Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Propetang si Nephi


“Ang Propetang si Nephi,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Helaman 6–11

Ang Propetang si Nephi

Pagkuha ng malaking kapangyarihan mula sa Panginoon

mga Nephita na nakasuot ng magagarang damit na ninanakawan at tinatawanan ang mga tao

Isang grupo na tinatawag na mga tulisan ni Gadianton ang naghari sa lungsod ng Zarahemla. Nangako silang tutulungan ang isa’t isa sa paggawa ng masasamang bagay. Ninakawan at sinaktan nila ang mga tao para makakuha ng pera at kapangyarihan. Karamihan sa mga tao ay sumali sa mga tulisan. Gusto nilang yumaman.

Helaman 6:15–24, 38–39; 7:4–5

nakaluhod si Nephi sa kanyang tore at nananalangin, at isang Nephita ang tinitingnan siya nang masama

Si propetang Nephi ay nanirahan sa Zarahemla. Nanalangin si Nephi sa Diyos dahil nalungkot siya na hindi sinusunod ng mga tao ang mga utos ng Diyos. Hiniling ni Nephi sa mga tao na alalahanin ang lahat ng ginawa ng Diyos para sa kanila. Pero hindi nakinig ang maraming tao. Mas pinahalagahan nila ang pera at kapangyarihan kaysa sundin ang Diyos.

Helaman 7:1–22

kinakausap ni Nephi ang isang pulutong ng mga Nephita mula sa tore, at sinisigawan siya ng mga tao

Binalaan ni Nephi ang mga tao tungkol sa mga tulisan. Sinabihan niya sila na kailangan nilang magsisi. Ang ilan sa mga hukom na Nephita ay umanib sa mga tulisan. Nagalit sila kay Nephi at sinabing nagsisinungaling siya. Gusto nilang magalit din ang mga tao kay Nephi.

Helaman 7:22–29; 8:1–7

si Nephi na nagsasalita at ikinukumpas ang kanyang kamay

Sinabi ni Nephi na maraming bagay ang sinasabi ng Diyos sa Kanyang mga propeta. Sinabi ni Nephi sa kanila na itinuro ng lahat ng propeta ang tungkol sa pagdating ni Jesucristo. Sinabi niya na binalaan ng mga propeta ang mga tao na ang Jerusalem ay wawasakin kung hindi sila magsisisi. Tinulungan niya silang maalala na nawasak ang Jerusalem.

Helaman 8:11–25

kinakausap ni Nephi ang isang pulutong na mga Nephita, at nakikinig ang mga tao

Kinabukasan, nagtanong ang mga hukom kay Nephi para linlangin siya. Sinabi ni Nephi sa kanila ang tungkol sa kasamaan nila. May ilang tao na naniwala kay Nephi at alam nilang isang propeta siya.

Helaman 9:19–41

si Nephi na nag-iisa at mukhang malungkot

Hindi naniwala ang iba. Nagtalo ang lahat at pagkatapos ay umalis. Naisip ni Nephi ang itinuro sa kanya ng Panginoon. Nalungkot siya dahil sa masasamang gawa ng mga tao.

Helaman 10:1–3

si Nephi na nakaluhod at nananalangin, at may liwanag na sumisinag sa kanya

Kinausap ng Panginoon si Nephi. Masaya siya dahil tinuruan ni Nephi ang mga tao. Dahil sa pagiging masunurin ni Nephi, binigyan siya ng Panginoon ng espesyal na kapangyarihan sa mga bagay sa lupa at sa langit. Alam ng Panginoon na gagamitin lamang ni Nephi ang kapangyarihan para tulungan ang mga tao na magsisi.

Helaman 10:3–12

kinakausap ni Nephi ang maraming Nephita, at hindi siya pinapansin o tinitingnan siya nang masama ng mga tao

Sinabi ng Panginoon kay Nephi na bumalik sa mga tao at sabihin sa kanila na magsisi. Agad namang nagpunta si Nephi. Ngunit ang mga tao ay nagalit sa kanya at hindi nakinig.

Helaman 10:11–15

hinahanap ng mga bantay si Nephi, at lumalakad si Nephi palayo sa kanila

Tinangka nilang ikulong si Nephi. Pero tinulungan ng Espiritu ng Diyos si Nephi na makatakas.

Helaman 10:15–17

tinatanaw ni Nephi ang isang nag-aapoy na lungsod

Patuloy na itinuro ni Nephi ang salita ng Diyos. Hindi pa rin nakinig ang mga tao. Nagsimula silang magtalo at makipag-away sa isa’t isa. Pinalala pa ng mga tulisan ang mga away. Hindi nagtagal, nagkaroon ng mga digmaan sa bawat lungsod. Maraming tao ang nasaktan o namatay. Nalungkot si Nephi. Ayaw niyang mapahamak ang mga tao dahil sa mga digmaan.

Helaman 10:17–18; 11:1–4

tuyo ang lupain, walang tumutubo, at walang tubig, at ang mga Nephita ay mukhang malulungkot at nagtutulungan

Hiniling ni Nephi sa Diyos na magpadala ng matinding taggutom upang maalala ng mga tao ang Panginoon at magsisi. Walang ulan sa loob ng maraming taon. Ang lupa ay natuyo, at hindi tumubo ang mga pananim. Nagutom ang mga tao. Tumigil sila sa pakikipaglaban at nagsimulang maalala ang Panginoon. Nagsisi ang mga tao at nilipol ang mga tulisan.

Helaman 11:3–7, 9–10

nagdarasal si Nephi, umuulan, at ngumingiti ang mga Nephita at nagpapasalamat sa Diyos

Hiniling ng mga tao kay Nephi na manalangin sa Panginoon. Nakita ni Nephi na sila ay nagsisi at na wala nang mga tulisan. Hiniling niya sa Panginoon na magpadala ng ulan. Sinagot ng Panginoon ang panalangin ni Nephi. Pumatak ang ulan, at nagsimulang tumubo ang mga pananim. Nagpasalamat ang mga tao sa Diyos. Alam nila na si Nephi ay isang propeta at may malaking kapangyarihan mula sa Diyos.

Helaman 11:8–18