Nangungusap ang Diyos sa Kanyang mga Anak sa Pamamagitan ng mga Propeta
Noong panahon ng Biblia, pumili ng mga propeta ang Diyos para gabayan ang Kanyang mga tao. Patuloy tayong tumatanggap ng patnubay ng Diyos sa pamamagitan ng isang buhay na propeta ngayon.
Isang Propeta ang Namumuno sa Ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo Ngayon
Noong nasa lupa si Jesus, tumawag Siya ng labindalawang Apostol para tumulong na pamunuan ang Kanyang Simbahan. Nang mamatay si Jesus, nagdanas ng oposisyon ang mga Apostol at sa ilang pagkakataon ay pinaslang sila. Sa paglipas ng panahon, nawala ang mahahalagang katotohanan ng ebanghelyo at ang awtoridad ng priesthood mula sa Diyos nang mag-apostasiya ang mga tao sa buong mundo.
Noong 1820, taimtim na nagdasal ang isang 14-na-taong-gulang na batang lalaking nagngangalang Joseph Smith, na humihingi ng patnubay tungkol sa kapakanan ng kanyang kaluluwa at para malaman kung aling simbahan ang dapat niyang sapian. Nagpakita ang Diyos Ama at si Jesucristo kay Joseph at sinabi sa kanya na pinatawad na ang kanyang mga kasalanan at na hindi siya dapat sumapi sa alinman sa umiiral na mga simbahan noon. Siya kalaunan ang naging propetang pinili para ipanumbalik ang Simbahan ni Jesucristo sa lupa.

Simula noon, pinamumunuan na ng isang buhay na propeta Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, na sinusuportahan ng labindalawang Apostol at iba pang mga pinuno alinsunod sa huwaran ng sinaunang Simbahan ni Cristo.
Sumusunod ang propeta at mga apostol ngayon sa mga yapak ng mga propeta na matatagpuan sa mga banal na kasulatan. Nagtuturo sila ng mga walang-hanggang katotohanan, nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo, nagbababala sa atin tungkol sa panganib, nagbibigay sa atin ng mga dahilan para magkaroon pag-asa, at nagbibigay ng patnubay mula sa Diyos na nauukol sa ating panahon.

Ang pagsunod sa mga salita ng isang buhay na propeta ay mas maglalapit sa iyo kay Jesucristo at tutulungan kang makasumpong ng pag-asa at kagalakan. Nitong mga nakaraang taon, kabilang sa ilan sa patnubay na naibigay ni Pangulong Russell M. Nelson, propeta at Pangulo ng Simbahan, ang:
Kung paano makasumpong ng kapayapaan kay Jesucristo kahit nagkakagulo ang mundo sa ating paligid. Kahalagahan ng pagwawakas ng pagtatalo sa ating personal na buhay. Kung paano magkaroon ng matibay na espirituwal na pundasyon na tutulong sa atin na madaig ang mga pagsubok at tukso. Mga paraan na maaari nating “yakapin ang bukas nang may pananampalataya.”
Ang mga Propeta ay mga Sugo ng Diyos
Mahal ng Diyos ang bawat isa sa atin at nais Niyang madama natin ang pagmamahal na iyan upang umunlad tayo at lumago. Binibigyan Niya tayo ng mga paraan para makahanap ng kabuluhan sa ating buhay at makadama ng kapayapaan at kalinawan sa gitna ng kalituhan ng mundo. Kabilang sa tulong na naibigay sa atin ng Diyos ang mga salita ng mga propeta.
Kapag nakipag-ugnayan ka sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin, maaari kang tumanggap ng patnubay para sa sarili mong buhay. Ngunit nangungusap din ang Diyos sa Kanyang mga anak nang lahatan sa pamamagitan ng mga propeta. Isinugo ang mga propetang ito para ituro sa atin ang ebanghelyo ni Jesucristo at magbahagi ng patnubay mula sa Diyos na nauukol sa ating panahon.

