9
Habambuhay na Paglilingkod
-
Magreport:Ibahagi (o itala sa iyong journal) kung paano mo naprotektahan ang iyong espirituwalidad sa linggong ito. Paano lumago ang iyong pananampalataya?
Tatlong Susi para sa Isang Kumpletong Buhay
1. Isang Susi sa Tagumpay
-
Basahin:Itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf: “[Para sa inyo] na pinagsisikapang makamit ang matwid na mithiing magtapos ng kurso at maghanap ng asawang makakasama nang walang-hanggan. Matwid ang mga hangaring ito … ngunit tandaan: ang pagtatrabaho sa ubasan ng Panginoon ay lubos na makapagpapaganda ng inyong résumé at magpapalaki sa pagkakataon ninyong mapagtagumpayan ang dalawang matwid na hangaring ito” (“Dalawang Alituntunin para sa Alinmang Pamumuhay,” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 57).
-
Pag-isipang mabuti:Bakit ang paglilingkod sa ubasan ng Panginoon ay makadaragdag sa posibilidad kong magtagumpay sa iba pang aspeto ng buhay? Pinaglilingkuran ko ba ang Panginoon sa abot ng aking makakaya?
2. Isang Susi sa Kaligayahan
-
Basahin:Isipin ang sumusunod na halimbawa ng isang returned missionary na nalaman ang kahalagahan ng paglilingkod:
Isang araw, isang binatang returned missionary ang lumapit sa kanyang dating mission president na si Elder Don R. Clarke ng Pitumpu, para humingi ng payo. Ang binatang ito ay naging mahusay na missionary, masipag, matapat, at dedikado. At ngayon, ilang buwan matapos ang kanyang misyon, miserable ang kanyang buhay. Pagkatapos ipaliwanag ang lahat ng kanyang mga pinagdadaanang hirap at pag-aalala, sinabi ni President Clarke, “Elder, magpunta ka sa ospital para dalawin ang maysakit at maglingkod sa iba linggu-linggo.”
-
Talakayin:Paano makatutulong sa problema ng returned missionary na ito ang payo ni Elder Clark? Ano ang kaugnayan ng paglilingkod sa iyong espirituwal na pag-unlad?
3. Isang Susi para Manatili ang Kapatawaran ng Kasalanan
-
Basahin:Ang mga banal na kasulatan ay may karagdagang paliwanag tungkol sa kahalagahan ng paglilingkod sa iba.
Nang turuan ni Haring Benjamin ang kanyang mga tao, gusto niyang maunawaan nila ang kapangyarihan ng Pagbabayad-sala ni Jesucristo at na ang paglilingkod ay tumutulong para matanggap natin ang lubos na kapangyarihan ng Pagbabayad-sala sa ating buhay:
“At ngayon, alang-alang sa mga bagay na ito na aking sinabi sa inyo—na, alang-alang sa pananatili ng kapatawaran ng inyong mga kasalanan sa araw-araw, upang kayo ay makalakad nang walang kasalanan sa harapan ng Diyos—nais kong ibahagi ninyo ang inyong kabuhayan sa mga maralita, bawat tao alinsunod sa kung ano ang mayroon siya, … at [mangasiwa para] sa kanilang ikagiginhawa, kapwa [sa] espirituwal at temporal, alinsunod sa kanilang mga pangangailangan” (Mosias 4:26; tingnan din sa Alma 34:29).
-
Talakayin:Anong mga pagpapala ng paglilingkod ang ipinangako ni Haring Benjamin? Bakit dumarating ang pagpapalang ito dahil sa paglilingkod?
Isang Paanyaya na Patuloy na Maglingkod
-
Basahin:Itinuro ni Pangulong Thomas S. Monson:
“Itinuro ng Tagapagligtas sa Kanyang mga disipulo, ‘Sapagka’t ang sinomang magibig iligtas ang kaniyang buhay, ay mawawalan nito; datapuwa’t sinomang mawalan ng kaniyang buhay dahil sa akin, ay maililigtas nito yaon.’
“Naniniwala ako na sinasabi sa atin ng Tagapaglitas na maliban na kalimutan natin ang ating sarili sa paglilingkod sa iba ay kaunti lamang ang layunin ng ating buhay. Ang mga nabubuhay para sa sarili lamang nila ay nangunguluntoy at nawawalan ng buhay, samantalang ang mga lumilimot sa kanilang sarili sa paglilingkod sa iba ay umuunlad at nananagana—at tunay na naliligtas ang kanilang buhay” (“Ano ang Nagawa Ko Ngayon para sa Isang Tao?” Ensign o Liahona, Nob. 2009, 85).
Sa pag-uwi, naniniwala ang maraming returned missionary na ngayon na nakauwi na sila, sila ay babalik na sa “totoong mundo.” Pero hindi ito tama. Hindi kayo kailangang maging bahagi ng daigdig na ito kailanman; dapat kayong maging angat at magliwanag sa sanlibutan (tingnan sa Mateo 5:16). Rebyuhin ang mga planong ginawa mo sa katapusan ng iyong misyon para patuloy na maglingkod sa iba.
