EnglishConnect para sa mga Missionary
Ano ang mga Pakinabang ng Pag-aaral ng Ingles?


“Ano ang mga Pakinabang ng Pag-aaral ng Ingles?,” Gabay sa Pag-aaral ng EnglishConnect para sa mga Missionary

“Mga Pakinabang ng Pag-aaral ng Ingles,” Gabay sa Pag-aaral ng ECM

dalawang elder missionary ang magkasamang nag-aaral

Ano ang mga Pakinabang ng Pag-aaral ng Ingles?

Ang pag-aaral ng Ingles ay magpapala sa iyo bilang missionary at magbibigay sa iyo ng dagdag na mga pagkakataon para sa paglilingkod, edukasyon, at trabaho pagkatapos ng misyon.

7:9

Paglilingkod

“Kung hindi ka marunong mag-Ingles, dapat mo itong pag-aralan bilang missionary. Pagpapalain ka nito sa iyong misyon at habambuhay” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 160). Ang pag-aaral ng Ingles sa panahon ng iyong misyon ay makapagbibigay sa iyo at sa iyong kompanyon ng mga pagkakataong palakasin at suportahan ang isa’t isa. “Tulungan ang iyong mga kompanyon na magtagumpay at magkaroon ng tiwala sa sarili sa pag-aaral ng wikang ginagamit sa inyong mission o ng wikang Ingles. Taos-puso at madalas na purihin ang iyong mga kompanyon at ang iba pang mga missionary sa kanilang progreso” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 162). Pag-uwi mo sa bahay, maaari mong gamitin ang iyong skills sa Ingles para makatulong sa iba. “Patuloy na gamitin ang wikang ginagamit sa iyong mission pagkauwi mo. Marami nang biyayang ibinigay sa iyo ang Panginoon, at maaaring gamitin Niya ang kakayahan mo sa wika balang-araw” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 160).

Edukasyon

Lahat ng kabataang full-time missionary na nakumpleto ang kanilang missionary service (kabilang na ang early release at service missionary) ay inaprubahan na para sa BYU–Pathway Worldwide at tatanggap ng diskwento sa matrikula. Kapag nakumpleto ng mga missionary ang online course sa EnglishConnect 3 o nakamit ang kwalipikadong marka sa English language assessment, maaari silang hindi na kumuha ng English admission assessment sa BYU–Pathway Worldwide. Ang BYU–Pathway ay isang programa sa unibersidad na nagbibigay ng mga online na sertipiko at degree.

Trabaho

Ang pag-aaral ng Ingles ay maaaring magdagdag ng mga oportunidad para sa trabaho. Ang mga pagkakataong ito ay maaaring available sa inyong lugar o sa malayo. Sa mga bansa kung saan hindi Ingles ang pangunahing wika, ang mga indibiduwal na nagsasalita ng Ingles ay may mas malawak na pagpipiliang mga trabaho at maaaring kumita ng 30–50 porsiyento na mas mataas na suweldo kaysa sa average na indibiduwal na hindi nagsasalita ng Ingles.

Bisitahin ang missionary.englishconnect.org para mas marami pang matutuhan at ma-access ang karagdagang resources.