Pagtulong na Tulad ni Jesus
Tinulungan ni Jesus ang Kanyang Ina
Nagpunta si Jesucristo sa isang kasalan sa Cana. Naroon ang kanyang inang si Maria. Sinabi nito kay Jesus na naubusan na sila ng alak. Tinanong ni Jesus ang Kanyang ina kung ano ang gusto nitong gawin Niya. Gumawa siya ng isang himala at ginawang alak ang tubig. Mahal ni Jesus ang Kanyang ina at tinulungan siya.
Allergic ang nanay ko sa mga aso. Nagpunta kami sa bahay ng kaibigan ko, at may aso sila. Pagdating namin sa bahay, nagpantal-pantal ang mukha ng nanay ko. Binigyan ko siya ng ice pack, unan, at kumot. Hindi nagtagal ay nagsimulang mawala ang mga pantal. Masaya ako na tinulungan ko ang nanay ko.
Penelope B., edad 9, Utah, USA