8
Pagtatagumpay sa Oposisyon
-
Magreport:Ibahagi (o itala sa iyong journal) ang isang karanasan mo sa paggamit ng isa sa resources na natukoy mo noong nakaraang linggo.
Ang mga Pagpapala ng Panginoon
-
Basahin:Itinuro ni Pangulong Thomas S. Monson ang sumusunod:
“Walang sinuman ang dumaraan sa buhay nang walang mga problema at hamon—at kung minsan mga trahedya at kamalasan. … Kahit magtipon ang mga ulap, kahit bumuhos sa atin ang mga ulan, ang ating kaalaman sa ebanghelyo at ating pagmamahal sa ating Ama sa Langit at sa ating Tagapagligtas ay aalo at magtataguyod sa atin at magdudulot ng kagalakan sa ating mga puso habang lumalakad tayo nang matuwid at sumusunod sa mga kautusan. Walang anumang bagay sa mundo na makadadaig sa atin. Minamahal kong mga kapatid, huwag matakot. Magalak. Ang hinaharap ay kasingliwanag ng inyong pananampalataya” (“Magalak,” Ensign o Liahona, Mayo 2009, 89, 92).
Itinuro sa atin ng Panginoon na ang pagharap sa oposisyon ay mahalagang bahagi ng ating mortal na karanasan. Ang mga pagsubok at oposisyon ay nagbibigay sa atin ng pagkakataong magkaroon ng pananampalataya at bumuo ng matatag na pagkatao. Kung walang mga pagsubok hindi natin kailanman maaabot ang kailangan ng ating Ama sa Langit na maging tayo.
-
Panoorin:“Jarem Frye: Amputee, Innovator, Mormon” sa srs.lds.org/mcm. (Walang video? Basahin ang sipi sa ibaba.)
Jarem Frye: “Nalaman namin na mayroon akong kanser sa buto [sa tuhod ko] at pagkatapos noon naging mabilis na ang mga pangyayari. Isinugod kami sa ospital at maraming ginawang pagsusuri. Wala kaming ideya kung ano ang aasahan. … Binigyan ako ng tatlong opsiyon: isang artipisyal na tuhod, papalitan ito ng buto ng isang donor, at pagputol. Sinuri ko ang mga opsiyon at pinili ko ang pagputol.
“Nakakatuwa talaga ang natanggap kong tawag sa telepono [noong] isang araw pa lang akong nakauwi mula sa ospital. Mula iyon sa pinakamatalik kong kaibigan. Ako ang sumagot sa telepono, at sinabi niya, ‘Hey, pupunta ka ba sa sayawan sa paaralan ngayong gabi?’ At sinabi ko, ‘Dude, kapuputol lang ng binti ko!’ At ang sagot niya, ‘Ay, oo, nakalimutan ko. Ano, pupunta ka ba?’ Mula nang sandaling iyon bumangon ako at sinabi kong, ‘Magpapakasaya ako sa buhay. Hindi ako titigil.’ Sinabihan ako na hindi na ako makakapagbisikleta, na hindi na ako makakapag-rock climbing o hindi ko na magagawa ang anumang bagay na mahalaga sa akin noon. Ngunit magmula noon nagawa ko ang lahat ng bagay na iyon. Hindi talaga ako tumigil. Hindi ko kailanman tinanggap na hindi ko magagawa ang isang bagay.
“Bilang 14-anyos na bata, na sinabihan na maaari akong mamatay anumang oras at nakita ko ang mga kaibigan na nakilala ko sa hospital na hindi na nakadalaw ulit dahil pumanaw na sila, at nakita ko kung gaano karupok ang buhay—ang hirap. … Pero may natutuhan akong aral na hindi ko malilimutan: kapag mahirap, kapag hindi mo alam kung saan babaling at walang makatwirang sagot, may sagot ako na talagang subok na—na magiging maayos ang mga bagay. Mahal ako ng Diyos at nais Niya ang pinakamainam para sa akin at Siya ay nagmamalasakit sa ating lahat, at kung magtitiwala lamang tayo sa Kanya, magiging maayos ang lahat. Tayong lahat ay magiging maayos.”
-
Talakayin:Ano ang papel ng mga pagsubok at oposisyon sa plano ng Ama sa Langit? Paano ka makapaghahanda sa pagharap sa mga hamon at pagsubok habang sinisikap mong makamit ang iyong mga mithiin at plano?
-
Basahin:At kapag sumasamo tayo na maibsan ang paghihirap ng ating katawan, isipan, at espiritu, maaaring pag-ibayuhin Niya ang ating determinasyon at katatagan. Maaari din Niyang pahintulutan na magdusa tayo nang walang kasalanan, tulad ni Job, upang madalisay Niya tayo na tulad ng ginto (tingnan sa Job 23:10). Ang mga pagpapalang mula sa mga dungawan ng langit ay maaaring mas may kakayahang baguhin ang ating kalagayan sa halip na umasang mababago ng isang tao o ibang bagay ang ating mga kalagayan.
