Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Agosto 3–9. “Kaya Ka Nakarating … ay Dahil sa Pagkakataong Ganito”: Esther


“Agosto 3–9. ‘Kaya Ka Nakarating … ay Dahil sa Pagkakataong Ganito’: Esther,” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin—Para sa Tahanan at Simbahan: Lumang Tipan 2026 (2026)

“Agosto 3–9. ‘Kaya Ka Nakarating … ay Dahil sa Pagkakataong Ganito’” Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Lumang Tipan 2026

Si Esther na nakaluhod sa harap ng hari

Queen Esther Saves Jehovah’s People [Iniligtas ni Reyna Esther ang mga Tao ni Jehova], ni Sam Lawlor

Agosto 3–9: “Kaya Ka Nakarating … ay Dahil sa Pagkakataong Ganito”

Esther

Maraming pangyayari sa aklat ni Esther ang parang suwerte o nagkataong nangyari. Paano mo pa maipaliliwanag kung paano naging reyna ng Persia ang isang ulilang batang Judio sa tamang panahon para iligtas ang kanyang mga kababayan mula sa lubusang pagkalipol? Ano ang mga tsansa na nagkataon na narinig ng pinsan ni Esther na si Mordecai ang planong pagpatay sa hari? Nagkataon ba ang mga ito, o bahagi ito ng isang banal na plano? Sinabi ni Elder Ronald A. Rasband: “Ang tila nagkataon lang, sa katunayan, ay may patnubay ng mapagmahal na Ama sa Langit. … Ang Panginoon ay nakatuon sa maliliit na detalye ng ating buhay” (“Sa Banal na Plano,” Liahona, Nob. 2017, 56). Maaaring hindi natin palaging makita ang impluwensya ng Panginoon sa “maliliit na detalye” na ito. Ngunit nalaman natin mula sa karanasan ni Esther na magagabayan Niya ang ating landas at ihahanda tayo “dahil sa pagkakataong ganito” (Esther 4:14) kapag maaari tayong maging mga kasangkapan sa Kanyang mga kamay para maisakatuparan ang Kanyang mga layunin.

Para sa buod ng aklat ni Esther, tingnan sa “Esther” sa Gabay sa mga Banal na Kasulatan.

icon ng pag-aaral

Mga Ideya para sa Pag-aaral sa Tahanan at sa Simbahan

Esther

icon ng seminary
Inilalagay ako ng Panginoon sa mga sitwasyon kung saan maaari kong mapagpala ang iba.

Itinuro ni Pangulong Dieter F. Uchtdorf na bawat isa sa atin ay “may natatanging katayuan at may mahalagang tungkulin na tanging [tayo] lang ang makagaganap. … Ibinigay sa inyo ng Panginoon ang responsibilidad na ito nang may dahilan. Maaaring may mga tao at puso na kayo lamang ang makaaantig. Marahil walang makagagawa nito nang katulad ng magagawa ninyo” (“Magbuhat Kung Saan Kayo Nakatayo,” Liahona, Nob. 2008, 56).

Habang binabasa mo ang kuwento ni Esther, pag-isipan kung paano naaangkop sa kanya ang pahayag na ito. Hanapin ang mga paraan na ginawang posible ng Panginoon na iligtas ni Esther ang mga Judio (tingnan, halimbawa, sa Esther 2:21–23; 3:10–14; 4:14–16). Pagkatapos ay pag-isipan kung paano ka Niya binigyan ng mga pagkakataong pagpalain ang iba. Ano ang ilang sitwasyon o ugnayan na ginabayan ka Niya “dahil sa pagkakataong ganito”? (Esther 4:14). Kung mayroon kang patriarchal blessing, isiping basahin ito para malaman pa ang tungkol sa gawaing ipagagawa sa iyo ng Panginoon. Ano ang magagawa mo para magawa ang gawaing ito?

Tingnan din sa “For Such a Time as This” (video), ChurchofJesusChrist.org.

13:55

Dahil sa Pagkakataong Ganito

Mas marami tayong natututuhan sa paggawa kaysa sa pakikinig. Ipinayo ni Elder David A. Bednar sa mga guro: “Ang layunin natin ay hindi dapat ‘Ano ang sasabihin ko sa kanila?’ Sa halip, ang dapat nating itanong sa ating sarili ay ‘Ano ang paanyayang maibibigay ko sa kanila? Anong mga inspiradong tanong ang maaari kong itanong na, kung handa silang sumagot, ay magsisimulang mag-anyaya sa Espiritu Santo sa kanilang buhay’” (sa Pagtuturo sa Paraan ng Tagapagligtas25). Kung tinuturuan mo ang iyong pamilya o klase tungkol kay Esther, ano ang maaari mong ipagawa sa kanila na tutulong sa kanila na matuto?

