“1 Mga Hari 12–13; 17–22: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“1 Mga Hari 12–13; 17–22: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
1 Mga Hari 12–13; 17–22
1 Mga Hari 12–13; 17–22
Buod
Sa panahon ng taggutom, hiniling ni propetang Elijah sa isang balo sa Zarefta na ibigay sa kanya ang huling natitira niyang pagkain. Ang balo ay kumilos nang may pananampalataya, at pinagpala siya ng Panginoon na hindi maubos ang kanyang langis at pagkain. Hinamon ni Elijah ang mga saserdote ni Baal sa isang paligsahan upang patunayan na ang Diyos ng Israel ang tanging tunay na Diyos. Nagpadala ang Panginoon ng apoy mula sa langit upang sagutin ang mga panalangin ni Elijah at manaig sa paligsahan.
Obserbahan ang mga katangiang tulad ng kay Cristo sa mga estudyante. Sa ating pagsisikap na tulungan ang mga estudyante na maging higit na katulad ni Jesucristo, ang pagbanggit sa mga katangiang tulad ng kay Cristo na nakikita natin sa kanila ay makatutulong sa kanila na makita ang malaking pag-unlad na nagagawa nila. Ang isang halimbawa ng kasanayang ito ay matatagpuan sa Lesson 82: “1 Mga Hari 18.” Para sa iba pang ideya kung paano makatanggap ng inspirasyon para matulungan ang mga estudyante na maging higit na katulad ni Jesucristo, tingnan sa “Tulungan ang mga Mag-aaral na Magsikap nang Mabuti na Maging Higit na Katulad ni Jesucristo” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas [2022], 9).
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
1 Mga Hari 17
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na kumilos nang may higit na pananampalataya sa Ama sa Langit at kay Jesucristo sa pamamagitan ng pagsunod sa mga salita ng mga propeta.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na tumukoy ng isang bagay na ninanais ng Panginoon na gawin natin sa pamamagitan ng Kanyang propeta at ng isang pangakong ibinigay Niya kung gagawin natin ito. Anyayahan ang mga estudyante na pumunta sa klase na handang magbahagi.
-
Nilalamang ipapakita: Ang matching activity na gagamitin para simulan ang lesson
-
Mga Video: “Elijah and the Widow of Zarephath,” (10:12) mula sa time code na 4:09 hanggang 10:06); “That Night My Family Had Sufficient” (1:47) o “Fathers and Sons” (5:42)
1 Mga Hari 18
Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na madama ang mas matinding hangaring sundin ang Panginoon.
-
Paghahanda ng estudyante: Anyayahan ang mga estudyante na isipin ang isa o mahigit pang pagkakataon sa kanilang buhay na alam nilang totoo ang Ama sa Langit o si Jesucristo, o nadama nila ang Kanilang kapangyarihan sa kanilang buhay. O maaari nilang isipin kung ano ang magagawa nila para malaman kung totoo ang Ama sa Langit at si Jesucristo at kung dapat ba Silang lubos na sundin.
-
Mga item na ihahanda: Gamit ang tape o iba pang resource, gumawa ng dalawang linya sa sahig, tulad ng mga arrow na nakaturo sa magkabilang direksyon; isang papel para sa bawat estudyante.
-
Mga Video: “Elijah and the Priests of Baal” (2:16); “His Grace: Choosing to Believe in God” (4:07) o “Faith Crisis: What Do We Do When We Feel Nothing?” (5:55)