Mga Hanbuk at Calling
5: Pagkamit sa Aking mga Mithiin


5

Pagkamit sa Aking mga Mithiin

Magreport:Ibahagi (o itala sa iyong journal) ang isang bagay na ginawa mo sa linggong ito para maging mas self-reliant. Paano ka tinulungan ng Panginoon?

Pagtatakda ng mga Mithiin na may Pinakamataas na Priyoridad

Basahin:Sa paglikha ng mga mithiin, isipin ang iyong mga priyoridad. Maraming mithiin ang makatutulong sa ating humusay pa, ngunit sa patnubay ng Panginoon maaari nating piliin ang pinakamagagandang mithiin para sa ating buhay.

Sinabi ni Elder Oaks: “Dapat [nating malaman] na hindi sapat na dahilan ang pagiging maganda para gawin ito. Ang magagandang bagay na magagawa natin ay higit pa ang dami kaysa libreng oras natin para magawa ang mga ito. May ilang bagay na mas maganda kaysa iba, at ito ang mga bagay na dapat nating unahin sa ating buhay” (“Maganda, Mas Maganda, Pinakamaganda,” Ensign o Liahona, Nob. 2007, 104).

Ang mga mithiin ay pinakamabisa kapag pinupukaw, hinahamon, at hinihikayat tayo nito. Habang gumagawa o pinagbubuti mo ang inyong mga mithiin, tukuyin mo ang gusto mong makamit, lumikha ng ilang paraan upang masukat ang iyong pag-unlad, at gumawa ng time line para makamit ito.

Activity:Rebyuhin sandali ang mga mithiing itinakda mo gamit ang Aking Plano sa iyong misyon. Kung hindi mo sinimulan ang Aking Plano habang nasa misyon ka, rebyuhin ang worksheet sa likod ng manwal na ito.

pag-aaral ng banal na kasulatan

Pinamataas na Mithiin: Pakikipagdeyt at Pag-aasawa

Basahin:Ang kasal na walang hanggan ay napakahalagang bahagi ng plano ng Diyos para sa Kanyang mga anak. Kung ikaw ay nakibahagi sa Aking Plano habang nasa misyon ka, maaalala mo kung paanong ang isa sa mga pinakamahalagang layunin ng iyong misyon ay para maihanda ka sa pagkakaroon ng walang-hanggang pamilya. Sa lahat ng iyong mga mithiin, ang kasal na ibinuklod sa templo ang dapat na pinakamataas na priyoridad. Sa pagbaling mo sa maiinam na personal na mga hangarin, tulad ng pag-aaral at propesyon o trabaho, maaaring madaling hayaang maging hadlang ang iba pang mga priyoridad. Ang pag-aasawa ay nagbibigay ng mga oportunidad para sa personal at espirituwal na pag-unlad na hindi maaaring matamo sa ibang paraan. Ito ang dahilan kung bakit pinapayuhan ng mga propeta ang mga returned missionary na aktibong hangarin ang pag-aasawa.

Sinabi ni Pangulong Thomas S. Monson: “Alam ko na maraming dahilan kaya kayo atubiling gumawa ng hakbang para makapag-asawa. … Marahil ay natatakot kayong magkamali sa pagpili. Ang masasabi ko rito ay kailangan ninyong sumampalataya” (“Kapangyarihan ng Priesthood,” Ensign o Liahona, Mayo 2011, 67).

Ipinahayag ni Elder M. Russell Ballard: “Kayong mga single adult ay kailangang magdeyt at mag-asawa o magpakasal. Huwag na sana kayong magpaliban! … Maiiwasan ninyo ang maraming problemang nararanasan ninyo kung kayo ay ‘sabik sa paggawa’ ng matwid na pakikipagdeyt, panliligaw, at pag-aasawa” (“Young Adults,” 69).

Itinuro ni Elder Richard G. Scott: “Kung kayo ay wala pang asawa at wala pang napili para sa selestiyal na kasal, pagsikapan ito. Ipanalangin ito. Asahan ito sa takdang oras ng Panginoon. … Sinabi ng Kanyang mga propeta na mapapasainyo ang pagpapalang iyon kapag namumuhay kayo na palaging karapat-dapat para dito. Hindi natin alam kung mangyayari ito sa buhay na ito o sa kabilang panig ng tabing. Ngunit ipamuhay ito. Ipagdasal ito” (“Receive the Temple Blessings,” Ensign, Mayo 1999, 27).

Pag-isipang mabuti:Paano mo mas maipapakita ang iyong pananampalataya sa paghahanap ng mapapangasawa? Ano ang ibig sabihin ng “asahan ang kasal o pag-aasawa sa takdang oras ng Panginoon”? Ano ang ibig sabihin ng mamuhay at manalangin para sa kasal? Paano mo mapalalakas ang iyong hangaring makasal sa templo?

larawan ng Quetzaltenango Guatemala Temple

Pagkamit sa Iyong mga Mithiin

Basahin:Kahit gumagawa tayo ng mabubuting mithiin, hindi natin palaging nakakamtan ang mga ito. Maraming dahilan kung bakit hindi ito maaaring mangyari, pero marahil natutuhan mo na, sa iyong misyon o sa iba pang mga karanasan, ang ilang paraan para manatili ka sa tamang landas. Itala sa iyong journal ang mga ideya mo.

