“Karanasan sa EnglishConnect para sa mga Missionary,” Gabay sa Pag-aaral ng EnglishConnect para sa mga Missionary
“Karanasan,” Gabay sa Pag-aaral ng ECM
Karanasan sa EnglishConnect para sa mga Missionary
Matutulungan ka ng EnglishConnect na matutuhan ang Ingles, “sa pamamagitan ng pag-aaral at gayon din sa pamamagitan ng pananampalataya” (Doktrina at mga Tipan 88:118).
Pagsisimula
-
Sa MTC: Dumalo sa isang orientation meeting at tumanggap ng mga workbook ng EnglishConnect 1 at 2. Kung hindi mo pa natatanggap ang iyong mga workbook, makipag-ugnayan sa iyong mission leader.
-
Unang 12 Linggo sa Field: Kumpletuhin ang “Mga Hakbang para sa Tagumpay” ng missionary sa missionary.englishconnect.org/missionary.
Pag-aaral ng Wika
Gamitin ang iyong oras sa pag-aaral ng wika upang matuto ng Ingles nang mag-isa at kasama ang iyong kompanyon. Maaari mong gamitin ang EnglishConnect may kasama ka mang katutubong nagsasalita ng Ingles o wala.
-
Gamitin ang mga manwal at resources para makumpleto ang mga personal at para sa magkompanyon na aktibidad sa pagsasanay. Tingnan ang “Ano ang Dapat Kong Gawin sa Araw-araw na Pag-aaral ng Wika?”
-
Magsanay ng Ingles sa buong araw at sa iyong apartment.
Subaybayan ang Progreso
-
Kumpletuhin ang naka-iskedyul na mga assessment sa pag-aaral ng wika.
-
Gamitin ang mga assessment na ito para masukat ang iyong progreso at tukuyin ang mga aspeto na dapat pagbutihin.
Sertipikasyon
-
Huling Transfer: Kumpletuhin ang huling assessment, tanggapin ang iyong sertipiko sa antas ng Ingles, at, kung nais mo, mag-aplay sa BYU–Pathway Worldwide.
-
Pag-uwi sa Bahay: Gamitin ang sertipiko sa mga resume at sa mga interbyu sa trabaho.