Nakatingin si Mordecai kay Haman na nakasakay sa kabayo na dumaraan sa kalsada

“Nang makita ni Haman na si Mordecai ay hindi yumuyukod … napuno ng poot si Haman” (Esther 3:5).

Esther 3; 5:9–147

Ang kapalaluan at galit ay maaaring humantong sa pagbagsak.

Sa aklat ni Esther, natuto tayo mula sa katapatan nina Esther at Mordecai, ngunit natuto rin tayo mula sa kapalaluan at galit ni Haman. Habang binabasa mo ang Esther 3; 5:9–14, pansinin ang damdamin, mga salita, at mga ginawa ni Haman. Ano ang ibinubunyag ng mga ito tungkol sa kanya at sa kanyang mga intensyon? Anong mga bunga ang nakaharap niya? (tingnan sa Esther 7). Ang pagbabasa tungkol kay Haman ay maaaring makahimok sa iyo na suriin kung ano ang nakahihikayat sa iyong damdamin at kilos. Inspirado ka bang gumawa ng mga pagbabago? Paano ka umaasa ng tulong sa Ama sa Langit?

Tingnan din sa Mga Kawikaan 16:32; Alma 5:28.

Esther 3–4; 5:2–3; 8:11–12

Ang pag aayuno ay nagpapakita na nagtitiwala at umaasa ako sa Panginoon.

Pansinin kung bakit nagpasiyang mag-ayuno si Esther at ang iba pang mga Judio (tingnan sa Esther 3:13; 4:1–3, 10–17). Paano sila natulungan ng pag-aayuno? (tingnan sa Esther 5:2–3; 8:11–12). Bakit iniuutos ng Panginoon na mag-ayuno tayo? (tingnan ang Mga Paksa at Mga Tanong, “Pag-aayuno at mga Handog-ayuno,” Gospel Library). Isipin kung paano mo magagawang malaking pagpapala ang pag-aayuno sa buhay mo.

Tingnan din sa Isaias 58:6–12; “Fasting: Young Single Adult Ward, Amanda” (video), ChurchofJesusChrist.org.

2:41

Fasting: Young Single Adult Ward, Amanda

Esther 3:1–11; 4:10–17; 5:1–4; 9:17–19

Ang paggawa ng tamang bagay ay nangangailangan kadalasan ng matinding lakas ng loob o tapang.

Nang manindigan sina Mordecai at Esther para sa kanilang mga paniniwala at para sa kanilang mga tao, inilagay nila sa panganib ang kanilang buhay. Ang ating mga pagpili ay maaaring hindi gaanong magkaroon ng mabigat na bunga, ngunit ang paggawa ng tama ay maaari pa ring mangailangan ng tapang. Ano ang natutuhan mo mula sa Esther 3:1–4; 4:10–17 tungkol sa pagkakaroon ng tapang na gawin ang tama? Pansinin ang iba’t ibang ibinunga na naranasan nina Mordecai at Esther matapos magpakita ng tapang (tingnan sa Esther 3:5–11; 5:1–4). Ano ang kailangang malaman nina Esther at Mordecai tungkol sa Diyos para magawa ang mga pasiya na ginawa nila?

Isipin ang mga sitwasyon kung saan kailangan mo ng tapang na manindigan sa kung ano ang tama. Ano ang natutuhan mo kina Esther at Mordecai na makatutulong sa iyo na makahugot ng tapang mula sa Panginoon?

Ang katapangan ni Esther ay humantong sa “araw ng kasayahan” (tingnan sa Esther 9:17–19). Paano nagbigay sa iyo ng “araw ng kasayahan” ang tapang na tulad ng kay Cristo?

Tingnan din sa “Courage,” “Dare to Stand Alone” (mga video), Gospel Library; “Tapat sa Pananampalataya,” Mga Himno, blg. 156.

3:16

Katapangan

4:20

Dare to Stand Alone

Para sa iba pa, tingnan ang mga isyu ng mga magasing Liahona at Para sa Lakas ng mga Kabataan sa buwang ito.

icon ng bahagi para sa mga bata

Mga Ideya para sa Pagtuturo sa mga Bata

Esther 2:5–7

Mapaglilingkuran ko ang aking pamilya.

