Mahal na mga Kaibigan,
Mayroon bang isang taong mahal mo na lumipat sa malayong lugar? Na-miss mo ba siya? Inasam mo bang bumalik siya? Nang ipinadala tayo ng Ama sa Langit sa lupa, nais Niyang makabalik tayong lahat sa Kanya. Sa pahina 2, sinabi ni Pangulong Eyring kung paano ka makakatulong na tipunin ang mga tao at tulungan silang makabalik sa Ama sa Langit. At sa pahina 12, maaari kang maglaro ng isang masayang laro para matuto ng iba pang mga paraan para matipon ang Israel!
Nagmamahal,
Ang Kaibigan
P.S. Sulatan kami para ipaalam kung paano ka tumutulong na tipunin ang mga anak ng Ama sa Langit.