Matulunging mga Kamay sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo
Kilalanin si Edrickna Taga-Guatemala
Kilalanin ang mga batang Primary na tumutulong sa iba, tulad ng ginawa ni Jesus.
Tungkol lahat kay Edrick
Edad: 4
Mula sa: Sololá, Guatemala
Wika: Spanish
Mga mithiin at pangarap: 1) Matutong magbisikleta. 2) Magkaroon ng baka. 3) Maging pulis.
Pamilya: Edrick, Mamá, Papá, Lola, at Lola-sa-tuhod
Ang Matulunging mga Kamay ni Edrick
Gustung-gusto ni Edrick at ng kanyang pamilya na makatulong! Nagtatrabaho ang kanyang ina sa isang shop na nagtuturo sa mga tao kung paano manahi. Sa shop, mayroon din silang isang gulayan. Ang mga taong nagpupunta sa shop ay maaaring mag-uwi ng mga gulay kung wala silang pagkain. Tumutulong si Edrick sa pamamagitan ng pagdidilig sa mga halaman. “Ang pagkain ng mga gulay ay mahalaga para lumakas,” sabi ni Edrick. Masaya siyang makatulong na magtanim ng masustansyang pagkain para makakain ang iba.
Gusto rin ni Edrick na mag-minister na kasama ng kanyang ama. Nag-uukol sila ng oras sa mga bata at kabataan sa kanilang ward. “Gusto kong tulungan ang nakatatandang mga bata,” sabi ni Edrick. Masaya siya kapag naglilingkod siya sa iba.
Mga Paborito ni Edrick
Lugar: Tahian ng kanyang ina, kung saan maaari siyang maglaro at tumulong sa taniman
Kuwento tungkol kay Jesus: Nang pagalingin ni Jesus ang isang lalaking maysakit
Awitin sa Primary: “Tinawag Upang sa Diyos Maglingkod” (Aklat ng mga Awit Pambata, 40–41)
Pagkain: Manok na may kasamang fries
Kulay: Asul
Subject sa Paaralan: Pagsusulat ng mga letra at numero