Pagtatalo sa Campground
Ano’ng ginagawa mo? Diyan ko na ilalagay ang tolda!
Pero ito ang mga pinakamagandang puno para sa duyan.
Hay! Lagi na lang mali ang lahat ng ginagawa mo!
Nakakainis na si Clara. Hindi siya nakikinig sa akin!
Maaaring hindi ka sang-ayon sa kanya, pero hindi ibig sabihin nito na hindi kayo puwedeng magtulungan.
Ang flint at bakal ay magkaibang mga materyales, at kung mag-isa lang ang mga ito, hindi maaaring makalikha ng apoy ang mga ito. Pero kapag pinagsama ang mga ito, kikislap ang mga ito. Nagkakaroon tayo ng liwanag at init dahil ang flint at bakal ay magkatuwang o magkapartner.
Nilikha tayo ng Diyos na magkakaiba para magawa natin ang kagila-gilalas na mga bagay nang magkasama.
Siguro puwede kaming magsikap pa ni Clara na magkasundo.
Matutulungan mo ba akong itayo ang tolda dito? Sa ganitong paraan, hindi nito mahaharangan ang magandang tanawin kapag nasa duyan!
Siyempre naman!