Worksheet ng Aking Plano
Sa susunod na ilang linggo gagamitin mo ang worksheet na ito para pagbutihin pa ang planong inihanda mo sa iyong misyon o para gumawa ng plano ng gagawin mo sa buhay ngayon na nakauwi ka na.
1. Ano ang pinakamahahalagang aral na natutuhan ko sa aking misyon?
2. Ano ang ilan sa mga pinakamahalagang priyoridad ng aking buhay?
3. Ano ang layunin ng Diyos para sa aking buhay? Ano ang gagawin ko sa aking potensyal?
4. Anong mga hamon ang kinakaharap ko para makamit ang layunin ko?
5. Ano ang nakahihikayat sa akin na daigin ang tukso at mamuhay nang matwid upang magabayan at mapalakas ako ng Panginoon?
|
Bilugan ang ilan sa mga kasanayang natamo o napalakas mo sa iyong misyon. | ||
|---|---|---|
|
Kahusayan sa wika |
Paglapit sa mga estranghero |
Magandang pananaw |
|
Disiplina |
Pagtitiyaga (ang kakayahan sa pagharap sa pagtanggi) |
Pagtuturo ng mga bagong ideya |
|
Pagbibigay ng training sa iba |
Pamumuno |
Pagtutulungan |
|
Pakikibagay sa iba |
Responsibilidad para sa iba |
Paghahanap ng mga taong tuturuan |
|
Paglutas ng mga problema |
Pagbabadyet |
Paglilingkod |
|
Tapang, lakas-ng-loob |
Pisikal na pagtitiis/katatagan |
Pagkamalikhain |
|
Pagbuo ng mga ugnayan ng pagtitiwala sa mga tao |
Maaasahan |
Mabuting pagkatao |
|
Pamumuno sa mga miting |
Pagsasalita sa publiko |
Pagtatakda ng mga mithiin |
|
Maparaan |
Nagpaplano/organisado |
Pamamahala ng oras o panahon |
|
Pakikinig nang mabuti |
Masipag |
Mapagtiis |
|
Marunong magbasa |
Kasanayan sa pag-aaral |
Pagpapakumbaba |
|
Pagtanggap ng paghahayag |
Pag-asa sa takdang oras ng Panginoon |
Iba Pa: |
6. Paano ako matutulungan ng mga kasanayang ito na magtagumpay sa aking pag-aaral at trabaho sa hinaharap?
7. Magkano ang kailangan ng isang pamilya sa aking lugar bawat buwan para makapamuhay nang ligtas at disente?
8. Isulat ang tatlong trabaho na interesado ka. Subukan at kausapin ang mga tao na gumagawa sa mga trabahong ito. Itanong sa kanila, “Anong edukasyon, training, at karanasan ang kinailangan para matanggap ka sa trabaho? Ano ang pinaka-nakatutuwa at pinakamahirap na mga bahagi ng trabahong ito? Naglalaan ba ng sapat na kita ang trabahong ito para masuportahan ang isang pamilya?”
9. Ano ang gusto kong maabot sa espirituwal at temporal sa loob ng isang taon? Sa loob ng limang taon? Bakit?
10. Paano ako direktang nakikipagtulungan sa Panginoon para malutas ang aking mga problema?
11. Anong mga gawi mula sa aking misyon ang gusto kong ipagpatuloy ngayon na nakauwi na ako? Sino ang makakatulong sa akin at magbibigay sa akin ng pananagutan?
12. Anong payo ang natanggap ko mula sa aking mission president?
13. Ano ang ginagawa ko araw-araw para madama ang Espiritu sa aking buhay?