2025
Paano pa rin ako magkakaroon ng pag-asa at maghahanda para sa magiging pamilya ko gayong nakakapanghina ng loob ang mundo?
Marso 2025


Mga Tanong at mga Sagot

“Paano pa rin ako magkakaroon ng pag-asa at maghahanda para sa magiging pamilya ko gayong nakakapanghina ng loob ang mundo?”

dalagita

“Iniutos sa atin ng Panginoon na magpakarami at punuin ang mundo at nangako siyang poprotektahan tayo sa pamamagitan ng mga tipang ginawa natin sa Kanya. Ang plano ng Diyos ay perpekto. Alam ko na kapag nagkaroon ako ng mga anak—kung susundin ko ang iniutos Niya sa akin—tiyak na pagpapalain at poprotektahan Niya ako at ang aking pamilya ayon sa Kanyang karunungan.”

Ziona O., 16, Hawaii, USA

binatilyo

“Nagkakaroon ako ng pag-asa kapag sumampalataya ako sa Diyos at sa Kanyang plano para sa akin. Kapag ang mundo ay nakakapanghina ng loob, maaari akong bumaling sa Kanya para mapayapa ako. Ang patriarchal blessing ko ay tumutulong sa akin na malaman na mas kilala ako ng aking Ama sa Langit kaysa sinuman at mahal Niya ako. Ito ay nagbibigay sa akin ng tiwala na magiging maayos ang lahat.”

Logan A., 16, Texas, USA

dalagita

“Nakakatulong sa akin na malaman na mahal ako ng Diyos, may plano Siya para sa akin, at tutulungan Niya akong makayanan ang mahihirap na panahon. Nakakatulong din na malaman na ang aking mga tipan ay nagbubuklod sa akin kay Cristo at napagpapala ako ng Kanyang kapangyarihan at lakas.”

Lydie L., 18, Utah, USA

binatilyo

“Magkaroon ng kagalakan kay Cristo, sa mga banal na kasulatan, at sa panalangin. Kung matututuhan natin na ang tanging opinyon na mahalaga ay ang opinyon ng Tagapagligtas, mas mapapagaan nito ang buhay. Ang paggawa ng mga desisyon batay sa mga opinyon ng mga tao sa paligid natin ay maaaring mag-udyok sa atin na gumawa ng mga negatibong desisyon.”

Cash P., 16, Utah, USA

dalagita

“Dapat nating pagkatiwalaan ang Diyos at sikaping magkaroon ng positibong pananaw. Maaari tayong makakuha ng inspirasyon mula sa iba na napagtagumpayan ang katulad na mga hamon. Gayundin, ang pagsunod sa mga kautusan, lalo na ang batas ng kalinisang-puri at pagiging marangal, ay naglalagay ng matibay na pundasyon para sa pagbuo ng isang masayang pamilya kahit nakapanghihina ng loob ang mga nangyayari sa paligid.”

Divine O., 19, Lagos, Nigeria