“Paano Ako Magsisimula?,” Gabay sa Pag-aaral ng EnglishConnect para sa mga Missionary
“Magsimula,” Gabay sa Pag-aaral ng ECM
Paano Ako Magsisimula?
Kumpletuhin ang “Mga Hakbang para sa Tagumpay” sa missionary.englishconnect.org/missionary. Ang mga hakbang na ito ay makakatulong sa iyo na magtakda ng mga mithiin, piliin ang iyong antas, at matutong gamitin ang resources sa pag-aaral.
Piliin ang Iyong Antas
Basahin ang tungkol sa mga antas ng EnglishConnect at magpasiya kung saan ka dapat magsimula.
-
EnglishConnect para sa mga Nagsisimula: Kakaunti o wala akong alam na mga salita sa Ingles.
-
EnglishConnect 1: Marunong akong magsalita ng alpabetong Ingles at marunong akong magsalita ng mahahalagang salita o kabisadong mga parirala.
-
EnglishConnect 2: Maaari akong bumuo ng mga pangunahing pangungusap pero kung minsan ay nahihirapan akong magsagawa ng simpleng pag-uusap.
-
EnglishConnect 3: Kaya ko ang mga simpleng pakikipag-usap at nakakabasa at nakakasulat ng mga simpleng pangungusap.
Sundin ang Plano sa Pag-aaral para sa Iyong Antas
Ipamuhay ang mga alituntunin ng pag-aaral ng wika sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo, kabanata 7, habang isinasagawa at hinahangad mo ang kaloob na mga wika.
“Bahagi ng paghahangad sa kaloob na mga wika ang pagsisikap at paggawa ng lahat ng makakaya mo para matutuhan ang wika. Maging matiyaga habang mapanalangin mong inaaral at pinapraktis ang wika. Magtiwala na tutulungan ka ng Espiritu habang nagsisikap ka” (Mangaral ng Aking Ebanghelyo, 164).