  • Maaaring mabigyang-inspirasyon ka na gamitin ang Esther 2:7 para turuan ang iyong mga anak tungkol sa pagtulong sa mga kapamilya na nangangailangan, tulad ng ginawa ni Mordecai kay Esther. Maaari ninyong sabay-sabay na basahin ang talata o ibuod ito gamit ang sarili mong mga salita. Pagkatapos ay maaari ninyong isipin ng mga anak mo ang mga kapamilya na maaaring mangailangan ng tulong ninyo. Gumawa ng plano na tulungan sila.

Esther 3:1–11; 4:10–17

Matutulungan ako ng Panginoon na maging matapang.

  • Ang mga halimbawa nina Esther at Mordeacai ay makatutulong sa iyong mga anak na maunawaan na ang ibig sabihin ng katapangan ay gawin ang tama kahit natatakot ka. Isiping isulat ang mga pariralang Matapang si Mordecai nang siya ay … at matapang si Esther nang siya ay … . Kapag magkakasama ninyong pinag-aralan ang kuwento tungkol kay Esther, maaaring magmungkahi ang iyong mga anak ng mga paraan para matapos ang mga pangungusap. Maaari mong basahin ang Esther 3:1–11; 4:10–17 o “Si Reyna Esther” (sa Mga Kuwento sa Lumang Tipan, 166–70) o tingnan ang mga larawan sa outline na ito. Pagkatapos ay isulat ang Magiging matapang ako sa pamamagitan ng … , at anyayahan ang iyong mga anak na maglista ng mga bagay na nais ng Ama sa Langit na gawin nila na nangangailangan ng tapang. Makatutulong ang isang awit tungkol sa katapangan, tulad ng “Maglakas-loob, Tama’y Gawin” (Aklat ng mga Awit Pambata, 80).

    2:45

    Queen Esther

  • Maaari mo ring matutuhan ang mga pagkakataon na si Jesucristo ay naging matapang—halimbawa, nang nagdusa Siya para sa ating mga kasalanan, kapwa sa Getsemani at sa krus (tingnan sa Mateo 26:36–39; 27:33–35). Hilingin sa iyong mga anak na ibahagi ang isang pagkakataon na sila ay matapang, at ibahagi rin ang sarili mong karanasan.

Esther 4:1–3, 10–17

Ang pag-aayuno ay nagdudulot ng mga pagpapala ng Panginoon.

  • Ang pagbabasa ng Esther 4:1–3, 10–17 ay makatutulong sa iyo na turuan ang iyong mga anak tungkol sa pag-aayuno. Bakit nag-ayuno si Esther at ang mga Judio? Sabihin mo sa mga anak mo kung bakit ka nag-aayuno. Maaari mo ring itanong sa kanila kung paano nila ipapaliwanag ang pag-aayuno sa isang kaibigan na hindi pa nagawa ito noon. Paano natin matutulungan ang ating mga kaibigan na maunawaan ang mga pagpapalang dulot ng pag-aayuno?

  • Hikayatin ang iyong mga anak na mag-isip ng isang bagay na maaaring kailanganin nila ang tulong ng Panginoon. Imungkahi na gawin nila ang bahaging iyon ng kanilang pag-aayuno sa susunod na Linggo ng pag-aayuno.

Si Reyna Esther na nakatayo sa tabi ng hari

Dahil matapang si Esther, nailigtas niya ang tao ng Panginoon.

Esther 4:14

Maaari akong maging kasangkapan sa mga kamay ng Diyos.

  • Tulungan ang iyong mga anak na maunawaan na nang matakot si Esther, hinikayat siya ni Mordecai sa pamamagitan ng pagpapaliwanag na tinulungan siya ng Panginoon na maging reyna “dahil sa pagkakataong ganito?” (Esther 4:14). Ano ang ibig sabihin ni Mardocheo dito? Pag-usapan kung paano naging kasangkapan si Esther para sa Panginoon. Paano tayo magiging mga kasangkapan para sa Panginoon?

  • Paano mo matutulungan ang iyong mga anak na maunawaan kung ano ang kasangkapan? Siguro maaari mong anyayahan ang isang tao na tumugtog ng isang kanta sa isang instrumentong pangmusika o magpakita ng isang larawan ng isang tao na gumagamit ng isang tool o kasangkapan. Pagkatapos ay maaari ninyong pag-usapan kung ano ang ibig sabihin ng maging kasangkapan sa mga kamay ng Diyos.

Para sa iba pa, tingnan ang isyu ng magasing Kaibigan sa buwang ito.

Reyna Esther

Queen Esther [Reyna Esther], ni Minerva Teichert, © William and Betty Stokes

Pahina ng aktibidad para sa Primary: Matutulungan ako ng Panginoon na maging matapang