magulang sa sacrament meeting at pagkatapos ay nakikibahagi sila sa mga aktibidad kasama ang mga bata o tinedyer na kaedad nila habang dumadalo ang mga adult sa Sunday School. Ang mga klase para sa mga bata at kabataan ay palaging mayroong dalawa o higit pang mga adult. May silid na magagamit ng mga ina para sa pagtugon sa mga pangangailangan ng kanilang mga sanggol.
Gusto mo bang magsimba pero ayaw mong mag-isa?
Ang mga miyembro ng aming Simbahan na nagboboluntaryo bilang mga missionary sa inyong lugar ay maaaring bumisita sa iyo para matulungan kang malaman kung ano ang mga dapat mong asahan at masagot ang iyong mga tanong. Maaari din silang tumulong para matiyak na may mauupuan ka kapag handa ka nang bumisita.