Isulat ang Iyong mga Mithiin

Basahin:Ito ang ipinayo ni Elder M. Russell Ballard tungkol sa pananatili sa landas ng iyong mga plano: “Imumungkahi ko na kung gusto ninyong maging matagumpay sa proseso ng pagtatakda ng mithiin, matuto kayong … ilagay ang mga ito sa isang lugar na laging nakikita—sa salamin o sa pinto ng refrigerator. Lagi ninyong tingnan ang inyong mga mithiin, na nakasulat. At, sa hangaring makamit ang isinulat mong mga mithiin, magiging mas handa kang gawin ang nararapat na kailangang gawin ng mga taong nagtatagumpay sa pagkakamit ng mithiin” (“Make a Difference,” 70).

Talakayin:Paano mo “laging makikita o matitingnan ang iyong mga mithiin,” tulad ng ipinayo ni Elder Ballard?

Magpakita ng Pananampalataya, Pagsisisi, at Disiplina sa Sarili

Basahin:Upang matagumpay na gawin ang mga mithiin, kailangan kang manampalataya sa Diyos at manalig sa iyong sarili, at dapat kang magkaroon ng disiplina sa sarili sa pagsisikap na kamtin ang iyong mga mithiin.

Itinuro pa ni Elder Ballard: “Kailangan nating manampalataya. Kailangan nating manampalataya sa Diyos. Kailangan nating manampalataya sa Panginoong Jesucristo. At, ah, kailangang-kailangan nating magtiwala sa ating sarili! … Kapag nagtakda kayo ng mithiin at nangakong disiplinahin ang inyong sarili para marating ang mithiing iyon, mawawala ang karamihan sa mga problema ninyo sa buhay. Gugulin ang inyong lakas sa paggawa ng mga bagay na magdudulot ng kaibhan” (“Make a Difference,” 71, 72).

Pag-isipang Mabuti:Ano ang ibig sabihin ng magtiwala sa iyong sarili? Paano mababago ng pagtitiwala sa iyong sarili ang paraan mo ng paggugol ng iyong oras?

Maging Masigasig at Matiyaga

Basahin:Ibinigay ni Pangulong Uchtdorf ang payong ito:

“Natutuhan ko na ang pagtitiyaga ay higit pa sa simpleng paghihintay na may mangyari—kailangan mo ng aktibong pagsisikap sa makabuluhang mga mithiin, at huwag mawalan ng pag-asa kapag hindi dumating kaagad o nang walang hirap ang mga resulta.

“May mahalagang konsepto rito: ang pagtitiyaga ay hindi pagsuko nang walang ginagawa, ni pagkabigong kumilos dahil sa ating takot. Ang pagtitiyaga ay aktibong paghihintay at pagtitiis. Ito ay pananatili sa isang bagay at paggawa ng lahat ng kaya natin—pagsisikap, pag-asam, at pagsampalataya; pagtitiis ng hirap nang may tapang, kahit maantala ang mga hangarin ng ating puso. Ang pagtitiyaga ay hindi lamang pagtitiis; iyon ay pagtitiis nang husto!” (“Patuloy na Magtiyaga,” Ensign o Liahona, Mayo 2010, 57).

Pag-isipang Mabuti:Mayroon ka bang mahahalagang mithiin na alam mong mangangailangan ng mahabang panahon para makamtan ito? Ano ang ilang bagay na magagawa mo para mahikayat ka?

Gumawa ng Tukoy na mga Plano

Basahin:Para mas malamang na makamit mo ang iyong mga mithiin, gumawa ng tukoy na mga plano na may malilinaw na hakbang.

Basahin ang mga halimbawa ng mga mithiin sa tsart na ito. Pansinin kung paanong ang bawat mithiin ay may tukoy na plano, time line o panahon, at kung kanino magrereport.

Mithiin

Partikular na mga Hakbang para Makamit ang Mithiin

Time Line

Kanino Ako Magrereport

Pag-aaralan ko ang mga banal na kasulatan nang 30 minuto bawat araw.

  1. Gumising nang alas-6:00 n.u. araw-araw.

  2. Basahin ang mga banal na kasulatan bago kumain ng almusal.

  3. Subaybayan ang pag-unlad sa isang tsart.

Ie-evaluate ko ang progreso ko sa isang buwan.

Ibabahagi ko ang aking progress chart sa isang mentor.

Kikita ako ng sapat na pera para makapagsimulang mag-aral sa loob ng anim na buwan.

  1. Tukuyin ang 10 kumpanya kung saan gusto kong magtrabaho.

  2. Bisitahin ang bawat kumpanya at magtanong kung may bakante.

Bisitahin ang bawat kumpanya sa susunod na tatlong araw.

Magrereport ako sa aking mentor.

    Mangakong Gawin:
  • Rebyuhin sandali ang mga mithiing itinakda mo sa iyong misyon gamit ang Aking Plano. Kung hindi mo sinimulan ang Aking Plano habang nasa misyon ka, rebyuhin ang worksheet sa likod ng manwal na ito.

  • Lumikha ng mithiin para sa isang bagay na gusto mong maisagawa sa buwang ito. Bawat araw, pag-aralan ang iyong mithiin at partikular na mga plano. Kumilos ayon sa iyong mga impresyon at masigasig na magtrabaho upang maisagawa ito.

  • Ibahagi ang natutuhan mo ngayon sa isa pang returned missionary, sa isa pang young single adult, o sa isang miyembro ng inyong pamilya.