“Pambungad sa Mga Awit, Bahagi 1: Mga Propesiya tungkol kay Jesucristo sa Mga Awit,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Pambungad sa Mga Awit, Bahagi 1: Mga Propesiya tungkol kay Jesucristo sa Mga Awit,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Mga Awit 1–2; 8; 19–33; 40; 46: Lesson 100
Pambungad sa Mga Awit, Bahagi 1
Mga propesiya tungkol kay Jesucristo sa Mga Awit
Ano ang itinuturo sa iyo ng mga paborito mong himno tungkol kay Jesucristo?Ang mga himno ay nagbigay-daan sa mga musikero at makata na ipahayag ang kanilang mga nadarama tungkol sa Tagapagligtas sa loob ng maraming siglo.Tulad ng maraming modernong himno, ang ilan sa mga awit ay nagtuturo at nagpapatotoo tungkol sa buhay at misyon ng Tagapagligtas.Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na mas maunawaan ang buhay at misyon ni Jesucristo gaya ng ipinropesiya sa Mga Awit.
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan kung paano nagtuturo at nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo ang kanilang mga paboritong himno.Anyayahan silang maghandang magbahagi sa klase ng paboritong himno tungkol kay Jesucristo.Kung sa palagay ng mga estudyante ay wala silang paboritong himno, sabihin sa kanila na maghanap sa aklat ng himno ng mga kantang nagtuturo tungkol kay Jesucristo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Mga himnong nagtuturo tungkol kay Jesucristo
Ang paggamit ng sagradong musika sa klase ay maaaring makalikha ng pagpipitagan, makapag-anyaya ng Espiritu Santo, at makadagdag sa pagkakaisa.Magagamit din ang musika sa pag-uugnay ng mensahe ng mga himno sa mga katotohanang natututuhan ng mga estudyante.
Maaari kang gumamit ng sagradong musika upang simulan ang lesson na ito.Ang isang paraan ay anyayahan ang mga estudyante na saliksikin ang Mga Himno (1985) o Hymns—for Home and Church (2026).Anyayahan ang mga estudyante na pumili ng himno sa ilalim ng paksang “Jesucristo.”Bigyan ang mga estudyante ng ilang sandali upang basahin at pagnilayan ang mga titik ng himnong iyon.Maaari mong ituro ang mga pangalan ng may-akda at mga scripture reference sa ilalim ng musika at mga titik.Ipakita ang mga sumusunod na tanong at anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang kanilang mga sagot sa kapartner.
(Para sa karagdagang training sa paggamit ng sagradong musika sa klase, tingnan sa “Lumikha ng mga kapaligiran at oportunidad upang maturuan ng Espiritu Santo ang mga mag-aaral” sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro.)
-
Ano ang matututuhan natin tungkol sa Tagapagligtas at sa Kanyang buhay mula sa mga salita sa himnong ito?
-
May isa pa bang himno tungkol sa Tagapagligtas na may espesyal na kahulugan sa iyo?Kung oo, bakit?
Habang nag-aaral kayo ngayon, anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kayong makadama ang kapangyarihan ng mga salita at musika na nagtuturo at nagpapatotoo tungkol kay Jesucristo.
Ang aklat ng Mga Awit
Ang aklat ng Mga Awit ay isang koleksyon ng mga panalangin, tula, at himno na katulad ng ating modernong himnaryo sa ilang paraan.
Anyayahan ang mga estudyanteng buksan ang aklat ng Mga Awit.Bigyan ang mga estudyante ng dalawa hanggang tatlong minuto upang basahin nang pahapyaw ang ilan sa mga awit, at alamin ang pangkalahatang ideya.
-
Habang binabasa ninyo nang pahapyaw ang aklat, ano ang napansin ninyo sa Mga Awit na nagpapatangi rito?
-
Ano ang mga tanong ninyo tungkol sa aklat na ito?
Pahayaw na basahin ang Mga Awit 3, at markahan ang salitang Selah tuwing makikita ninyo ito.Bagama‘t hindi tiyak ang kahulugan ng Selah, maaaring senyales ito sa mang-aawit o mambabasa na huminto at magnilay (tulad ng musical rest).
Basahin ang Mga Awit 3, nang humihinto sa tuwing mababasa ninyo ang salitang Selah.Anyayahan ang Espiritu Santo na tulungan kang pagnilayan ang mga talatang ito.
