Mga Banal
Basahin ang nagbibigay-inspirasyong totoong kuwento ng mga kababaihan at kalalakihan na inilaan ang kanilang mga buhay sa pagtatatag ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang Tomo 1: Ang Pamantayan ng Katotohanan ay tumatalakay sa mga pinakaunang taon ng Simbahan hanggang taon 1846; ang Tomo 2: Mga Kamay na Di Pinaging Banal ay sinusundan ang tinahak ng mga pioneer hanggang taong 1893; ang Tomo 3: Magiting, Marangal, at Malaya ay sumubaybay sa paglago ng Simbahan sa modernong mundo na nagtatapos sa taong 1955; at ang Tomo 4: Mapakinggan ng Bawat Tainga ay sinasamahan ang mambabasa hanggang sa kasalukuyan, naglalakbay mula sa Brazil hanggang South Korea, sa Ghana, sa Tonga, at ilang dosenang iba pang mga bansa. Hanapin ang iyong lugar sa kuwento.
Tampok na mga Kuwento
Hindi alam kung saan magsisimula? Agad pumunta sa ilan sa pinakamamahal na mga tao at hindi malilimutang kuwento mula sa Mga Banal.
Isang hindi inaasahang tugon nang may isang young adult ang nakaiwan ng pahayag tungkol sa mag-anak sa kanyang kotse.
Isang kilalang siruhano ang nagsagawa ng operasyong nagligtas ng buhay ng isang Apostol.
Isang pagsiklab ng karahasan ang nagbanta sa Manila Philippines Temple.
Paano Kumuha ng Kopya
Ang Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw ay makukuha sa iba’t-ibang mga format. Pumili mula sa mga opsiyon sa listahan sa ibaba, at danasin ang mabilis na daloy ng salaysay na aakit sa mga mambabasa at magpapalakas ng pananampalataya sa mga tahanan at pamilya.