“Ezra 1; 3–7; Nehemias 2; 4–6; 8: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Ezra 1; 3–7; Nehemias 2; 4–6; 8: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Ezra 1; 3–7; Nehemias 2; 4–6; 8
Ezra 1; 3–7; Nehemias 2; 4–6; 8
Buod
Noong mga 587 BC, sinakop ng mga taga-Babilonia ang Jerusalem, winasak nila ang templo, at dinala nila ang maraming bihag na Judio sa Babilonia.Pagkalipas ng ilang dekada, maraming Judio ang bumalik sa Jerusalem at napagtagumpayan ang mga paghihirap upang muling itayo ang templo at ang mga pader sa paligid ng Jerusalem.
Banggitin ang kanilang pangalan kapag ipinagdarasal sila.Ang pagbanggit sa pangalan ng mga estudyante kapag ipinagdarasal sila ay makatutulong na ihanda kang tumanggap ng inspirasyon para mas matulungan ang mga indibiduwal sa iyong klase na mas mapalapit sa Ama sa Langit at kay Jesucristo.Upang malaman ang iba pa, tingnan ang “Nanalangin ang Tagapagligtas para sa mga Tinuruan Niya” sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas.Para sa karagdagang pagsasanay, tingnan ang “Banggitin ang kanilang pangalan kapag ipinagdarasal sila” sa Mga Kasanayan para sa Pag-unlad ng Guro.
Maghandang magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Ezra
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring maghandang sambahin ang Panginoon sa Kanyang banal na templo.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng listahan ng mga panandalian at pangmatagalang bagay na maaari nilang gawin para maghandang sambahin ang Panginoon sa templo.Maaari nilang pag-isipan kung paano makaaapekto ang kanilang paghahanda sa kanilang karanasan sa templo.
-
Larawan: Ang Salt Lake Temple bago ang panahon kung kailan ito unang inilaan
-
Video: “Hearts, Love, and the Temple” (24:33) mula sa time code na 21:46 hanggang 24:05
-
Nilalamang ipapakita: Mga tanong sa huling bahagi ng lesson
Nehemias
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na manatiling nakatuon sa gawaing ipinapagawa sa kanila ng Ama sa Langit.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na pumasok sa klase na may listahan ng tatlong bagay na sa palagay nila ay gusto ng Ama sa Langit na pagtuunan nila: isang bagay para sa linggong ito, isa para sa susunod na ilang taon, at isa para sa buhay nila kalaunan.Maaari mong imungkahi sa mga estudyante na mayroon nang patriarchal blessing na basahin itong muli bago gawin ang kanilang listahan.
-
Mga Video: “Doing What Matters Most” (1:42); “The Soul’s Sincere Desire” (3:28)
-
Nilalamang ipapakita: Dalawang pahayag mula kay Elder Dieter F. Uchtdorf; mga tagubilin para sa isang aktibidad sa pag-aaral
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Sapat na bilang ng mga blangkong papel para magkaroon nito ang bawat isa sa maliliit na grupo ng mga estudyante