-
Bakit maaaring nais ng may-akda na huminto tayo at magnilay sa mga bahaging ito?
-
Paano makatutulong o makapapanatag sa isang tinedyer ngayon ang pagninilay sa isa o mahigit pa sa mga bahaging ito?
Depende sa mga tanong at karanasan ng iyong klase, maaari mong maikling paliwanag ang tungkol sa ilan o ang lahat ng sumusunod:
-
Marami sa mga awit ay naiuugnay sa mga partikular na may-akda tulad ni David (Mga Awit 3).Hindi tukoy ang may-akda ng ibang awit (tingnan sa Mga Awit 1).
-
Makikita sa buong Mga Awit ang mga elemento ng tulang Hebreo.
-
Ang parallelism ay tula kung saan ang dalawa o mahigit pang taludtod ay may magkakaugnay na ideya (tingnan sa Mga Awit 29:4).
-
Ang pag-uulit ay isang instrumento ng tula sa Hebreo na nagbibigay-diin sa isang taludtod sa pamamagitan ng pag-uulit nito (tulad ng “Purihin siya” sa Mga Awit 150).
-
-
Sa wikang Hebreo, ang Mga Awit 119 ay isang halimbawa ng acrostic na tula.Ginagamit sa mga akrostik na tula ang unang titik ng bawat taludtod upang baybayin ang mga salita o ang alpabetong Hebreo.
-
Ang aklat ng Mga Awit ay binanggit sa Bagong Tipan nang mahigit 115 beses (tingnan sa Mga Awit 6:8 at Lucas 13:27).
-
Pagkatapos ng Huling Hapunan, umawit si Jesus at ang Kanyang mga disipulo ng isang himno (tingnan sa Mateo 26:30).Posibleng ito ay Mga Awit 113–118, ang “Hallel,” ang himnong tradisyonal na inaawit sa Paskua (tingnan sa Merrill J. Bateman, “The Power of Hymns,” Ensign, Hulyo 2001, 17).
Basahin ang Lucas 24:44, at alamin kung ano ang itinuro ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo tungkol sa mga awit pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli.
Sa pagsasalita tungkol sa isa sa pinakamahahalagang mensaheng matatagpuan sa aklat ng Mga Awit, itinuro ni Pangulong Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol:
Binanggit mismo ni Jesus ang aklat ng Mga Awit nang mas maraming beses kaysa sa anupamang teksto sa Lumang Tipan. …Maaaring maipagpalagay na sa buong Biblia, walang aklat ng banal na kasulatan ang malalim na tumatalakay tungkol sa misyon ng Mesiyas o sa pag-asam at pananabik sa Kanyang pagbabalik na ipinahayag sa mga kanta ng Mang-aawit.(For Times of Trouble: Spiritual Solace from the Psalms [2012], 7–8)
-
Ano ang natutuhan ninyo sa Lucas 24:44 at kay Pangulong Holland?Bakit makabuluhang pag-aralan ang aklat ng Mga Awit?
Tulungan ang mga estudyante na maunawaan na maaari tayong matuto tungkol sa buhay at misyon ni Jesucristo sa pamamagitan ng pag-aaral ng mga awit.Maaari mong isulat sa pisara ang katotohanang ito.
Mga Awit na nagpropesiya tungkol kay Jesucristo
Para matulungan ang mga estudyante na maunawaan ang ilan sa mga pahayag ng propeta sa Mga Awit tungkol sa buhay at misyon ni Jesucristo, ibigay ang ilan o ang lahat ng scripture reference sa ibaba.Ang sumusunod ay ilang paraan kung paano mo maaaring ipaaral sa iyong klase ang mga talatang ito:
-
Isulat ang mga pares ng talata sa mga piraso ng papel at ilagay ang bawat papel sa paligid ng silid.Bigyan ng oras ang mga estudyante na lumibot sa silid at basahin ang ilan sa mga propesiya at katuparan.
-
Paghaluin ang mga pares ng banal na kasulatan at anyayahan ang mga estudyante na itugma ang mga propesiya sa Mga Awit sa mga katuparan ng mga ito.
