Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Binasbasan ni Jesus ang mga Bata


“Binasbasan ni Jesus ang mga Bata,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

3 Nephi 17

Binasbasan ni Jesus ang mga Bata

Pagpapakita ng Kanyang pagmamahal sa kanila

nakatayo si Jesucristo sa mga hagdan ng templo at kinakausap ang isang grupo ng mga tao

Maraming bagay ang itinuro ni Jesucristo sa mga tao. Nakita Niya na kailangan nila ng panahon para pag-isipan ang natutuhan nila. Hiniling Niya sa kanila na umuwi at manalangin sa Ama sa Langit na maunawaan ang itinuro Niya sa kanila. Pagkatapos ay nangako si Jesus na muli silang dadalawin kinabukasan.

3 Nephi 17:1–4

si Jesucristo na nakangiti at nakaunat ang Kanyang kamay

Umiyak ang mga tao dahil gusto nilang manatili pa si Jesus. Minahal ni Jesus ang mga tao. Nakita Niya na napakalakas ng kanilang pananampalataya. Hiniling Niya sa kanila na dalhin sa Kanya ang sinumang maysakit o may dinaramdam sa anumang paraan. Gusto Niyang pagalingin ang bawat isa sa kanila.

3 Nephi 17:5–8

tinutulungan ni Jesucristo ang isang batang maysakit, at ang iba pang mga bata ay nasa malapit lang at nakangiti

Lumapit sa Kanya ang mga tao kasama ang kanilang mga maysakit na kapamilya at mga kaibigan. Pinagaling ni Jesus ang bawat isa sa kanila. Masayang-masaya sila. Lumuhod sila at hinalikan ang Kanyang mga paa.

3 Nephi 17:9–10

kinakausap ni Jesucristo ang isang bata, at ang mga tao ay nagtipun-tipon sa paligid ni Jesus kasama ang kanilang mga anak

Hiniling ni Jesus sa kanila na dalhin sa Kanya ang kanilang maliliit na anak. Dinala ng mga tao ang kanilang mga anak at ipinaligid sila kay Jesus.

3 Nephi 17:11–12

si Jesucristo na nakaluhod at nananalangin, at ang mga bata at matatanda ay lumuhod sa paligid Niya at nanalangin

Matapos madala ang lahat ng bata sa Kanya, hiniling ni Jesus sa mga tao na lumuhod sa lupa. Lumuhod din Siya. Pagkatapos ay nagdasal Siya sa Ama sa Langit. Sinabi Niya ang mga kamangha-manghang bagay kaya hindi maisulat ang Kanyang mga salita. Napuspos ng kagalakan ang mga tao.

3 Nephi 17:13–18

si Jesucristo na nakangiti, at tumutulo ang luha mula sa Kanyang mata

Sinabi ni Jesus sa mga tao na sila ay pinagpala dahil sa kanilang pananampalataya sa Kanya. Nakaramdam si Jesus ng labis na kagalakan kaya nagsimula Siyang umiyak.

3 Nephi 17:19–21

yakap-yakap ni Jesucristo ang isang bata, at ang iba pang mga bata ay nasa malapit at nakangiti

Pagkatapos ay isa-isang binasbasan ni Jesus ang bawat bata. Ipinagdasal Niya sa Ama sa Langit ang bawat isa sa kanila. Pagkatapos ay hiniling Niya sa mga tao na tingnan ang kanilang mga anak.

3 Nephi 17:21–23

kinakausap ni Jesucristo ang mga bata, at ang mga anghel ay bumababa mula sa kalangitan at nagtitipon sa paligid ng mga bata

Ang mga anghel ay dumating mula sa langit at pinaligiran ang mga bata. Nang basbasan ng mga anghel ang mga bata, pinalibutan sila ng liwanag ng langit. Sa isa pang araw, muling nakipagkita at nagbigay ng basbas si Jesus sa mga bata. Binasbasan din Niya ang mga bata na makapagsalita. Kahit ang mga sanggol ay nagsalita. Ang mga bata ay nagturo sa kanilang mga magulang ng mga kamangha-manghang bagay.

3 Nephi 17:23–25; 26:14, 16