“Mga Bilang 11–14; 21: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)
“Mga Bilang 11–14; 21: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan
Mga Bilang 11–14; 20–24; 27
Mga Bilang 11–14; 20–24; 27
Buod
Pagkatapos magsugo si Moises ng 12 espiya upang magdala ng balita tungkol sa lupain ng Canaan, dalawa lamang sa kanila, sina Caleb at Josue, ang may pananampalatayang matutulungan sila ng Panginoon na magtagumpay sa paglupig nito gaya ng ipinangako Niya. Bilang tugon, ipinahayag ng Panginoon na ang mga anak ng Israel ay magpapagala-gala sa ilang hanggang sa pumanaw ang mga nakatatanda, maliban sa dalawang espiya na iyon. Habang patuloy na nagpagala-gala ang mga tao sa ilang at nagreklamo laban sa Panginoon, nagpadala Siya ng mga makamandag na ahas. Kung titingin ang mga natuklaw ng mga ahas sa tansong ahas na nakapatong sa tikin bilang simbolo ng Tagapagligtas, sila ay gagaling.
Magpatotoo nang madalas, at anyayahan ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga nadama, naranasan, at patotoo. Kapag nagbahagi ang mga estudyante ng kanilang mga nadarama, karanasan, at patotoo, patototohanan ng Espiritu Santo ang katotohanan ng sinasabi nila, kapwa sa kanilang sariling puso at isipan at gayundin sa iba. Upang matuto pa tungkol sa kapangyarihan ng pagbabahagi ng patotoo, tingnan ang “Ang Tagapagligtas ay Nagpatotoo sa mga Tinuruan Niya” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, p. 18). Makakakita ng isang halimbawa ng kung paano ito gawin sa Lesson 57: “Mga Bilang 21.”
Maghandang Magturo
Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.
Mga Bilang 11–14
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na maunawaan kung paano tingnan ang kanilang mga hamon at pagsubok nang may higit na pananampalataya kay Jesucristo.
-
Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga balakid o hamong kasalukuyan nilang kinakaharap. Maaari nilang pagnilayan kung paano nila hinaharap ang mga ito nang may takot o may pananampalataya sa Panginoon.
-
Mga materyal para sa mga estudyante: Papel para sa bawat estudyante
Mga Bilang 21
Layunin ng lesson: Ang lesson na ito ay makatutulong sa mga estudyante na umasa kay Jesucristo nang may pananampalataya.
-
Paghahanda ng estudyante: Ipabasa sa mga estudyante ang Mga Bilang 21:7–9 at Alma 33:18–21, at alamin kung ano ang matututuhan natin mula sa salaysay na ito sa Lumang Tipan. Hikayatin ang mga estudyante na maging handang ibahagi sa klase ang natutuhan nila.
-
Mga larawang ipapakita: Isang larawan ng makamandag na ahas, larawan ni Jesucristo na nakapako sa krus, si Moises at ang ahas na tanso
-
Video: “Atonement: Not a One-Time Thing” (3:00)