Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Nobyembre 9–15. “Walang Ibang Diyos na Makapagliligtas”: Daniel 1–7


“Nobyembre 9–15. “Walang Ibang Diyos na Makapagliligtas”: Daniel 1–7,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Lumang Tipan 2026 (2026)

“Nobyembre 9–15. ‘Walang Ibang Diyos na Makapagliligtas,’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Lumang Tipan 2026

Nakikinig nang mabuti si Nebukadnezar kay Daniel

Daniel Interprets Nebuchadnezzar’s Dream [Binibigyang-kahulugan ni Daniel ang Panaginip ni Nebukadnezar], ni Grant Romney Clawson

Nobyembre 9–15: “Walang Ibang Diyos na Makapagliligtas”

Daniel 1–7

Malamang na walang sinumang magbabanta na ihahagis ka sa isang nagniningas na hurno o yungib ng mga leon dahil sa iyong pananampalataya kay Jesucristo. Ngunit walang sinuman sa atin ang dumadaan sa buhay na ito nang walang pagsubok sa pananampalataya. Kaya lahat tayo ay maaaring makinabang sa mga halimbawa ng mga taong tulad nina Daniel, Shadrac, Meshac, at Abednego, na dinalang bihag ng makapangyarihang Imperyo ng Babilonia noong kabataan nila (tingnan sa 2 Mga Hari 24:10–16). Napaliligiran ng di-pamilyar na kultura na iba ang mga pinahahalagahan, naharap sila sa matinding tukso na talikuran ang kanilang mga paniniwala at mabubuting tradisyon. Gayunpaman nanatili silang tapat sa kanilang mga tipan. Paano nila ginawa iyon? Sa pamamagitan ng paggawa ng maliliit at mga karaniwang bagay na iyon na ipinagagawa ng Diyos sa ating lahat—pagdarasal, pag-aayuno, pagpili ng mabubuting kaibigan, pagtitiwala sa Diyos, at pagiging liwanag sa iba. Tulad ni Jose sa Egipto at Esther sa Persia, iningatan ni Daniel at ng kanyang mga kaibigan sa Babilonia ang kanilang pananampalataya sa Diyos, at gumawa ng mga himala ang Diyos na nagbibigay-inspirasyon pa rin sa mga mananampalataya hanggang sa araw na ito.

Para sa buod ng aklat ni Daniel, tingnan sa “Daniel” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

icon ng pag-aaral

Mga Ideya para sa Pag-aaral sa Tahanan at sa Simbahan

Daniel 1; 36

icon ng seminary
Mapagkakatiwalaan ko ang Panginoon kapag sinusubukan ang aking pananampalataya.

Sa isang banda, lahat tayo ay nakatira sa Babilonia. Madalas tayong nahaharap sa mga tukso na ikompromiso ang ating mga pamantayan at talikuran ang pananampalataya kay Cristo. Habang binabasa mo ang Daniel 1, 3, at 6, pansinin ang mga paraan kung paano pinilit sina Daniel, Shadrac, Meshac, at Abednego na gawin ang mga bagay na alam nilang mali. Paano sila tumugon sa mga sitwasyong ito? (tingnan sa Daniel 1:10–13; 3:15–18; 6:10). Ano ang mga resulta ng kanilang pananampalataya? Ano ang natutuhan mo mula sa mga karanasang ito na makatutulong sa iyo na magtiwala sa Panginoon kapag nahaharap ka sa oposisyon? Pag-isipan din ang mga sumusunod na tanong:

  • Kailan mo nadamang pinipilit kang gawin ang isang bagay na alam mong mali? Paano ka napagpala ng Panginoon sa pagsunod sa Kanyang mga kautusan?

  • Paano kung ang iyong pananampalataya ay hindi hahantong sa mga himalang hangad mo? (tingnan, halimbawa, sa Alma 14:8–13). Batay sa nabasa mo sa Daniel 3:13–18, ano sa palagay mo ang isasagot nina Shadrac, Meshac, at Abednego sa tanong na ito? Paano makakaapekto ang kanilang halimbawa sa paraan ng pagharap mo sa mga pagsubok sa iyo?

  • Paano maaakay ng iyong mabubuting pagpili ang iba sa mas malaking pananampalataya sa Panginoon? (tingnan sa Daniel 2:47; 3:28–29). Isiping mabuti ang mga epekto sa ibang tao ng iyong mga pagpili.

Tingnan sa Dieter F. Uchtdorf, “Huwag Kang Matakot, Manampalataya Ka Lamang,” Liahona, Nob. 2015, 76–79.