-
Pag-isipang mabuti:Paano ka pinagpala ng Panginoon sa iyong personal na mga pagsubok at hamon?
Oposisyon mula sa Kaaway
-
Panoorin:“Cast Not Away Therefore Your Confidence” sa srs.lds.org/mcm. (Walang video? Basahin ang nakasulat sa ibaba.)
Elder Jeffrey R. Holland: “Matatandaan ninyo na nagsisimula ang aklat ni Moises noong siya’y dinala sa ‘napakataas na bundok’ kung saan, sinasabi ng banal na kasulatan na, ‘kanyang nakita ang Diyos nang harapan, at siya ay nakipag-usap sa kanya, at ang kaluwalhatian ng Diyos ay napasa kay Moises.’ …
“… Tunay na kahanga-hanga ang karanasang ito. Ito ang isa sa mga dakilang paghahayag na ibinigay sa kasaysayan ng tao. Tumatayo itong kasama ang mga pinakadakilang salaysay hinggil sa anumang karanasan ng propeta sa Diyos.
“Subalit ang mensahe sa inyo ni Moises ngayon ay: Huwag magpabaya. Huwag mag-akala na ang isang dakilang paghahayag, ang ilan ay kahanga-hanga, nakapagbibigay-liwanag na sandali, o ang pagbubukas ng isang binigyang-inspirasyong landas ang siyang katapusan nito. Tandaan, hindi pa tapos ang laban.
“Ang sumunod na nangyari kay Moises, pagkaraan ng oras ng paghahayag sa kanya, ay magiging nakatatawa kung hindi ito labis na mapanganib at tunay na tunay.
“‘Si Satanas ay sumigaw [nang may] malakas na tinig at naghuhumiyaw sa lupa, at nag-utos, sinasabing: Ako ang Bugtong na Anak, sambahin ako.
“‘Si Moises ay nagsimulang matakot nang labis; at habang siya ay nagsisimulang matakot, kanyang nakita ang kapaitan ng impiyerno. Gayon pa man, sa pananawagan sa Diyos [ang mismong katagang ginamit ni Joseph Smith], siya ay nakatanggap ng lakas.’ …
“… Hindi tayo maaaring sumali sa isang digmaan na walang-hanggan ang kahalagahan at walang-hanggan ang epekto nang hindi batid na pakikipaglaban ito—isang mabuting [pakikibaka] at isang [nananalong pakikipaglaban], ngunit pakikipaglaban pa rin ito. …
“Sa kanyang liham sa mga taga-Hebreo, sinikap ni Apostol Pablo na palakasin ang loob ng mga bagong miyembro na kasasapi pa lamang sa Simbahan … na walang dudang nagkaroon ng espirituwal na karanasan at natanggap ang dalisay na liwanag ng patotoo, at sa huli’y nalaman lamang na hindi nagwakas ang kanilang mga suliranin kundi ang ilan sa mga ito’y nagsisimula pa lang.
“Pagkatapos ay ang napakahalagang payo, na siyang diwa ng aking payo sa inyo ngayon: ‘Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala, na may dakilang ganting-pala. Sapagkat kayo’y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung inyong nagawa ang kalooban ng Diyos, ay magsitanggap kayo ng pangako.’
“Bilang mga Banal sa mga Huling Araw maaari nating ipahayag ang kaisipan nang ganito, talagang mahirap—bago kayo sumapi sa Simbahan, habang sumasapi, at pagkaraan ninyong sumapi. … Huwag sumuko kapag dumarami ang mga pasanin. Huwag na huwag magpatukso sa nilalang na iyon na nakatuon sa pagkawasak ng inyong kaligayahan. Harapin ang inyong mga pag-aalinlangan. Daigin ang inyong mga takot. ‘Huwag nga ninyong itakuwil ang inyong pagkakatiwala.’ Manatili sa daan at pagmasdan ang ganda ng buhay na binuksan para sa inyo” (“Huwag Nga Ninyong Itakuwil ang Inyong Pagkakatiwala” [Brigham Young University devotional, Mar. 2, 1999], speeches.byu.edu).
-
Basahin:Si Satanas ay masigasig na kumikilos para akayin tayo palayo sa landas at hadlangan tayo sa pagsasakatuparan ng gawain at plano ng Panginoon. Nais niyang linlangin, lituhin, guluhin, at pigilan kayo. Gusto niyang bigyang-katwiran ninyo ang kasalanan. Ginagawa niya ito sa pag-akit sa anumang kahinaan ng laman, kabilang na ang kapalaluan at mga hangarin para sa personal na kapakinabangan o ambisyon. Haharapin niya kayo at tatangkaing pagdudahin kayo sa inyong mga pinaniniwalaan at sa inyong pagkatao bilang anak ng ating Ama sa Langit. Habang sinisikap ninyong gumawa at tumupad ng mahahalagang espirituwal na pangako sa inyong buhay, sasalakayin niya kayo, tulad ng ginawa niya kay Moises (Moises 1:12–22), kay Jesucristo (Mateo 4:1–11), kay Joseph Smith (Joseph Smith—Kasaysayan 1:15), at marami pang iba.
