Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ibinahagi ni Jesus ang Sakramento


“Ibinahagi ni Jesus ang Sakramento,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

3 Nephi 18; 20

Ibinahagi ni Jesus ang Sakramento

Palagi Siyang alalahanin

kinakausap ni Jesucristo ang malaking grupo ng mga tao, at ang Kanyang mga disipulo ay nagdadala sa Kanya ng mga tinapay at alak na nasa mga banga

Matapos pagalingin ni Jesus ang maysakit at basbasan ang maliliit na bata, pinasimulan Niya ang sakramento sa lahat ng taong nagtipon upang pakinggan Siya. Hiniling Niya sa Kanyang mga disipulo na magdala ng tinapay at alak.

3 Nephi 17; 18:1–2

si Jesucristo na hinahati ang tinapay at ibinibigay ang tinapay sa Kanyang mga disipulo

Pinagpira-piraso Niya ang tinapay at binasbasan ito. Ibinigay Niya ito sa mga disipulo upang kainin. Hiniling niya sa mga disipulo na ibigay ang tinapay sa lahat ng tao.

3 Nephi 18:3–4, 6

hawak-hawak ni Jesucristo ang mga piraso ng tinapay, at mga larawan ng krus at libingang walang laman ay nasa likuran Niya

Sinabi ni Jesus na ang lahat ng naniniwala sa Kanya at nabinyagan ay dapat kumain ng tinapay. Kapag ginagawa nila ito, dapat nilang alalahanin ang Kanyang katawan. Ipinaalala Niya sa mga tao noong nadama nila ang mga bakas ng pako sa Kanyang mga kamay at paa at ang sugat sa Kanyang tagiliran.

3 Nephi 11:14–15; 18:3–7

ibinibigay ni Jesucristo sa isa sa Kanyang mga disipulo ang isang saro na may alak

Pagkatapos ay ibinigay ni Jesus sa mga disipulo ang alak na maiinom. Hiniling Niya sa mga disipulo na ibigay ang alak sa lahat ng tao.

3 Nephi 18:8–9

si Jesucristo na nakaluhod at nananalangin sa Halamanan ng Getsemani

Sinabi ni Jesus na ang lahat ng nagsisisi at nabinyagan ay dapat inumin ang alak. Iniutos Niya sa lahat ng uminom ng alak na alalahanin ang Kanyang dugo. Ipinaalala Niya sa kanila na ibinigay Niya ang Kanyang dugo nang magdusa Siya at mamatay para sa kanila.

3 Nephi 18:11

nakikipag-usap si Jesucristo sa mga tao

Sinabi ni Jesus na ang pagkain ng tinapay at pag-inom ng alak ay isang utos. Sa pagkain ng tinapay at pag-inom ng alak, ipinakita ng mga tao sa Ama sa Langit na gusto nilang sundin ang Kanyang mga utos at alalahanin si Jesus. Sinabi ni Jesus na sila ay pagpapalain ng Espiritu Santo kung gagawin nila ang mga bagay na ito.

3 Nephi 18:7, 10–14

nakikipag-usap si Jesucristo sa mga tao, at nakangiti sila sa Kanya

Matapos kumain ng tinapay at uminom ng alak ang mga tao, napuspos sila ng Espiritu Santo. Pagkatapos ay pinuri ng mga tao si Jesus.

3 Nephi 18:4–5, 9; 20:9