Isipin ang sumusunod na halimbawa ng isang returned missionary na nagngangalang Francis:
Si Francis ay nakatira sa Africa. Pagkauwi mula sa kanyang misyon, gusto niyang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral pero wala siyang pera. Gusto rin niyang mag-asawa na pero hindi pa niya kaya.
Gumawa siya ng plano at nanghiram ng kaunting pera para makapagsimula ng negosyo upang kumita ng perang kailangan niya. Gayunman, nalugi ang negosyo. Kakaunti lang ang pera ni Francis kaya’t sa huli ay sa kalye na siya nakatira at hindi lamang walang trabaho kundi may utang pa. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nagpunta siya sa templo para humingi ng patnubay. Habang naroon, narinig niya ang apat na salita: “Magtiwala ka sa akin!”
Kalaunan nadama ni Francis na magpakilala sa isang lider ng Simbahan. Sinabi ni Francis sa lider ng Simbahan ang tungkol sa kanyang mga hamon at pangarap, at tinulungan siya ng miyembro na makahanap ng part-time na trabaho. Naging napakasipag ni Francis sa trabaho at naging napakahusay niya kaya inalok siya ng kanyang amo na magtrabaho ng full-time. Patuloy siyang naging masigasig sa trabaho at di-nagtagal ay na-promote siya. Patuloy na humanga ang kanyang amo sa kasigasigan ni Francis, at pumayag siyang tulungan si Francis sa pagbabayad upang matapos ang kanyang undergraduate degree at makapag-aral sa law school habang nagtatrabaho siya.
Nang simulan ni Francis ang kanyang part-time na trabaho, nadama rin niya na dapat niyang ituloy ang planong magpakasal sa templo. Hindi nagtagal, tinulungan ni Francis ang kanyang asawa na makahanap ng trabaho, at magkasama nilang binayaran ang kanilang utang at nagplanong magsimula ng pamilya. Nadama rin ni Francis na kailangan niyang tulungan ang iba na katulad niya. Masigasig siyang nanalangin upang malaman kung ano ang gagawin. Ipinadama sa kanya ng Espiritu na gamitin ang kanyang libreng oras at mga talento sa pagsulat ng dalawang aklat na ngayon ay bahagi na ng kurikulum ng lokal na paaralan, gayundin ng teksto para makatulong sa pagtuturong bumasa at sumulat sa kanyang bayan. Kalaunan ay naging bishop siya at nagpatuloy na maglingkod nang tapat sa simbahan.
-
Pag-isipang Mabuti:Ano ang mga alituntunin na ginamit ni Francis para mas mapabuti ang kanyang sariling buhay? Paano ka pinagpala ng Panginoon dahil sa paglilingkod sa Kanyang mga anak?
-
Basahin:Nais ng Panginoon na patuloy mong ipamuhay ang mga alituntunin na naglapit sa iyo sa Kanya sa iyong misyon. Gawin ang lahat ng makakaya mo upang maiwasan ang pagiging mababaw ng pakikipag-ugnayan mo sa Panginoon. Ikaw ay may habambuhay na misyon na maging ang taong gusto ni Cristo na maging at tulungan ang iba na gawin din iyon. Habang masigasig mong hinahangad ang Kanyang patnubay, pagpapalain ka ng Panginoon ng higit na pagkaunawa sa layunin ng iyong buhay. Pagpapalain ka Niya ng mga pagkakataong mapaglingkuran at mapasigla ang iba.
-
Activity:Gumawa ng plano na paglingkuran ang iba:
-
Sa iyong journal, isulat ang partikular na mga paraan na makapaglilingkod ka sa iba sa bawat linggo sa ilalim ng heading na pinamagatang “Weekly Service Plan.” Pag-isipan ang sumusunod habang isinusulat mo ang iyong plano:
-
Gaano karaming oras ang mailalaan ko bawat linggo sa paglilingkod sa iba?
-
Anong mga kasanayan at karanasan ang natamo ko sa aking misyon na naghanda sa akin para tumulong at maglingkod sa iba?
-
Ipagdasal na malaman kung may iba pang mga paraan ng paglilingkod na nais ng iyong Ama sa Langit na gawin mo sa panahong ito sa iyong buhay. Isulat ang anumang karagdagang mga ideya na natatamo mo sa iyong mga panalangin sa iyong Weekly Service Plan.
-
Mangakong gawin ang iyong Weekly Service Plan.
-
-
- Mangakong Gawin:
-
Kumpletuhin at kumilos ayon sa iyong plano na paglingkuran ang isang tao bawat linggo.
-
Kumpletuhin ang iyong worksheet na Aking Plano na nasa likod ng manwal na ito, at regular itong rebyuhin. Kung hindi mo pa nagagawa, maaari mo itong ibahagi sa isang miyembro ng pamilya.
-
Ibahagi ang natutuhan mo ngayon sa isa pang returned missionary, young single adult, o sa miyembro ng iyong pamilya.
-