Sikaping isama ang lahat. “Inaanyayahan [ng Tagapagligtas] ang lahat na lumapit sa kanya at makibahagi sa kanyang kabutihan” (2 Nephi 26:33). Kung tinuturuan mo ang iyong pamilya o klase, pag-isipan ang mga paraan na mabibigyan mo ng pagkakataon ang lahat na makibahagi sa ilang paraan. Halimbawa, maaari mong bigyan ang bawat tao ng isang talata sa banal na kasulatan, isang bahagi ng mensahe sa kumperensya, o isang talata mula sa isang himno na pag-iisipan at tatalakayin. Huwag pilitin ang sinuman na makibahagi, ngunit bigyan sila ng mga pagkakataon.

Sina Shadrac, Meshac, Abednego, at ang pang-apat na pigura sa isang hurno

Shadrach, Meshach, and Abednego in the Fiery Furnace [Sina Shadrac, Meshac, at Abednego sa Nagniningas na Hurno], ni William Maughan

Daniel 2

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang kaharian ng Diyos sa mundo.

Sa pamamagitan ng paghahayag, nakita ni Daniel na ibinadya ng panaginip ni Nebukadnezar ang mga makamundong kaharian, gayundin ang magiging kaharian ng Diyos sa hinaharap, na “hindi magigiba kailanman” (Daniel 2:44). “Ang Simbahan ay ang ipinropesiyang kaharian sa mga huling araw,” pagtuturo ni Elder D. Todd Christofferson, “hindi gawa ng tao kundi itinatag ng Diyos ng langit at lalaganap gaya ng batong ‘natibag sa bundok, hindi ng mga kamay’ para punuin ang mundo” (“Bakit Kailangan ang Simbahan,” Liahona, Nob. 2015, 111). Isipin ang tungkol sa kaharian ng Diyos sa mga huling araw habang binabasa mo ang mga paglalarawan ng bato sa Daniel 2:34–35, 44–45. Ano ang papel na gagampanan mo sa pagtulong sa propesiyang ito na matupad?

Tingnan din sa “O, Makinig, Lahat ng Bansa!,” Mga Himno, blg. 165; “God Gave Them Knowledge” (video), ChurchofJesusChrist.org.

13:52

Binigyan Sila ng Diyos ng Kaalaman

Daniel 2:1–30

Ang pagtanggap ng paghahayag ay nangangailangan ng espirituwal na paghahanda.

Habang nirerebyu mo ang Daniel 2:1–15, isipin ang mararamdaman mo kung nasa kalagayan ka ni Daniel. Ano ang ginawa ni Daniel? (tingnan sa Daniel 2:16–18). Ano ang matututuhan mo sa Daniel 1:17 tungkol sa kung paano inihanda ng Diyos si Daniel? Ano ang matututuhan mo mula sa mga salita at ginawa ni Daniel matapos niyang matanggap ang tulong ng Panginoon? (tingnan sa Daniel 2:19–30).

Daniel 7:13–14

Si Jesucristo ay Anak ng Amang Walang Hanggan.

Sa ministeryo ng Tagapagligtas sa lupa, itinuring ng maraming Judio na ang titulong “Anak ng tao” mula sa Daniel 7:13 ay tumutukoy sa darating na Mesiyas. Ano ang natutuhan mo tungkol sa Mesiyas mula sa Daniel 7:13–14? (tingnan din sa Moises 6:57).

Madalas tawagin ng Tagapagligtas ang kanyang sarili bilang “Anak ng Tao.” Isiping rebyuhin ang ilang halimbawa: Mateo 25:31; Marcos 9:31; 10:45. Ano ang itinuturo Niya tungkol sa Kanyang sarili sa mga talatang ito? Sa Marcos 14:61–64, ginamit ni Jesus ang titulong ito sa huling araw ng Kanyang buhay sa lupa. Pansinin ang reaksyon ng mga taong nakarinig ng Kanyang pahayag. Paano naaapektuhan ng propesiya ni Daniel tungkol sa Anak ng Tao ang iyong nadarama tungkol sa nangyari sa Kanya sa Marcos 15?

Tulad ng pagkamuhi kay Jesus dahil sa pagpapahayag na Siya ay “Anak ng tao,” maaari ka ring maharap sa pag-uusig dahil sa pagpapahayag ng katotohanan. Ihambing ang propesiya sa Daniel 7:13–14 sa mga pangako sa Doktrina at mga Tipan 121:29, 46.

Tingnan din sa Doktrina at mga Tipan 49:6; Gabay sa mga Banal na Kasulatan, “Anak ng Tao,” Gospel Library.

icon ng bahagi para sa mga bata

Mga Ideya para sa Pagtuturo sa mga Bata

Daniel 1; 36

Tutulungan ako ni Jesus na gawin ang tama kahit mahirap ito.

