EnglishConnect para sa mga Missionary
Welcome sa EnglishConnect para sa mga Missionary


“Welcome sa EnglishConnect para sa mga Missionary,” Gabay sa Pag-aaral ng EnglishConnect para sa mga Missionary

“Welcome,” Gabay sa Pag-aaral ng ECM

Welcome sa EnglishConnect para sa mga Missionary

“Kung hindi ka marunong mag-Ingles, dapat mo itong pag-aralan bilang missionary. Pagpapalain ka nito sa iyong misyon at sa habambuhay. Ang pag-aaral ng Ingles ay magpapala rin sa iyong pamilya” (Preach My Gospel [Mangaral ng Aking Ebanghelyo], 160).

dalawang elder missionary ang magkasamang nag-aaral

Layunin

Ang EnglishConnect para sa mga Missionary ay ibinibigay upang matulungan kang matuto ng Ingles “sa pamamagitan ng pag-aaral at gayundin sa pamamagitan ng pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118). Matutulungan ka ng EnglishConnect na:

  • Palakasin ang pananampalataya kay Jesucristo at sa Ama sa Langit.

  • Isabuhay ang mga espirituwal na alituntunin ng pag-aaral ng wika.

  • Magkaroon ng skills o mga kasanayan sa Ingles.

Ang pag-aaral ng Ingles ay magpapala sa iyo bilang missionary at magpapalawak ng iyong mga pagkakataon sa paglilingkod, trabaho, at edukasyon pagkatapos ng misyon—kabilang na ang BYU–Pathway Worldwide.

Tingnan ang “Ano ang mga Pakinabang ng Pag-aaral ng Ingles?” upang malaman ang iba pa.

Mga Antas ng EnglishConnect

Ang EnglishConnect para sa mga Missionary ay mayroong ilang antas upang matulungan kang umunlad: EnglishConnect para sa mga Nagsisimula, EnglishConnect 1, EnglishConnect 2, at EnglishConnect 3. Ang bawat antas ay may resources para sa personal na pag-aaral at pagsasanay nang may kasama. Kung hindi mo pa natanggap ang iyong mga materyales, makipag-ugnayan lamang sa inyong mission leader.

graphic na nagpapakita ng pag-unlad mula sa EnglishConnect 1 tungo sa EnglishConnect 2 tungo sa EnglishConnect 3 at sa wakas ay sa BYU–Pathway Worldwide

Araw-araw na Pag-aaral ng Wika

Ang mga missionary ay may 30–60 minuto para sa oras ng pag-aaral ng wika sa kanilang iskedyul (tingnan sa Mga Pamantayan ng Missionary para sa mga Disipulo ni Jesucristo, 2.4.2). Bukod pa rito, maaari kang magsanay sa wika ng iyong misyon at Ingles kasama ang iyong kompanyon buong araw.

Maaari mong gamitin ang EnglishConnect para sa mga Missionary sa oras ng pag-aaral ng wika para pagpalain ka sa iyong misyon at sa buong buhay mo.

Tingnan sa “Karanasan sa EnglishConnect para sa mga Missionary

mga sister missionary na magkakasamang nag-aaral

Ipamuhay ang mga alituntunin sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, kabanata 7, para magpraktis araw-araw at hanapin ang kaloob na mga wika.

“Maging matiyaga habang mapanalangin mong inaaral at pinapraktis ang wika. Magtiwala na tutulungan ka ng Espiritu habang nagsisikap ka. Magkaroon ng pananampalataya na matatanggap mo ang kaloob ng mga wika” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 164).