Mga Kuwento sa mga Banal na Kasulatan
Ang Propetang si Samuel


“Ang Propetang si Samuel,” Mga Kuwento sa Aklat ni Mormon (2023)

Helaman 13–16

Ang Propetang si Samuel

Pagtuturo tungkol sa pagsilang at kamatayan ni Jesus

pinapaalis si Samuel ng mga Nephita sa lungsod

Isang propetang Lamanita na nagngangalang Samuel ang nagpunta sa Zarahemla para turuan ang mga Nephita. Itinuro Niya ang tungkol sa pagsisisi. Hindi nakinig ang mga Nephita at pinalayas siya sa lungsod.

Helaman 13:1–2

nagdarasal si Samuel

Babalik na sana si Samuel sa kanyang bayan. Pero sinabi sa kanya ng Panginoon na bumalik upang turuan ang mga Nephita.

Helaman 13:2–3

nakatayo si Samuel sa labas ng lungsod at tinitingnan ito

Sinabi ng Panginoon kay Samuel na ipaaalam Niya sa kanya ang sasabihin niya. Sumunod si Samuel sa Panginoon. Bumalik siya sa Zarahemla. Pero ayaw siyang papasukin ng mga Nephita sa lungsod.

Helaman 13:3–4

nakatayo si Samuel sa pader ng lungsod at kinakausap ang isang malaking grupo ng mga tao

Umakyat si Samuel sa pader ng lungsod. Sinabi niya ang mga bagay na inilagay ng Panginoon sa kanyang puso. Binalaan niya ang mga tao na sila ay malilipol dahil sila ay gumagawa ng masasamang bagay. Sinabi niya na tanging pagsisisi at pananampalataya kay Jesucristo ang makapagliligtas sa kanila. Sinabi niya na si Jesus, ang Anak ng Diyos, ay isisilang sa loob ng limang taon.

Helaman 13:4–11; 14:2, 8, 12–18

nakatayo si Samuel sa pader ng lungsod at nagsasalita, at isang imahe ang katabi niya na tungkol kay Jesus noong sanggol pa siya, at sina Maria at Jose

Sinabi ni Samuel na magkakaroon ng mga palatandaan ang pagsilang ni Jesus. Sinabi niya sa mga tao na abangan ang mga palatandaan. Ang isang tanda ay isang gabi na walang kadiliman. Ang iba pang mga palatandaan ay ang isang bagong bituin at maraming kamangha-manghang bagay ang lilitaw sa kalangitan.

Helaman 14:3–7

nagsasalita si Samuel, at may katabi siyang isang imahe ng Nabuhay na Mag-uling Tagapagligtas sa labas ng Kanyang libingan na nakikipag-usap kay Maria Magdalena

Gusto ni Samuel na manampalataya ang mga tao kay Jesus. Sinabi niya na si Jesus ay mamamatay at mabubuhay na mag-uli upang ang lahat ng tao ay maligtas kung sila ay magsisisi.

Helaman 14:8, 12–18

nagsasalita si Samuel, at isang imahe ng isang madilim na lungsod ang nasa likuran niya

Sinabi ni Samuel na magkakaroon ng mga palatandaan ang kamatayan ni Jesus. Hindi makikita ng mga tao ang araw, buwan, o mga bituin. Mawawalan ng liwanag sa loob ng tatlong araw.

Helaman 14:20, 27

nagsasalita si Samuel, at sa tabi niya ay may isang imahe ng isang lungsod na nasusunog na may kidlat na tumatama rito

Magkakaroon ng kulog at kidlat. Magkakaroon ng mga lindol, at mawawasak ang mga lungsod.

Helaman 14:21–27

nakatayo si Samuel sa ibabaw ng pader ng lungsod, at ang galit na grupo ng mga tao sa ibaba ay nagtatangkang patamaan siya ng mga palaso at bato, pero ang lahat ay hindi tumatama kay Samuel

May ilang tao na naniwala kay Samuel, pero maraming Nephita ang nagalit sa kanya. Kanilang binato at pinagpapana siya ng mga palaso. Pinrotektahan ng Panginoon si Samuel habang nakatayo siya sa pader. Walang bato at palaso na tumama sa kanya.

Helaman 16:1–2

may mga taong nagdarasal at mukhang nag-aalala, nagagalit ang ibang tao, at umalis si Samuel

Nang walang makatama kay Samuel, marami pang tao ang naniwala sa kanyang mga salita. Pero karamihan sa mga tao ay galit pa rin. Tinangka nilang hulihin si Samuel at itali siya. Nakatakas si Samuel at umuwi. Patuloy niyang tinuruan ang kanyang mga tao.

Helaman 16:3, 6–8

isang propetang nagngangalang Nephi ang nakikipag-usap sa mga tao sa tabi ng isang batis

Ang mga Nephita na naniwala kay Samuel ay nagsisi at nabinyagan ni propetang Nephi. Naniwala sila kay Jesus at hinintay ang mga palatandaan ng pagsilang ni Jesus na sinabi sa kanila ni Samuel.

Helaman 16:1, 3–5; 3 Nephi 1:8