  • Para matulungan ang iyong mga anak na matuto mula sa mga nakasisiglang kuwento sa aklat ni Daniel, maaari kang makakita ng mga larawan ng mga pangyayari sa Daniel 1, 3, at 6 (tingnan sa pahina ng aktibidad sa linggong ito o sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, blg. 23, 2526). Pagkatapos ay maaari mong itaob ang mga larawan at anyayahan ang isang bata na iharap ang isa at magsalita tungkol sa kuwentong inilalarawan nito. (Para sa tulong, tingnan sa “Si Daniel at ang Kanyang mga Kaibigan,” “Sina Shadrac, Meshac, at Abednego,” at “Si Daniel at ang Yungib ng mga Leon” sa Mga Kuwento sa Lumang Tipan, 154–56, 160–62, 163–65.)

    1:39

    Daniel and His Friends

    1:39

    Shadrach, Meshach, and Abed-nego

    1:45

    Daniel and the Lions’ Den

  • Tulungan ang iyong mga anak na mag-isip ng mga sitwasyon kung saan maaaring pilitin silang gumawa ng maling pagpili, tulad ni Daniel at ng kanyang mga kaibigan sa Daniel 1, 3, at 6. Ibahagi sa isa’t isa kung paano kayo pinagpala sa paggawa ng tamang pagpili kahit mahirap. Maaari din na magkakasama ninyong kantahin ang isang awit na nauugnay sa paksang ito, tulad ng “Piliin ang Tama” (Mga Himno, blg. 145).

mga kabataang lalaki na ayaw kumain ng karne

Pagtitiwala sa Word of Wisdom

Daniel 1:1–17

Nais ng Ama sa Langit na pangalagaan ko ang aking katawan.

  • Ang pagbabasa ng kuwento tungkol sa pagtanggi ni Daniel at ng kanyang mga kaibigan sa pagkain ng karne at alak ng hari ay maaaring maghikayat sa pag-uusap tungkol sa batas ng kalusugan na ibinigay sa atin ng Ama sa Langit sa kasalukuyang panahong ito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 89). Siguro ay maaari mong hanapin ang mga pagpapalang natanggap ni Daniel at ng kanyang mga kaibigan at ihambing ang mga ito sa mga pagpapalang ipinangako sa Word of Wisdom (tingnan sa Daniel 1:15–17 at Doktrina at mga Tipan 89:18–21).

Daniel 2

Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw ang kaharian ng Diyos sa lupa.

  • Habang binabasa mo ang Daniel 2:31–35, 44–45 kasama ang iyong mga anak, maaari mo silang anyayahan na magdrowing ng isang larawan ng panaginip ni Nebukadnezar. Tulungan silang maunawaan na ang bato sa panaginip ay kumakatawan sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Ano ang natutuhan natin tungkol sa Simbahan mula sa panaginip na ito? Maaaring bumanggit ang iyong mga anak ng ilang bagay na ginawa ng Ama sa Langit upang maitatag ang Kanyang Simbahan sa mga huling araw. Kung kailangan nila ng tulong , maaari kang magpakita ng mga larawan ng mga pangyayari mula sa Pagpapanumbalik ng Simbahan (tingnan sa Aklat ng Sining ng Ebanghelyo, bilang 90–95).

Daniel 6

Nais ng Ama sa Langit na madalas akong manalangin.

  • Bakit napakahalaga kay Daniel na manalangin sa Ama sa Langit? Marahil ay maaari ninyong pag-usapan ng iyong mga anak ang tanong na iyan habang sabay-sabay ninyong binabasa ang Daniel 6. Pagkatapos ay maaari ninyong sabihin sa isa’t isa kung bakit mahalaga sa inyo ang pagdarasal. Maaaring masiyahan ang iyong mga anak sa pagdrowing ng kanilang sarili na nananalangin sa iba’t ibang sitwasyon. Maaari nilang gamitin ang kanilang mga drowing para turuan ang isa’t isa na maaari tayong manalangin sa Ama sa Langit saanman tayo naroroon o anuman ang kailangan natin.

Para sa iba pa, tingnan ang isyu ng magasing Kaibigan sa buwang ito.

Si Daniel na nakatayo sa harap ng isang grupo ng mga leon

Daniel in the Lions’ Den [Si Daniel sa Yungib ng mga Leon], ni Briton Rivière

Pahina ng aktibidad para sa Primary: Pagpapalain ako ng Diyos kapag pinipili kong sundin si Jesucristo