“Ezra: Paghahandang Dumalo sa Bahay ng Panginoon,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Ezra: Paghahandang Dumalo sa Bahay ng Panginoon,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Ezra 1; 3–7; Nehemias 2; 4–6; 8: Lesson 92
Ezra
Paghahandang Dumalo sa Bahay ng Panginoon
Ang antas ng ating paghahanda para sa mahahalagang pangyayari sa ating buhay ay maaaring lubos na makaapekto sa karanasang mayroon tayo.Maraming Israelita ang nakaranas ng matinding kagalakan pagkalipas ng ilang taon na pisikal at espirituwal na paghahanda upang muling itayo at sumamba sa templo ng Diyos.Pinagpala rin tayo ng ating Ama sa Langit at Tagapagligtas ng mga pagkakataong makaranas ng kagalakan sa pamamagitan ng pagsamba sa bahay ng Panginoon.Ang ating mga pagsisikap na maghanda para sa pagpapalang iyon ay maaaring makaapekto sa ating karanasan.Makatutulong ang lesson na ito sa mga estudyante na makadama ng mas matinding hangaring maghandang sambahin ang Panginoon sa Kanyang banal na templo.
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na gumawa ng listahan ng mga panandalian at pangmatagalang bagay na maaari nilang gawin para maghandang sambahin ang Panginoon sa templo.Maaari nilang pag-isipan kung paano makaaapekto ang kanilang paghahanda sa kanilang karanasan sa templo.
Mga Posibleng Aktibidad sa Pag-aaral
Nasasabik na dumalo sa templo
Maaari mong simulan ang klase sa pamamagitan ng pag-anyaya sa mga estudyante na isulat sa pisara ang ilang kaganapan sa hinaharap na nasasabik silang maranasan.Maaaring kabilang sa mga halimbawa ang graduation, kasal, at mga propesyon.Pagkatapos ay maaaring pumili ang mga estudyante ng isang kaganapan sa pisara at ibahagi sa isang kapartner ang isa o dalawang bagay na maaaring gawin ng isang tao upang makapaghanda para sa kaganapang iyon.
Maaari mong ipakita ang sumusunod na larawan ng templo sa Salt Lake noong halos handa na itong ilaan noong 1890s.
Basahin ang sumusunod na pahayag ni Pangulong Wilford Woodruff (1807–98), at alamin ang isang bagay na maraming taon na niyang pinaghahandaan at kinasasabikan.
[Sa paglalaan ng Salt Lake temple], tumayo si Pangulong Wilford Woodruff upang magbigay ng mensahe sa mga Banal.“Kinasasabikan ko ang araw na ito sa nakaraang limampung taon ng buhay ko,” sabi niya.(Mga Banal: Ang Kuwento ng Simbahan ni Jesucristo sa mga Huling Araw, Tomo 2, Walang Kamay na Di Pinaging Banal, 1846–1893 [2020], 815–16)
-
Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa mga templo na maaaring naging dahilan ng pagkasabik ni Wilford Woodruff sa pagtatapos ng Salt Lake temple?
Kung hindi binanggit ng mga estudyante ang Diyos habang sinasagot nila ang naunang tanong, maaari mo silang tulungang maiugnay iyon sa pamamagitan ng pagtatanong ng tulad ng, “Ano ang nakikita mong koneksyon ng pagdalo sa templo at ng ating ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo?”
Anyayahan ang mga estudyante na isulat ang kanilang mga saloobin tungkol sa mga sumusunod na tanong sa kanilang study journal.Maaari mong ipaliwanag na ang paglalaan ng oras upang pagnilayan ang ating kasalukuyang mga nadarama at karanasan ay makatutulong sa paghahanda sa atin na matuto mula sa Espiritu Santo.
-
Ano ang mga nadarama ko habang inaasam kong dumalo sa templo sa hinaharap?
-
Ano ang ginagawa ko upang maihanda ang aking sarili na sambahin ang Panginoon sa Kanyang bahay?
Kagalakan sa paglilingkod sa templo
Noong mga 605 BC, sinakop ng mga taga-Babilonia ang Jerusalem at sinimulan nilang ipatapon ang mga bihag na Judio sa Babilonia.Noong 587 BC, sinira nila ang templo, at nadagdagan ang mga ipinatapon.Pagkalipas ng mga 50 taon, sinakop ng Persia ang Babilonia sa ilalim ng pamumuno ni Haring Ciro.
Kung may maaalala ang iyong mga estudyante tungkol sa isang templong naibalitang itatayo sa kanilang lugar, maaari mong ipaalala sa kanila ang karanasang iyon habang binabasa nila ang mga sumusunod na talata.O maaari mong hilingin sa mga estudyante na subukang isipin kung ano ang mararamdaman nila kung may ibinalitang templo na itatayo sa kanilang lugar.
Basahin ang Ezra 1:1–3, at alamin kung ano ang ginawa ni Haring Ciro dahil nabigyang-inspirasyon siya ng Diyos.
-
Sa inyong palagay, ano ang mga naisip at nadama ng mga Judio?Bakit?
