2025
Kapanatagan sa Kumperensya
Para sa Lakas ng mga Kabataan Setyembre 2025


Mga Tinig ng mga Kabataan

Kapanatagan sa Kumperensya

dalagitang nagsasalita sa pulpito

Larawang-guhit ni Katelyn Budge

Hinilingan ako na magsalita sa isang stake conference. Pero naisip ko na wala akong oras para maghanda dahil may paparating akong mga assignment sa paaralan.

Habang nagpapasiya pa ako kung magsasalita ako, nangyari ang pangkalahatang kumperensya. Itinuro ni Elder Carl B. Cook, “Sa pagsampalataya natin sa ating Tagapagligtas na si Jesucristo, matutulungan tayong madaig ang panghihina ng loob anuman ang mga humadlang sa atin.”

Naalala ko kung paano ako tinulungan ng Panginoon na gampanan ang mga responsibilidad ko noon. Nang maiugnay ko ang personal na karanasan ko sa patotoo ni Elder Cook, naunawaan ko na bibigyan ako ng kapangyarihang ihatid ang aking mensahe sa stake conference nang walang takot.

Pinatototohanan ko na kapag nababalisa ako o natatakot, bibigyang-inspirasyon ako ni Cristo sa pamamagitan ng mga salita ng mga propeta at ng iba pang mga lider ng Simbahan, ng mga banal na kasulatan, at ng mga taong nakapaligid sa akin.

dalagita

Eru M., edad 17, Gunma Prefecture, Japan

Mahilig siyang tumugtog ng mga instrumento at tumingin sa mga lumang larawan at video para gunitain ang mga alaala.