Ipinapakita ng mga sinaunang kasaysayan at sagradong turong nakatala sa Biblia at sa Aklat ni Mormon na sa buong kasaysayan, pumili na ng mga propeta ang Diyos para kumilos sa Kanyang pangalan para sa kaligtasan ng Kanyang mga anak.
Kung minsan, naniwala ang mga tao sa mga salita ng mga propeta at namuhay nang matwid. Sa ibang mga pagkakataon hindi nila tinanggap ang mga mensahe ng Diyos na ipinarating ng mga propeta at tumalikod sila sa Diyos—isang kalagayang tinatawag na “apostasiya.” Ang mga panahong iyon ng apostasiya ay nagbigay-daan kalaunan sa panibagong kabutihan nang magsisi ang mga tao at muling nakinig sa mga piniling propeta ng Diyos.
Sa Biblia, itinuturo sa atin ngAmos 3:7 na ang Diyos ay walang gagawing anumang bagay maliban kung ihahayag Niya ito sa “kanyang mga lingkod na mga propeta.” Nagsugo ng mga propeta ang Panginoon sa buong Lumang Tipan para balaan ang mga tao na maghanda para sa mga taggutom, digmaan, o iba pang mga kalamidad. Ibinahagi nila sa mga tao ang kalooban ng Diyos at pinatotohanan ang mga bunga ng kasalanan. Higit sa lahat, naghatid ng pag-asa ang mga propeta nang magpropesiya sila tungkol sa pagsilang ni Jesucristo at sa Kanyang ebanghelyo na nagpapabago ng buhay.
Nagturo ang mga propeta sa Biblia at sa Aklat ni Mormon ng mga aral at katotohanan na matunog pa rin ngayon tungkol sa pagkakaroon ng pananampalataya kay Jesucristo at pagiging higit na katulad Niya. Maaari kang makasumpong ng lakas, pag-asa, at inspirasyon sa pagbabasa ng kanilang mga salita.
Kung minsan, naniwala ang mga tao sa mga salita ng mga propeta at namuhay nang matwid. Sa ibang mga pagkakataon hindi nila tinanggap ang mga mensahe ng Diyos na ipinarating ng mga propeta at tumalikod sila sa Diyos—isang kalagayang tinatawag na “apostasiya.” Ang mga panahong iyon ng apostasiya ay nagbigay-daan kalaunan sa panibagong kabutihan nang magsisi ang mga tao at muling nakinig sa mga piniling propeta ng Diyos.
Sa Biblia, itinuturo sa atin ng
Nagturo ang mga propeta sa Biblia at sa Aklat ni Mormon ng mga aral at katotohanan na matunog pa rin ngayon tungkol sa pagkakaroon ng pananampalataya kay Jesucristo at pagiging higit na katulad Niya. Maaari kang makasumpong ng lakas, pag-asa, at inspirasyon sa pagbabasa ng kanilang mga salita.
Isang Propeta ang Namumuno sa Ipinanumbalik na Simbahan ni Jesucristo Ngayon
Noong nasa lupa si Jesus, tumawag Siya ng labindalawang Apostol para tumulong na pamunuan ang Kanyang Simbahan. Nang mamatay si Jesus, nagdanas ng oposisyon ang mga Apostol at sa ilang pagkakataon ay pinaslang sila. Sa paglipas ng panahon, nawala ang mahahalagang katotohanan ng ebanghelyo at ang awtoridad ng priesthood mula sa Diyos nang mag-apostasiya ang mga tao sa buong mundo.
Noong 1820, taimtim na nagdasal ang isang 14-na-taong-gulang na batang lalaking nagngangalang Joseph Smith, na humihingi ng patnubay tungkol sa kapakanan ng kanyang kaluluwa at para malaman kung aling simbahan ang dapat niyang sapian. Nagpakita ang Diyos Ama at si Jesucristo kay Joseph at sinabi sa kanya na pinatawad na ang kanyang mga kasalanan at na hindi siya dapat sumapi sa alinman sa umiiral na mga simbahan noon. Siya kalaunan ang naging propetang pinili para ipanumbalik ang Simbahan ni Jesucristo sa lupa.
Noong 1820, taimtim na nagdasal ang isang 14-na-taong-gulang na batang lalaking nagngangalang Joseph Smith, na humihingi ng patnubay tungkol sa kapakanan ng kanyang kaluluwa at para malaman kung aling simbahan ang dapat niyang sapian. Nagpakita ang Diyos Ama at si Jesucristo kay Joseph at sinabi sa kanya na pinatawad na ang kanyang mga kasalanan at na hindi siya dapat sumapi sa alinman sa umiiral na mga simbahan noon. Siya kalaunan ang naging propetang pinili para ipanumbalik ang Simbahan ni Jesucristo sa lupa.
Simula noon, pinamumunuan na ng isang buhay na propeta Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw, na sinusuportahan ng labindalawang Apostol at iba pang mga pinuno alinsunod sa huwaran ng sinaunang Simbahan ni Cristo.
Sumusunod ang propeta at mga apostol ngayon sa mga yapak ng mga propeta na matatagpuan sa mga banal na kasulatan. Nagtuturo sila ng mga walang-hanggang katotohanan, nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo, nagbababala sa atin tungkol sa panganib, nagbibigay sa atin ng mga dahilan para magkaroon pag-asa, at nagbibigay ng patnubay mula sa Diyos na nauukol sa ating panahon.
Sumusunod ang propeta at mga apostol ngayon sa mga yapak ng mga propeta na matatagpuan sa mga banal na kasulatan. Nagtuturo sila ng mga walang-hanggang katotohanan, nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo, nagbababala sa atin tungkol sa panganib, nagbibigay sa atin ng mga dahilan para magkaroon pag-asa, at nagbibigay ng patnubay mula sa Diyos na nauukol sa ating panahon.
Ang pagsunod sa mga salita ng isang buhay na propeta ay mas maglalapit sa iyo kay Jesucristo at tutulungan kang makasumpong ng pag-asa at kagalakan. Nitong mga nakaraang taon, kabilang sa ilan sa patnubay na naibigay ni Pangulong Russell M. Nelson, propeta at Pangulo ng Simbahan, ang:
Kung paano makasumpong ng kapayapaan kay Jesucristo kahit nagkakagulo ang mundo sa ating paligid. Kahalagahan ng pagwawakas ng pagtatalo sa ating personal na buhay. Kung paano magkaroon ng matibay na espirituwal na pundasyon na tutulong sa atin na madaig ang mga pagsubok at tukso. Mga paraan na maaari nating “yakapin ang bukas nang may pananampalataya.”
Mga Karaniwang Tanong
Paano ko mababasa ang sinabi ng mga propeta at apostol ngayon?