-
Pag-isipang Mabuti:Paano ka makapaghahanda para maipagtanggol mo ang iyong sarili laban sa iba’t ibang paraan ng pagsalakay sa iyo ni Satanas?
-
- Activity:
-
Basahin at pagnilayan ang mga doktrina sa table sa ibaba.
-
Basahin ang “Mga Kasinungalingan ni Satanas Tungkol sa Doktrina” para maunawaan ang iba’t ibang pamamaraan na gamit ni Satanas para salakayin o hadlangan ang pananampalataya sa mahahalagang katotohanang ito.
-
Basahin at isulat ang karagdagang mga turo tungkol sa mga kasinungalingan ni Satanas. Ang mga turo ay matatagpuan sa ikatlong hanay sa table sa ibaba.
-
Isulat sa iyong journal ang karagdagang mga kasinungalingan na ginagamit ni Satanas para linlangin, guluhin, at pigilan tayo sa pagtanggap ng mga doktrina ng Panginoon.
Halimbawa 1
Halimbawa 2
Halimbawa 3
Doktrina
Ang Diyos ang aking Ama, at kilala at mahal Niya ako.
Si Jesucristo ay may kapangyarihan na iligtas ako pabalik sa aking Ama.
Dahil ako ay anak ng Diyos, ako ay maaaring mabiyayaan ng lahat ng kaloob at talento na kailangan para makabalik sa Kanyang piling.
Mga Kasinungalingan ni Satanas Tungkol sa Doktrina
Hindi sinasagot ng Diyos ang aking mga dalangin.
Napakahirap makita ang kaibhan ng Espiritu at ng sarili kong mga kaisipan at damdamin.
Kailangan kong gawin ito nang mag-isa.
Ganito na talaga ako; hindi na kailangang magsisi.
Hindi naman ako espesyal at kaunti lang ang mga talento ko.
Hindi talaga ako espirituwal; hindi ko kayang pakibagayan ang mga miyembro ng Simbahan.
Mas may malasakit ang Panginoon sa kalalakihan kaysa sa kababaihan.
Basahin at Itala ang mga Turo Tungkol sa Pag-iwas sa mga Kasinungalingan ni Satanas
David A. Bednar, “Sa Lakas ng Panginoon,” Ensign o Liahona, Nob. 2004, 76–78
Sheri L. Dew, “You Were Born to Lead, You Were Born for Glory,” Brigham Young University devotional, Dis. 9, 2003, speeches.byu.edu
-
Ang Tagapagligtas at ang Pagdaig sa Oposisyon
-
Basahin:Isang magandang ideya sa banal na kasulatan tungkol sa pagtitiis sa oposisyon ang nagmumula mismo sa Tagapagligtas. Hiniling sa Kanya ng Ama na bumaba sa pamamagitan at sa lahat ng bagay. Itinuturo ng mga banal na kasulatan na habang papalapit Siya sa Getsemani, Siya ay “nagtakang totoo” (Marcos 14:33) sa sakripisyo na ipinagagawa sa Kanya. Sa huli, hiniling Niya “na hindi [Niya] lagukin ang mapait na saro at manliit.” Gayunman, nagtiis Siya, nagbigay-papuri sa Ama, at “kumain,” o sumunod at “tinapos” ang lahat ng iniutos ng Ama sa Kanya (D at T 19:18–19).
Para maisakatuparan ang plano ng Ama para sa iyong buhay at maabot ang iyong malaking potensyal, kakailanganin mong umasa kay Jesus, na dumaig sa lahat ng bagay, upang makapagtiis at maisakatuparan ang anumang hinihingi Niya sa iyo.
Para mapaghandaan ang mga hirap na darating, maaari mong sikaping magkaroon ng mga gawi na magpapalakas sa iyo.
-
Pag-isipang Mabuti:Kasama ba sa aking mga mithiin ang pagkakaroon o pagpapanatili ng mga gawi na magbibigay sa akin ng kakayahan na umasa sa Tagapagligtas at madaig ang oposisyon na aking kakaharapin?
-
- Mangakong Gawin:
-
Sa iyong misyon, nang nakipagtulungan ka sa iba para mapalakas ang kanilang pananampalataya, ano ang ginawa mo para makatulong? Gumawa ng plano para espirituwal na maprotektahan ang iyong sarili laban sa oposisyon sa iyong pananampalataya.
-
Ibahagi ang natutuhan mo ngayon sa isa pang returned missionary, young single adult, o sa miyembro ng iyong pamilya.
-