-
Ipakita lamang ang mga talata ng Mga Awit.Sabihin sa mga estudyante na gamitin ang mga footnote at iba pang tool sa pag-aaral ng mga banal na kasulatan para maghanap ng mga reperensya mula sa buhay ng Tagapagligtas na tumutupad sa bawat propesiya.
|
Mga Awit na nagpropesiya tungkol kay Jesucristo |
Natupad na propesiya |
|---|---|
Mga Awit na nagpropesiya tungkol kay Jesucristo Mga Awit 22:1 | Natupad na propesiya Mateo 27:46 |
Mga Awit na nagpropesiya tungkol kay Jesucristo Mga Awit 22:7–8 | Natupad na propesiya Mateo 27:41–43 |
Mga Awit na nagpropesiya tungkol kay Jesucristo Mga Awit 22:16 | Natupad na propesiya |
Mga Awit na nagpropesiya tungkol kay Jesucristo Mga Awit 22:18 | Natupad na propesiya Juan 19:23–24 |
Mga Awit na nagpropesiya tungkol kay Jesucristo Mga Awit 31:5 | Natupad na propesiya Lucas 23:46 |
Mga Awit na nagpropesiya tungkol kay Jesucristo Mga Awit 34:20 | Natupad na propesiya Juan 19:31–36 |
Mga Awit na nagpropesiya tungkol kay Jesucristo Mga Awit 41:9 | Natupad na propesiya Lucas 22:47–48; Mga Gawa 1:16–17 |
Mga Awit na nagpropesiya tungkol kay Jesucristo Mga Awit 69:20–21 | Natupad na propesiya Juan 19:28–29 |
Mga Awit na nagpropesiya tungkol kay Jesucristo Mga Awit 118:22 | Natupad na propesiya Mga Gawa 4:10–12 |
Mag-isip ng isang sitwasyong kinakaharap ninyo o ng isang mahal sa buhay kung saan makatutulong na malaman ang isang bagay na natutuhan ninyo tungkol sa buhay o misyon ng Tagapagligtas mula sa mga propesiyang ito.Isulat ang mga maiisip ninyo sa inyong study journal.
Para matulungan ang mga estudyante na mailarawan sa isipan ang katuparan ng ilan sa mga propesiya, maaari kang magpanood ng video na nagpapakita ng mga sandali sa buhay ng Tagapagligtas.Halimbawa, maaari mong gamitin ang “Wala sa Mundong Ito ang Aking Kaharian,” mula sa time code na 0:00 hanggang 3:18 ChurchofJesusChrist.org.Ang video na ito ay naglalarawan ng mga propesiya sa Mga Awit 22:1, 7–8, 16.
Habang pinapanood ng mga estudyante ang video, anyayahan sila na magtaas ng kanilang kamay kapag may natukoy silang pangyayari na ipinropesiya sa Mga Awit.Maaari mong i-pause ang video at anyayahan ang mga estudyante na ibahagi kung ano ang gusto nilang maunawaan ng isang tao tungkol sa sandaling ito sa buhay ng Tagapagligtas.
Ang buhay ni Jesucristo
Sabihin sa mga estudyante na ipakita ang kanilang pag-unawa sa buhay at misyon ng Tagapagligtas gaya ng ipinropesiya sa Mga Awit.Ang isang opsiyon ay ang pag-anyaya sa mga estudyante na talakayin ang mga sumusunod na tanong sa kapartner, maliit na grupo, o sa klase.
Pumili ng isa sa mga propesiya mula sa Mga Awit na nakita mong makabuluhan lalo na sa iyo.
-
Ano ang itinuturo sa iyo ng propesiyang ito tungkol kay Jesucristo?
-
Bakit mahalagang malaman ang natutuhan mo tungkol sa Kanya?
Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa buhay at misyon ni Jesucristo.Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na patuloy na maghanap ng mga reperensya tungkol kay Jesucristo habang pinag-aaralan nila ang aklat ng Mga Awit sa susunod na ilang linggo.Maaaring angkop na tapusin ang klase sa pamamagitan ng pag-awit o pakikinig ng isang himno tungkol sa Tagapagligtas, ayon sa pipiliin ng mga estudyante.
Sa Lesson 101: “Pambungad sa Mga Awit, Bahagi 2,” gagawa ang mga estudyante ng paghahayag ng kanilang pagmamahal at katapatan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo tulad ng ginawa ng mga Mang-aawit.Maaari mong anyayahan ang mga estudyante na simulan na itong pag-isipan ngayon.Sabihin sa kanila na pagnilayan kung ano ang nadarama nila tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at kung paano nila ipahahayag ang mga damdaming iyon.