Ang mga sermon na ibinigay ng propeta, mga apostol, at iba pang mga pinuno ng Simbahan sa pangkalahatang kumperensya ay matatagpuan sa pamamagitan ng pag-browse sa mga archive ng pangkalahatang kumperensya dito. Maaari kang manatiling updated sa sinasabi ng mga pinuno ng Simbahan sa labas ng pangkalahatang kumperensya—tulad ng sa mga paglalaan ng templo o mga multifaith conference—sa pamamagitan ng pagbisita sa Church Newsroom. Maaari mo ring gamitin ang search function sa ChurchofJesusChrist.org para i-browse ang mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, mga artikulo sa magasin, at iba pang resources ayon sa paksa.
Ano ang pangkalahatang kumperensya?
Ano ang pangkalahatang kumperensya?
Ang pangkalahatang kumperensya ay isang pandaigdigang pagtitipon ng mga mananampalataya. Dalawang beses sa isang taon, nag-uukol tayo ng isang Sabado’t Linggo sa pakikinig sa mga propeta, apostol, at iba pang mga pinuno ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw na nagbabahagi ng mensahe ng Diyos para sa ating panahon. Libu-libong tao ang personal na nakikilahok sa Salt Lake City, Utah, USA, habang milyun-milyon pa ang nanonood mula sa malalayong lugar o pinag-aaralang mag-isa ang mga mensahe kalaunan.
Paano hinihirang ang mga pinuno ng Simbahan?

Kapag pumanaw ang propeta at Pangulo ng Simbahan, ang pinaka-senior na Apostol (ayon sa haba ng paglilingkod, hindi sa edad) ang nagiging bagong propeta. Kapag may bakante sa Korum ng Labindalawang Apostol, humihirang ang propeta ng isang bagong tao para maglingkod, sa pamamagitan ng inspirasyon mula sa Diyos.
Ang iba pang mga katungkulan sa Simbahan—na tinutukoy nating “mga calling”—sa isang regional at local level ay hinihirang din sa pamamagitan ng paghingi ng inspirasyon mula sa Diyos. Halimbawa, maaaring manalangin at mabigyang-inspirasyon ang bishop na namumuno sa isang kongregasyon na hilingin sa isang partikular na babae na pamunuan ang organisasyon ng kababaihan na kilala bilang Relief Society. Ipagdarasal naman nito na malaman kung sino ang hihilingang tumulong sa kanya bilang mga tagapayo, secretary, at guro at sa iba pang mga tungkulin.