Seminary
Genesis 37–41: Buod


“Genesis 37–41: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan (2026)

“Genesis 37–41: Buod,” Manwal ng Titser ng Seminary para sa Lumang Tipan

Genesis 37–41

Genesis 37–41

Buod

Kahit na ipinagbili bilang alipin sa Ehipto, pinaratangan nang mali, at ibinilanggo, si Jose ay namuhay nang matwid at nanampalataya sa Diyos. Dahil dito, pinagpala at tinulungan siya ng Panginoon sa pamamagitan ng kanyang mga pagsubok. Kalaunan ay ipinagkatiwala ni Faraon kay Jose ang paghahanda sa Ehipto para sa darating na taggutom.

icon ng seminaryTulungan ang mga Mag-aaral na Madama ang Pagmamahal, Kapangyarihan, at Awa ng Panginoon sa Kanilang Buhay. Makatutulong ang pag-anyaya sa mga estudyante na pagnilayan at ibahagi ang mga karanasan kung saan nakita nila ang pagmamahal, kapangyarihan, at awa ng Panginoon sa kanilang buhay upang mas mapalapit sa Kanya. Upang matutuhan ang iba pa, tingnan ang “Tulungan ang mga Mag-aaral na Madama ang Pagmamahal, Kapangyarihan, at Awa ng Panginoon sa Kanilang Buhay” (Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas, 8). Makikita ang isang halimbawa kung paano ito gawin sa Lesson 33: “Genesis 37–41.”

Maghandang magturo

Ang sumusunod na impormasyon ay nagbibigay sa iyo ng mga ideya sa kung ano ang maaaring kailangan mong ihanda nang maaga para sa bawat lesson.

Genesis 37–41

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na makadama ng pag-asa na magagamit ng Diyos ang kanilang mga pagsubok upang pagpalain ang kanilang buhay.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin ang mga pagsubok o hamon na naranasan o maaari nilang kaharapin. Anyayahan silang pumasok sa klase na handang ibahagi kung paano magagamit o ginamit ng Panginoon ang mga hamon upang pagpalain ang kanilang buhay.

  • Mga larawang ipapakita: Isang asno, si Jose na tumatanggap ng mahabang damit, si Jose bilang alipin, si Jose at ang asawa ni Potifar, si Jose sa bilangguan, si Jose sa harapan ni Faraon

  • Nilalamang ipapakita: Mga tagubilin at tanong tungkol sa self-assessment sa simula ng lesson, mga tagubilin at tanong sa pagbabasa para sa isang aktibidad sa Genesis 39–41

  • Video:Faith Murray’s Story: Overcoming Adversity through Service” (4:52)

Genesis 39

Layunin ng lesson: Tulungan ang mga estudyante na maipakita ang kanilang katapatan sa Diyos sa pamamagitan ng paglaban sa tukso na labagin ang batas ng kalinisang-puri.

  • Paghahanda ng estudyante: Sabihin sa mga estudyante na isipin na kunwari ay hiniling sa kanila na pangunahan ang isang talakayan sa kanilang klase sa Sunday School tungkol sa iba’t ibang paraan na mapaglalabanan nila ang mga tukso ni Satanas. Sabihin sa mga estudyante na mag-isip ng tatlong paraan na ibabahagi nila sa kanilang klase.

  • Mga materyal para sa mga estudyante: Papel para sa bawat estudyante

  • Mga larawang ipapakita: si Jose na tumatanggap ng mahabang damit, si Jose bilang alipin, si Jose at ang asawa ni Potifar, si Jose sa bilangguan, si Jose sa harapan ni Faraon

  • Nilalamang ipapakita: Isang pahayag mula sa Para sa Lakas ng mga Kabataan: Isang Gabay sa Paggawa ng mga Pagpili

  • Handout:Pagpapalakas ng Ating Kakayahang Sundin ang Batas ng Kalinisang-puri

  • Video:Temptation Fades as We Seek Christ in Every Thought” (2:57)