Mga Debosyonal sa 2025
Saksi ni Cristo


3:5

Saksi ni Cristo

Panglong Dallin H. Oaks (1984): Ang kumperensiyang ito ang unang pagkakataon kong magsalita sa pangkalahatang miyembro ng Simbahan, upang ipahayag ang pagtanggap sa aking tungkulin sa Kapulungan ng Labindalawa. … Ilalaan ko ang aking buong puso, kakayahan, pag-iisip, at lakas sa malaking tiwalang ibinigay sa akin, lalo na sa mga responsibilidad ng isang natatanging saksi ng pangalan ni Jesucristo sa buong mundo.

Pangulong Dallin H. Oaks (1987): Mahal natin ang Panginoong Jesucristo. Siya ang ating Mesiyas, Tagapagligtas, at Manunubos. Siya ang tanging pangalan kung saan tayo maliligtas.

Pangulong Dallin H. Oaks (1994): Ang pananampalataya sa Panginoong Jesucristo ay naghahanda sa inyo para sa anumang bagay na hatid ng buhay. Ang ganitong uri ng pananampalataya ay naghahanda sa inyo na tanggapin ang mga oportunidad sa buhay—na gamitin nang buong husay ang mga natanggap at magpatuloy sa gitna ng mga kabiguan ng mga nawala.

Pangulong Dallin H. Oaks (2000, “Ang Buhay na Cristo”): Pinatototohanan namin bilang kanyang mga nararapat na Apostol—na si Jesucristo ang Buhay na Cristo, ang imortal na Anak ng Diyos. Siya ang dakilang Haring Emmanuel, na ngayon ay nakatayo sa kanang kamay ng Kanyang Ama. Siya ang liwanag, ang buhay, at pag-asa ng mundo.

Pangulong Dallin H. Oaks (2006): Nagpapatotoo ako tungkol kay Jesucristo, ang ating Tagapagligtas, na nag-aanyaya sa ating lahat na lumapit sa Kanya at maging ganap sa Kanya. Tatalian Niya ang ating mga sugat at pagagalingin Niya ang nangabibigatang lubha.

Pangulong Dallin H. Oaks (2013): Ang pagsunod kay Cristo ay hindi isang kaswal o paminsan-minsang gawain kundi tuluy-tuloy na pangako at uri ng pamumuhay na angkop sa lahat ng oras at sa lahat ng lugar.

Pangulong Dallin H. Oaks (2025): Pinatototohanan ko ang Panginoong Jesucristo na Bugtong na Anak ng Diyos na ating Amang Walang Hanggan. Inaanyayahan Niya tayong sundin ang landas ng tipan na humahantong sa reunion ng pamilya sa langit. Ang mga kapangyarihan ng priesthood na magbuklod, na pinamunuan ng mga susi na ipinanumbalik sa Kirtland Temple, ay pinagsasama ang mga pamilya sa kawalang-hanggan. Kasalukuyang ginagamit ang mga ito sa dumaraming bilang ng mga templo ng Panginoon sa buong mundo. Ito ay totoo. Maging bahagi tayo nito.

Pangulong Dallin H. Oaks (2025): Alam ko nang higit kaysa alinmang katiyakan sa buhay ko na ito ay ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw. Pinatototohanan ko ang Panginoong Jesucristo, na siyang pinuno ng Simbahang ito, at hinihiling na pagpalain Niya tayong lahat habang sinisikap nating paglingkuran Siya. Sa pangalan ni Jesucristo, amen.

Mga Tala

  1. Dallin H. Oaks, “Why Do We Serve?,” Ensign, Nob. 1984

  2. Dallin H. Oaks, “The Light and Life of the World,” Ensign, Nob. 1987

  3. Dallin H. Oaks, “Faith in the Lord Jesus Christ,” Ensign, Mayo 1994

  4. “Ang Buhay na Cristo: Ang Patotoo ng mga Apostol,” Gospel Library

  5. Dallin H. Oaks, “Pinapagaling Niya ang Nangabibigatang Lubha,” Liahona, Nob. 2006

  6. Dallin H. Oaks, “Pagsunod kay Cristo,” Liahona, Nob. 2024

  7. Dallin H. Oaks, “Ang Nakasentro sa Pamilya na Ebanghelyo ni Jesucristo,” Liahona, Mayo 2025

  8. “Special Announcement: The New First Presidency of The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints,” sa “Dallin H. Oaks Named 18th President of the Church of Jesus Christ of Latter-day Saints,” Okt. 14, 2025, newsroom.ChurchofJesusChrist.org