Kalaunan, humigit-kumulang 50,000 Judio ang bumalik sa Jerusalem upang muling itayo ang templo sa ilalim ng pamumuno ni Zerubabel (tingnan sa Ezra 2:1–2, 64–65).Bilang katuparan ng propesiya (tingnan sa Isaias 44:28; Jeremias 29:10), muling itinayo ang templo 70 taon matapos itong wasakin.
Basahin ang Ezra 6:15–16, 22 at markahan ang nadama ng mga Judio nang sa wakas ay inilaan ang templo matapos ang maraming taon ng pagsisikap at espirituwal na paghahanda.
Habang patuloy na pinag-aaralan ng mga estudyante ang salaysay ng mga tao sa Ezra, anyayahan silang maghanap ng katibayan ng katotohanang ito: Habang naghahanda tayong sambahin ang Panginoon sa templo, pagpapalain Niya tayo ng kagalakan Maaari mong isulat ang katotohanang ito sa pisara.
Tulungan ang mga estudyante na maunawaan kung ano ang maaaring maidulot ng katotohanang ito sa buhay ng isang tinedyer.Ang isang paraan upang magawa ito ay sa pamamagitan ng pag-anyaya sa klase na magbigay ng maikling paglalarawan tungkol sa dalawang tinedyer: isang dumadalo lang sa templo at isang naghahandang sambahin ang Panginoon sa templo.
Bago itanong ang sumusunod, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na pagnilayan ang mga karanasan nila sa paghahanda, o pagdalo sa templo.
-
Paano nagdudulot ng kagalakan sa atin ang pagsamba sa Panginoon sa templo?
Para mabigyan ang mga estudyante ng halimbawa kung paano nagdudulot ng kagalakan ang pagsamba sa Panginoon sa templo, maaari mong ipanood ang karanasan ni Elder Kevin R. Duncan ng Pitumpu sa “Hearts, Love, and the Temple,” matatagpuan sa byui.edu/devotionals mula sa time code na 21:46 hanggang 24:05.
Pagkatapos ng video, maaari mong anyayahan ang mga estudyante na ibahagi kung paano mapapalakas ang ating ugnayan sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagsamba sa templo.
Paghahandang dumalo sa templo
Ang sumusunod na pahayag ay makatutulong sa mga estudyante na pagkatapos ng kanilang pag-aaral tungkol sa pagtatayo ng mga Judio ng templo sa Jerusalem ay talakayin naman ang tungkol sa kanilang sariling paghahandang sumamba sa templo.Maaaring isulat o iugnay ng mga estudyante ang pahayag sa kanilang mga banal na kasulatan sa tabi ng Ezra 6:15–16.
Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson:
Sa ilang aspeto, mas madaling magtayo ng templo kaysa maghanda ng mga tao para sa templo.(“Pangwakas na Mensahe,” Liahona, Nob. 2019, 122–23)
Anyayahan ang mga estudyante na ibahagi ang mga dahilan kung bakit maaaring mas madaling magtayo ng templo kaysa maging handa na sambahin ang Panginoon sa templo.
Matututuhan natin ang tungkol sa paghahandang sambahin ang Panginoon sa templo sa pamamagitan ng pag-aaral ng karanasan ng mga Judio sa muling pagtatayo ng templo sa Jerusalem.
Makatutulong ang kalakip na handout sa mga estudyante na makakita ng malaking kaugnayan sa aklat ni Ezra sa kanilang buhay sa pamamagitan ng paghahambing ng mga pagsisikap ng mga Judio na itayo ang templo sa ating mga paghahanda na sambahin ang Panginoon sa Kanyang mga templo.
Maaaring kumpletuhin ng mga estudyante ang handout sa maliliit na grupo.Para magawa ito, maaaring kumpletuhin ng bawat miyembro ng grupo ang isa o dalawang bahagi ng handout.Pagkatapos ay maaari nilang ibahagi sa kanilang grupo ang natutuhan nila.
Bilang alternatibo, maaari mong hatiin ang handout sa ilang bahagi at ilagay ang mga ito sa buong silid-aralan.Maaaring umikot ang mga grupo ng mga estudyante sa silid-aralan at kumpletuhin ang bawat bahagi ng handout, at sagutin ang mga tanong sa kanilang study journal.
Matapos makumpleto ng mga estudyante ang handout, tiyaking may oras sila upang talakayin ang mga kabatirang mahalaga para sa kanila.
Maaari mong ipakita ang mga sumusunod na tanong.Gumawa ng tatlong column sa pisara na may pamagat na “1,” “2,” at “3.”Anyayahan ang mga estudyante na isulat ang kanilang pangalan sa column sa ilalim ng numero ng tanong na handa silang sagutin.Anyayahan ang mga boluntaryo mula sa bawat column na ibahagi sa klase ang kanilang mga sagot.
-
Sa iyong palagay, paano makatutulong sa atin ang paghahandang dumalo sa bahay ng Panginoon na makaranas ng kagalakan habang dumadalo tayo sa templo?
-
Paano ka biniyayaan ng Panginoon ng kagalakan sa pagdalo mo sa templo?
-
Ano ang nalalaman mo tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo na makahihikayat sa iyo na maghandang dumalo sa Kanilang banal na bahay?
Maaari mong ibahagi ang iyong patotoo tungkol sa kagalakang natatanggap natin mula sa Panginoon kapag inihanda natin ang ating sarili na sambahin Siya sa templo.