“Plano sa Pag-aaral ng EnglishConnect 1 at 2,” Gabay sa Pag-aaral ng EnglishConnect para sa mga Missionary
“Plano sa Pag-aaral ng EC 1 at 2,” Gabay sa Pag-aaral ng ECM
EnglishConnect 1 at 2 Plano sa Pag-aaral
Araw 1–2: Manwal ng Mag-aaral
-
Kumpletuhin nang mag-isa ang mga aktibidad sa bahaging “Personal Study” ng lesson na iyong tinatapos.
-
Kasama ang iyong kompanyon o ang isa pang missionary, kumpletuhin ang bahaging “Conversation Group” ng lesson na iyong tinatapos. Gamitin ang lesson plan ng kompanyon na nasa mas mababang antas.
Araw 3–4: Workbook
-
Rebyuhin ang karagdagang “Vocabulary” sa likod ng workbook nang mag-isa o kasama ang iyong kompanyon.
-
Kumpletuhin ang bahaging “Conversation” at “Activities 1–8” para sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsulat (available sa workbook o sa missionary.englishconnect.org).
-
Maaari mong gamitin ang mga audio resource ng workbook sa Gospel Library para sa mga aktibidad sa pakikinig sa workbook:
-
Audio para sa EnglishConnect 1 Workbook
-
Araw 5–6: Workbook at Rebyu
-
Kumpletuhin ang “Expansion Activities” nang mag-isa o kasama ang iyong kompanyon. Maaari mong gawin ang mga aktibidad na ito sa workbook o sa missionary.englishconnect.org.
-
Kumpletuhin ang mga aktibidad na “Practice” kasama ang iyong kompanyon. Gamitin ang lesson plan ng kompanyon na nasa mas mababang antas. Maaari mong gawin ang mga aktibidad na ito sa workbook sa missionary.englishconnect.org.
-
Kumpletuhin ang mga aktibidad sa pagbigkas at self-check quizzes o quizz sa pagsusuri sa sarili (available lamang sa missionary.englishconnect.org).
-
Suriin ang bokabularyo, mga pattern, at mga pag-uusap. Magpraktis sa pagsasalita hangga’t maaari.