2022
Sulit ang Pagsisikap
Oktubre 2022


Kaibigan sa Kaibigan

Sulit ang Pagsisikap

Mula sa isang interbyu kay Richard M. Romney.

Boy farming, then reading, then standing on top of a pile of books

May panahon noong bata pa ako na walang perang pambayad sa pag-aaral ko ang mga magulang ko, kaya tumigil ako sa pag-aaral.

Pagkaraan ng isang taon, sinabi ng tatay ko na puwede akong magpatuloy sa pag-aaral kung kikita kami ng sapat mula sa aming sakahan. Nagsikap kaming lahat. Pagkaraan ng dalawang taon ng pagsisikap, kumita kami ng sapat na pera para makapag-aral akong muli.

Itinuro nito sa akin na ang edukasyon ay sulit na pagsikapan. Mahalaga ang pag-aaral. Kapag nasa paaralan ka, dapat kang magsikap at pag-aralan mong lahat ang kaya mong pag-aralan.

Makalipas ang maraming taon, sumapi ako sa Simbahan. Nalaman ko na itinuturo din sa atin ng Panginoon na mahalaga ang edukasyon. Itinuturo ng mga banal na kasulatan na madadala natin sa kawalang-hanggan ang anumang natututuhan natin sa buhay na ito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 130:18–19).

Nagpapasalamat ako na natuto akong magsikap para makapag-aral. Dalangin ko na mapag-aralan ng bawat isa sa inyo ang lahat ng kaya ninyong pag-aralan. Pagkatapos ay magagamit ninyo ang inyong kaalaman para tulungan ang iba.

Larawang-guhit ni Shellene Rodney