Ang Iyong Buhay ay May Layunin at Kabuluhan
Hindi aksidente o nagkataon lang ang buhay sa daigdig. Ikaw ay anak ng Diyos at narito bilang bahagi ng Kanyang plano ng kaligayahan.
May Dahilan Kaya Ka Narito
Naiisip mo ba kung bakit ka narito?
Naniniwala kami na bawat isa sa atin ay nabuhay bago pa nilikha ang mundo at na nabuhay tayo sa piling ng Diyos bilang Kanyang mga espiritung anak. Ipinadala ng ating Ama sa Langit ang bawat isa sa atin dito upang tumanggap tayo ng katawan, matuto, at umunlad para maging lalong katulad Niya. Kapag sinusunod natin ang plano ng Diyos, makababalik tayo upang mamuhay sa Kanyang piling.
Kung nadama mo na mayroon kang mas dakilang layunin kaysa basta mabuhay lamang, tama ka. Makikita mo ang iyong layunin kapag bumaling ka sa Diyos.

Si Adan ay nahulog upang ang tao ay maging gayon; at ang tao ay gayon upang sila ay magkaroon ng kagalakan
Pero paano magiging kagalakan ang ating layunin kapag puno ng paghihirap ang buhay? Ang sagot ay si Jesucristo.
Sa pamamagitan ni Jesucristo, magkakaroon tayo ng kapanatagan sa ating mga kalungkutan at mapalalakas sa kabila ng mga paghihirap. Makadarama tayo ng pasasalamat para sa maraming magagandang bagay na dapat nating tamasahin sa mundong ito. Maaari nating pagbutihin ang pakikipag-ugnayan sa mga mahal natin sa buhay sa pagsunod sa mga alituntuning itinuro Niya sa Biblia: habag, paglilingkod, pagpapatawad, at pagmamahal.
Sa pagbibigay ng isang Tagapagligtas, lumikha ang Diyos ng landas para magkaroon ng kagalakan ang lahat ng Kanyang mga anak.

Ang Buhay ay Panahon para Matuto at Umunlad
Kapag nahihirapan ka, makatutulong na alalahanin na ang plano ng Diyos para sa iyo ay lampas pa sa iyong mortal na buhay. Kapag ginawa mo ang lahat sa abot-kaya mo para sundin Siya, lahat ng nararanasan mo ay itatama balang-araw sa pamamagitan ni Jesucristo. Ipinangako sa Biblia na “papahirin [ng Diyos] ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na rin magkakaroon pa ng pagdadalamhati, o ng pagtangis man, o ng kirot man” (Apocalipsis 21:4 ).
Kasama sa buhay ang masasakit na karanasan dahil sa plano ng Diyos, ang mga pagsubok na kinakaharap natin ay maaaring maging para sa ating kapakinabangan at pag-unlad. Ang mga paghihirap na ito ay makatutulong sa atin na magkaroon ng mga katangiang tulad ng:
- Lakas. Tulad ng pisikal na ehersisyo na makapagpapalakas sa ating katawan, ang pakikipaglaban sa buong buhay natin ay magpapalakas sa ating espiritu, kaisipan, at damdamin. Ang lakas na ito ay makatutulong sa atin na makayanan ang mga unos ng buhay.
- Pagdamay. Kapag dumaranas ka ng mga hamon, lumalago ang iyong pagdamay. At kapag ginagamit mo ang iyong karanasan para tulungan ang iba sa gayon ding mga sitwasyon, tumutulong ka sa paggawa ng gawain ng Diyos sa lupa.
- Pagtitiyaga. Kapag maraming bagay ang hindi natin kayang kontrolin, kabilang na ang mga kilos ng iba, maaari tayong “maghintay sa Panginoon” (Mga Awit 27:14). Maaari tayong maniwala na anumang hindi makatarungan na pinagdurusahan natin ay itatama sa pamamagitan ni Jesucristo.
Noon pa man ay alam na ng Diyos na magkakamali ka at kailangan mo ng tulong para mapaglabanan ang kalungkutan at kasalanan. Bilang bahagi ng plano ng Diyos, naglaan Siya ng isang Tagapagligtas at Manunubos, si Jesucristo, para magdusa at mamatay para sa iyo at sa bawat tao na nabuhay. Dahil sa sakripisyo ni Jesucristo, maaari kang mapatawad at mapagaling.
Sa tulong ng Tagapagligtas, madaraig mo ang kasalanan, mga kahinaan, masasamang gawi, at adiksyon na nakapigil sa iyo noon. Maaari kang maging mas mapagkawanggawa, mapagpatawad, mapagpakumbaba, at mapagpasensya kaysa rati. Kapag ikaw ay naging lalong katulad ni Cristo, magkakaroon ka ng mas malaking hangaring magpatuloy sa landas upang makabalik sa piling ng Diyos.